Aralin 31. Musikang Kabbalah
Aralin 31
Musika ng Kabbalah
Piniling Sipì mula sa mga Pinagmulan
Mga Slide 2-4
Mula sa: Baal HaSulam, "Pri Hacham: Mga Pag-uusap", "Ang Kaaya-ayang Tunog ng mga Awit at Musika"
"Ang bagay ng melodiya ay tulay sa pagitan ng espiritwal at ng materyal. Ibig sabihin, lahat ng nahuhuli ng isipan ng imahinasyon, at lahat ng naiisip at nabubulay ng puso, at nasasambit ng bibig at naririnig ng tainga, ay ang mga pangunahing puwersa na gumagalaw sa puso. Kaya, lahat ng mga nabanggit na pagkilatis ay materyal, at walang espiritwal na anyo sa kanila, sapagkat kung hindi sila materyal, hindi sila makapagdadala ng pakiramdam sa isang nilalang na materyal.
At walang pakiramdam sa mundo na hindi nakakabit sa imahinasyon. Yamang ang imahinasyon ay itinuturing na materyal, ang pakiramdam ay nagiging materyal kasama nito. Gayunman, ang mga pakiramdam na ginising ng musika ay hindi naglalaman ng anumang puwersang materyal o imahinasyon, maliban na lamang ito ay nakakabit sa mga pakiramdam na napagdaanan na ng nilalang dahilan sa mga imahinasyon, at lahat ng ito ay nakalimutan na.
Ngayon, ayon sa batas ng musika, ang mga lumang pakiramdam ay nahahayag nang walang kahit anong pagkamukha sa mga naunang imahinasyon. Kaya, naglalaman ito ng kaaya-ayaang damdamin, kahit na ito ay nagmula sa malulungkot na pakiramdam. Kahit noong una, ibig sabihin noong nakakabit pa ito sa mga imahinasyong nauna rito, ito ay napakaputik, gayunman ngayon, dahil nakalimutan na ang mga kilos at ang mga imahinasyon ay nanatili sa kanilang lugar, at ang mga pakiramdam lamang ang nahahayag, mas malapit na ito sa espiritwalidad at kawalang-hanggan.
Dahil dito, may malaking kaaya-ayaan sa kanila at walang karumihan, sapagkat ang kawalang-hanggan ay nananatili sa sikreto ng kaaya-ayaan, gaya ng nalalaman."
Mga Slide 5-6
Mula sa: Baal HaSulam, Shamati, Art. 50 "Dalawang Estado"
"...gaya ng pagbibigay ng Maylalang, ganoon din ang mundo ngayon ay abala lamang sa pagbibigay.
Ito ay tulad ng isang malungkot na himig. May mga musikero na marunong magpahayag ng pagdurusa kung saan nalikha ang himig, sapagkat ang lahat ng melodiya ay tulad ng isang wikang sinasalita kung saan tinutukoy ng himig ang mga salitang nais ipahayag ng tao. Kung ang himig ay nagpapaluha sa mga tagapakinig hangga't bawat isa ay umiiyak dahil sa pagdurusang ipinapahayag ng melodiya, dito ito tinatawag na “isang himig,” at lahat ay gustong makinig nito.
Ngunit, paano mag-eenjoy ang mga tao sa pagdurusa? Sapagkat ang himig ay hindi tumutukoy sa kasalukuyang pagdurusa, kundi sa nakaraan, ibig sabihin mga hirap na napagdaanan na, napaginhawaan na, at naranasan na ang kasapatan, kaya gustong pakinggan ito ng tao, dahil ito ay nagpapahiwatig ng pagpapabait ng mga paghatol, na ang mga dinanas na pagdurusa ay napabuti na. Kaya masarap sa pandinig ang mga pagdurusang ito, at saka tinatawag ang mundo na “Ang Banal na Shechina [Dibinidad].”
Slide 7
Mula sa: Rabash. Art. 238. Ang Kagalakan ng Nobyo at Nobya
"Ang kagalakan mula sa sayaw ay tulad ng malungkot na himig na nalulugod ang mga tao. Ang himig ay naglalarawan ng talaan ng mga hirap na napagdaanan na, ngunit ngayon ay tinatamasa ang kabutihang naidulot ng mga pagdurusa. Gayundin, naglalaman ang sayaw ng kagalakan na pagkatapos ng lahat ng pagtaas at pagbaba na kanilang pinagdaanan, nanatili pa rin silang matatag sa kanilang kinalalagyan."
Slide 8
Mula sa: Rabash, Art. 1 (1991) "Ano ang Ibig Sabihin ng, 'Wala Kameng Ibang Hari Kundi Ikaw,' sa Gawain?"
"Paano makakakanta sa Maylalang ang isang tao kapag nakita niyang puno siya ng kakulangan at ang kanyang puso ay hindi buo para sa Maylalang, at nararamdaman niyang malayo siya sa Maylalang? At minsan, nais pa nga niyang takasan ang labanang ito. Paano niya masasabing ito ay mga awa ng Panginoon at siya ay umaawit tungkol dito sa Maylalang? <...>
Ito ang kahulugan ng mga salita, “Aawitin ko ang mga awa ng Panginoon magpakailanman.” Ibig sabihin, sa isang banda, siya ay masaya at umaawit ukol dito. Sa kabilang banda, nakikita niyang kailangan niyang magsisi. Sa ibang salita, hihingi siya sa Maylalang na lapitan siya at bigyan siya ng pagnanais na magbigay, na siyang pangalawang kalikasan."
Slide 9
Mula sa: Zohar for All, Vol. 3. VaYechi, "Nabuhay si Jacob", p. 117
"Nakasaad, “Maglingkod kayo sa Panginoon na may kagalakan; lumapit sa Kanya na may awitan.” Walang paglilingkod sa Maylalang kundi sa kagalakan. Ang Shechina [Dibinidad] ay wala sa kalungkutan, gaya ng nakasaad, “‘At ngayo’y dalhan mo ako ng musikero.’ At nang tumugtog ang musikero.” Tatlong beses isinulat ang “tugtog,” upang gisingin ang espiritu mula sa pinanggagalingan ng kabuuan, ang Zeir Anpin, na binubuo ng tatlong linya, na siyang kumpletong espiritu. Ang tatlong ulit na “tugtog” ay tumutugma sa kanyang tatlong linya."
Slide 10
Mula sa: Rabash, Art. 7 (1990) "Ano ang mga Panahon ng Panalangin at Pasasalamat sa Gawain?"
“Ang Shechina [Dibinidad] ay naroroon lamang kapag may kagalakan,” gaya ng nakasaad, “At siya ay magiging tulad ng isang musikero na tumutugtog, at ang espiritu ng Panginoon ay sasakanya.” Kaya ang pangunahing panahon na pinararangal ang Shechina ay tiyak sa panahon ng kabuuan, sapagkat lalo na sa oras ng kabuuan maaaring tanggapin ng tao ang kanyang kaluluwa."
Slide 11
Mula sa: R' Kalonymus Kalman Shapira, "B'nei Machshavah Tovah"
"Ang melodiya ay isang uri lamang ng paglalantad ng kaluluwa at ng mga damdamin nito. Ito ay nahahayag sa pananalita, kapag ang isang tao ay nagsasalita sa kanyang kaibigan tungkol sa kanyang mga iniisip at nararamdamang lungkot at galak, at lalo na sa kanyang tinig... Kaya, ang melodiya, na binubuo ng masasaya o mapait na tunog, ay gumigising sa damdamin ng tao, na dito nahahayag ang mga sulyap at bahagi ng kaluluwa."
Slide 12
Mula sa: ״Sichot HaRan״ [Rabbi Nachman ng Breslov], 273
"Mabuti para sa isang tao na ugaliin ang kanyang sarili na mapukaw ang sarili gamit ang ilang melodiya, sapagkat ang melodiya ay napakadakila at mataas na bagay."