Hevruta - Pagkatapos ng Aralin 29. Pagpapakilala ng Konsepto ng 'Sampu'
Hevruta - Kasunod ng Aralin 29
Panimula sa Konsepto ng 'Sampu'
Mga Materyales para sa Aralin 29 >>
Tala ng Aralin 29 >>
Sa karaniwan nating buhay, nakasanayan nating mag-isip at kumilos bilang mga indibidwal. Gayunpaman, ang espirituwal na pag-unlad ay hindi maaaring mangyari ng nag-iisa. Ayon sa Kabbalah, ang Maylalang ay naihahayag hindi sa loob ng tao lamang, kundi sa koneksyon sa pagitan ng mga taong nagsisikap tungo sa iisang layunin.
Dahil dito, binabanggit ng mga Kabbalist ang "sampu": isang maliit na grupo ng mga tao na magkakasamang nagtatrabaho upang bumuo ng relasyon ng koneksyon, magkatuwang na suporta, at pagbibigay. Ang sampu ay nagiging praktikal na laboratoryo kung saan maaaring matutunan ng isang tao kung paano makaangat sa sarili at makabuo ng bagong saloobin tungo sa kapwa.
Ang sampu ay hindi lamang isang pangkat na nag-aaral o basta pagtitipon ng mga tao. Isa itong kasangkapan para sa espirituwal na pag-unlad. Sa pamamagitan nito, ang tao ay tumatanggap ng lakas, inspirasyon, suporta, at pagkakataon upang magtrabaho sa mga katangiang hindi kayang paunlarin nang mag-isa.
Hindi kayang iaangat ng isang tao ang kanyang sarili higit sa kanyang kapaligiran. Kaya, kailangang magmula siya at magpalakas sa kanyang paligid, at wala siyang ibang paraan kundi sa Torah at masigasig na paggawa. Kaya, kung pipiliin ng tao ang mabuting kapaligiran para sa sarili, nakakatipid siya ng oras at pagsisikap sapagkat nadadala siya ayon sa kanyang kapaligiran.
-- Baal HaSulam, Shamati 225, Pag-angat sa Sarili
Ang Kahalagahan ng Kapaligiran
Ipinaliwanag ni Baal HaSulam na hindi kayang makaangat ng tao kaysa sa kanyang kapaligiran. Napapansin man natin o hindi, ang ating mga halaga, pagnanasa, at prayoridad ay patuloy na nahuhubog ng mga taong nasa paligid natin.
Mas lalo pang mahalaga ang prinsipyong ito sa espirituwal na landas. Kung nais ng tao na sumulong patungo sa layunin ng paglikha, kailangan niya ng kapaligirang pinapahalagahan ang layuning ito at patuloy siyang pinaaalalahanan ng kahalagahan nito.
Tanong sa Workshop para sa Diskusyon
Bakit natin kailangan ng sampu? Ano ang maaaring aktwal na makuha ko rito?
Ngayon ay manonood tayo ng isang clip mula kay Rav Dr. Michael Laitman tungkol sa kahalagahan ng sampu:
Kailangan natin ng lipunan na bubuo ng mas malaking puwersa upang makapagsama-sama tayo sa pag-alis ng kagustuhang tumanggap, na tinatawag na “kasamaan,” dahil ito ang humahadlang sa pag-abot ng layuning nilikha ang tao.
Dahil dito, dapat binubuo ang lipunan ng mga indibidwal na nagkakaisa ng opinyon na nararapat nila itong maabot. Sa gayon, ang lahat ng indibidwal ay nagiging isang malaking puwersa na kayang labanan ang sarili nito, dahil lahat ay napapaloob sa isa't isa. Kaya, ang bawat tao ay nakasalalay sa malaking pagnanasang maabot ang layunin.
-- RABASH, Artikulo Bilang 1 (1984), "Layunin ng Lipunan – 2"
May natatanging kapangyarihan sa pagdikit-dikit ng mga kaibigan. Dahil ang mga pananaw at kaisipan ay dumadaloy mula sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagkakadikit nila, bawat isa ay napagsasama ang lakas ng iba, at dahil dito, bawat isa ay may lakas ng buong lipunan. Kaya, kahit ang isang tao ay indibidwal, taglay niya ang lakas ng buong lipunan.
-- RABASH, Artikulo Bilang 14, "Ang Pangangailangan para sa Pagmamahalan ng mga Kaibigan"
Kung ang ilang indibidwal ay nagsama-sama na may kapasyahang mahalagang iwanan ang pagmamahal sa sarili, ngunit wala pa ang sapat na lakas at kahalagahan ng pagbibigay upang maging independent, kung ang mga indibidwal na ito ay magpapakumbaba sa isa’t isa at lahat ay may kahit na potensyal na pagmamahal sa Maylalang, kahit hindi nila ito mapanghawakan sa gawa, sa bawat pagsanib sa lipunan at pagpapakumbaba sa sarili, sila ay nagiging isang katawan.
Halimbawa, kung may sampung tao sa katawan na iyon, meron itong sampung ulit na mas malaking lakas kaysa sa iisang tao.
Ngunit may kondisyon: Kapag sila ay nagtipon, dapat ang bawat isa ay mag-isip na siya ay dumating upang iwasan ang pagmahal sa sarili. Ibig sabihin, hindi niya isasaalang-alang kung paano niya mapapalugod ang sarili ngayon, kundi mag-iisip hangga't maaari ukol lamang sa pagmamahal sa kapwa. Ito lamang ang paraan upang makuha ang hangarin at pangangailangan na makamit ang bagong katangian na tinatawag na “kagustuhang magbigay.”
At mula sa pagmamahal sa kaibigan ay maaaring makamit ang pagmamahal sa Maylalang, ibig sabihin gustong bigyan ng kasiyahan ang Maylalang.
-- RABASH, Artikulo Bilang 6 (1984), "Pagmamahal sa mga Kaibigan – 2"
Bakit Kailangang Sama-samang Gawin ang Espirituwal na Gawa?
Walang sapat na lakas ang isang tao lang upang malampasan ang egoismo. Kahit alam niya ang kahalagahan ng layunin, likas na humihila pa rin ang hangarin niya pabalik sa sariling interes.
Ipinaliwanag ni Rabash na kapag nagsama-sama ang mga tao sa iisang espirituwal na layunin, lumikha sila ng puwersang higit pa sa kabuuan ng bawat bahagi nito. Ang bawat kaibigan ay nag-aambag ng kanyang hangarin, pagsisikap, at mithiin, at magkasama nilang binubuo ang lakas na hindi taglay ng sinuman kapag nag-iisa.
Isa ito sa mga batayan ng gawain sa sampu: ang bawat isa ay nagpapalakas sa iba, at kapalit nito ay tumatanggap din siya ng lakas mula sa kanila.
Tanong sa Workshop para sa Diskusyon
Ano ang maaaring maging interesante gawin kapag nagtitipon tayo kasama ang mga kaibigang nag-aaral ng kabbalah? Mga ideya, suhestiyon?
Ang Sampu sa Praktika
Ang sampu ay hindi lamang nabubuo tuwing aralin at workshop, kundi pati sa araw-araw na pag-aalala sa isa’t isa. Umuunlad ang espirituwal na koneksyon kapag nagsisikap ang mga kaibigan na manatiling magkaugnay, magtulungan, at panatilihin ang halaga ng layunin sa pagitan ng mga pagkikita. Kahit ang mumunting kilos ay maaaring magpatibay ng koneksyon at makatulong sa paglikha ng buhay na damdamin ng pagkakaisa at pananagutan.
Dahil dito, mainam na maghanap ng mga pagkakataon na dagdagan ang pagkakonekta sa buong linggo.
Ngayon ay manonood tayo ng isang clip mula kay Rav Dr. Michael Laitman sa loob ng kanyang sampu, tungkol sa pagpapalakas ng importansya ng pag-aalaga sa isa’t isa :
Rav Dr. Michael Laitman sa kanyang sampu >>
Panukalang Ehersisyo para sa Linggo
Magtambal tayo sa maliliit na grupo ng 2 o 3 bilang isang ehersisyo. Sa susunod na linggo, ibahagi kung nagtagpo o nag-usap kayo at ano ang puna mula sa ehersisyo