"Hevruta" - kasunod ng Aralin 25
Masach, Orh Hozer, Ohr Pnimi
Ang Istruktura ng mga Mundo
Una, sariwain natin ang ating layunin sa pamamagitan ng ilang sipi mula sa Kabbalist tungkol sa layunin bago ang pag-aaral.
Pagkatapos ay babalikan natin ang iskema at ang istruktura ng mundo mula sa ating aralin noong Linggo.
At kung may oras pa tayo, mayroon tayong isang maikling artikulo ni Rabash tungkol sa Orh Hozer na may paliwanag mula kay Rav Dr. Michael Laitman para subukan natin na mairealisa sa ating puso at hindi lang sa isip ang ating pinag-aaralan.
Sa espirituwalidad, ang pagkakapareho ay tinatawag na "pagdidikit" (adhesion), kahit na sa gawa ay tumatanggap ang isa. At ito ang tinatawag na "pagtanggap upang makapagbigay."
Ngunit paano nga ba posibleng magkaroon ng estado ng pagkakapareho ng anyo? Dahil ang pagnanais na tumanggap ay nilikha ng Maylalang, paano posibleng kanselahin ang kalikasan ng nilikha ng Maylalang? Para rito, binigyan ng pagwawasto: sa totoo lang, hindi maaaring makansela ang likas na katangian ng pagnanais na tumanggap. Sa halip, dinadagdagan ito ng layuning makapagbigay. Kaya, ang pagnanais na tumanggap — ibig sabihin, kapag nakita ng isang tao na may makakapagpasaya sa kanya — ay nananatili. Ibig sabihin, kahit pagkatapos, natutuwa pa rin ang tao, ngunit may ibang layunin. Ito ang tinatawag na "pagtanggap upang makapagbigay."
(Rabash. Artikulo 3 - 1990)
Ang mas mababa ay maaari lamang magdagdag sa sisidlan ng Maylalang. At ito ay gaya ng isinulat, "na nilikha ng Diyos upang gawin," ibig sabihin, nilikha ng Diyos ang sisidlan, na tinatawag na "pagnanais na tumanggap ng kaligayahan." At ang tao ay dapat magdagdag dito ng pagwawasto, na tinatawag na "ang layunin para sa kapakanan ng pagbibigay," gaya ng nasabi, na ang Malchut ng Ein Sof ay naggayak ng sarili ng punto ng pagnanais, na ang ibig sabihin ng kanyang pag-gayak ay nilagyan niya ng layunin para sa pagbibigay ang kanyang pagnanais na tumanggap.
(Rabash. Artikulo 22 - 1987)
Kung ang layunin ng tao ay para lamang bigyang-ligaya ang Maylalang at hindi para sa sariling kapakinabangan, kung gayon wala siyang pakialam sa halaga ng kaligayahan. Tinitingnan lang niya ang laki ng pagnanais na bigyang-ligaya ang Maylalang. Sapagkat sa pananabik na makalugod sa Maylalang, nagdudulot ito ng anyo ng pagkakapantay slulo sa ugat ng kanyang kaluluwa. At ito ay nagdudulot ng mas malaking kasaganaan na makita, sapagkat ang Itaas ay gustong magbigay ng higit kaysa sa nais tanggapin ng mababa, tanging ang kakulangan ay nasa mga sisidlan ng pagbibigay. Kaya, sa pagdagdag ng pagnanais na makapagbigay, dumarating sa kanya ang malaking kasaganaan. Samakatuwid, hindi dapat hingin ang malalaking Liwanag, kundi maghangad na magkaroon ng malalaking sisidlan, na mga sisidlan ng pagbibigay.
(Rabash. Artikulo 31 - 1988)
Alinsunod dito, ang tao ay kailangang magsikap ng matindi, kahit bago magsimula ng pag-aaral, upang ang kanyang pagkatuto ay magbunga ng magandang resulta. Ibig sabihin, ang pagkatuto ay magdadala sa kanya ng Liwanag ng Torah, na sa pamamagitan nito ay maaaring siyang mapanumbalik sa kabutihan.
(Rabash. Artikulo 12 "Ano ang Torah at Paggawa sa Daan ng Maylalang" 1988)

Orh : Liwanag (ang nararamdaman sa kli)
Tzimtzum: Paghihigpit
-

Masakh = ang tabing (humahadlang sa liwanag na pumasok ng makasarili - tanging sa layunin lamang)
Kavana = Layunin (ang layunin na maging katulad ng Maylalang, na makapagbigay)
Orh Yashar = Direktang Liwanag (ang kaligayahan na nais ibigay ng Maylalang sa Nilikha, at nais namang tanggapin ng nilikha)
Ohr Hozer = Balik na Liwanag (tinutukoy ayon sa kahalagahan ng nagbibigay)
Ohr Pnimi = Panloob na Liwanag - ang kaligayahang maaaring tanggapin tanging sa sukat na mayroon tayong layunin/kahalagahan ng nagbibigay)

Ang pagtatasa na ginagawa sa Rosh (ulo) ang nagtatakda kung gaano karami ang maaaring matanggap (Orh Pnimi)
Ang hindi natin kayang balutin gamit ang ating layunin (Kavana) ay hindi tinatanggap; ang lugar ay nananatiling Walang Laman
Ang napapalibutang Liwanag (orh makif) ay ang liwanag na nais ibigay ng Maylalang ngunit hindi maibigay dahil wala tayong tamang layunin. Ang Ohr Makif na ito ang patuloy na nagtutulak sa Kli na magbago at lumago upang mapalapit ito sa layunin ng Maylalang,
Rabash - Dargot HaSulam 557 - Tungkol sa Orh Hozer
"Sa pag-aaral ng Sampung Sefirot (p. 39, seksyon 3, at Panloob na Liwanag seksyon 20) nakasulat na ang Ohr Hozer na umaangat mula sa tabing pataas ay tinatawag na pagkakadikit, dahil hinahawakan at iniintegrate nito ang itaas na liwanag sa isang bilog, na saanman hindi nababalutan ng Ohr Hozer ang Mataas na Liwanag, ang liwanag na iyon, para sa nilikha, ay itinuturing na parang wala, dahil hindi niya ito maaabot nang wala ang balabal na tinatawag na Ohr Hozer. Hanggang dito ay kanyang mga salita.
Mula rito, nauunawaan natin kung bakit hindi nararamdaman ng lahat ang Pagka-Diyos, kahit na nakasulat na, "Pinupuno Ko ang langit at lupa," at "Ang buong daigdig ay puspos ng Kanyang kaluwalhatian," at gayunpaman ay wala tayong nararamdaman kahit ano.
Ang sagot ay gaya ng nasabi sa itaas: sa isang lugar na walang balabal na tinatawag na Ohr Hozer, ang Mataas na Liwanag ay itinuturing para sa nilikha na parang walang anuman. At dahil ang buong layunin ng Ohr Hozer ay upang makatanggap lamang ayon sa layunin ng pagbibigay, kaya't hangga't ang tao ay nasa kalagayan pa ng pagtanggap para sa sarili, wala pa siyang Ohr Hozer. Kaya, kahit na "ang buong daigdig ay puno ng Kanyang kaluwalhatian," gayunpaman, para sa mababang nilikha ay para bang Siya ay wala.
Nakalalabas mula rito na wala nang iba pang dapat gawin ang tao upang maabot ang layunin kundi ituon ang lahat ng kanyang pagsisikap sa isang punto: na maialay niya ang lahat ng kanyang libreng oras para lamang sa kapakanan ng Langit. At ito ang ibig sabihin ng "ang lahat ay nasa kamay ng Langit maliban sa takot sa Langit," ibig sabihin, lahat ay ibinibigay ng Banal na Isa, Pagpalain Siya.
Ibig sabihin, ang mga Itaas na liwanag ay inihanda na para sa tao, at ito ang tinatawag na, "higit pa sa nais ng guya na sumuso, nais ng ina na magpasuso," at kailangan lang natin likhain ang sisidlan. Ang sisidlan na ito, pagkatapos ng tzimtzum, ay tinatawag na "tabing at Ohr Hozer." Ito ang nag-uugnay sa Itaas at sa mababa; ibig sabihin, sa pamamagitan nito nagkakaroon ng koneksyon ang mababa sa Itaas.
Ngunit kapag nawawala ang connector na ito, hindi nakita ng mababa ang Itaas, at para sa mababa, ang Itaas ay para bang wala Siya. Kaya, sa sukat na ang isang tao ay nagsisimulang gumawa para sa kapakanan ng Langit, sa sukat na iyon din siya nakakakuha ng ugnayan sa Mataas na Liwanag, at ayon sa laki ng koneksyon nito gayon din kalaki ang kanyang pagpapalawak ng kaunawaan.
Upang maunawaan ang usapin ng AHP ng Itaas, na bumaba sa GE ng mababa para sa pakinabang ng mababa. Sa moral na antas, maaaring bigyang-kahulugan na ang usapin ng GE at AHP ay lihim ng kaliitan at kadakilaan. Ang pagwawasto ay ginawa ng Hochma at Bina para sa kapakanan ng mga anak, "
Rav Laitman sa artikulo:
Kaya't isipin natin na tayo ay nakatira sa isang mundo at parang marami tayo, ngunit ako ay nabubuhay sa isang mundong ganap na nasa kabaligtarang kalidad mula sa akin, at nararamdaman ko ito ayon lamang sa sarili kong kalidad. Kaya, iniimprenta ko lahat ng kaya kong maramdaman sa sarili kong mga sisidlan, sa kasalukuyan kong anyo, at ang lahat ng iba pa, maliban sa akin—mineral, halaman, hayop, tao, na aking iniisip—lahat ito ay akin, nasa akin, nasa aking mga katangian, sa pagnanais na tumanggap, at ang lahat ng iba ay hindi ko nakikita, silang lahat ay nasa pagnanais na magbigay.
Kaya, kung sa halip na pagnanais na tumanggap, lagyan ko ang aking sarili ng Ohr Hozer (balik na liwanag), sa gayon matutuklasan ko ang tunay na realidad. Sa ganitong paraan, natutuklasan ko lang ang sarili kong mga kalidad. Kaya, "ang namumuna, ayon sa kanyang sariling depekto siya namumuna," ibig sabihin, nakikita ko lamang ang sarili kong likas na katangian sa lahat ng kaya kong maramdaman.
Ang tanong: paano makakatulong sa akin ang paraan na ito na kailangan kong mahalin ang kapwa, kung ang "kapwa" ay inuusig ng sarili kong makasariling pagnanais? Bakit ang metodo, na dapat magdala ng tunay na pananaw, na makita at maramdaman ang tunay na realidad, kailangang baguhin ko ang aking saloobin sa nakikita ko ngayon, at ang nakikita ko ay pawang impresyon ng aking mga panloob na katangian?
Ano ang natatangi sa tabing, na sa pamamagitan nito ay ginagawa ang Ohr Hozer, at sa pamamagitan ng Ohr Hozer ay nakakakita tayo ng realidad na hindi natin nakikita gamit ang karaniwang pandama? Ano ang naidudulot ng Ohr Hozer sa atin? Paano natin ito nililikha?
Ang katotohanang may kalituhan at kalabuan ay mabuti. Kailangan lang nating magtanong nang sama-sama para sa paglilinaw at kaliwanagan. Ang ating intelektwal o sikolohikal na pagsisikap ay wala lang, ito ay tulad ng isang sanggol na gustong gawin ang isang bagay na tiyak namang wala sa kanyang kakayanan. Kailangan nating umabot sa isang pagnanasa mula rito.
Paano natin nililikha ang Ohr Hozer, ano ang Ohr Hozer, paano ito dumarating, paano natin ito mahahawakan, kailangan ba nating laging bantayan ito para hindi ito mawala, ano ang kaibahan ng nakakakita sa karaniwan at nakakakita gamit ang Ohr Hozer, na nagsisiwalat sa atin na parang bagong flashlight ng bagong espiritwal na katotohanan?
Subukan ninyong sumagot nang may damdamin, hindi Ohr Hozer, Ohr Yashar, tabing (screen), tzimtzum, pagtanggi, pagtanggap, kundi emosyonal. Ano ang Ohr Hozer na nararamdaman ko sa loob? Ibig sabihin, sa aking mga kalidad—hindi gaya ng iginuguhit nating Kli, Masakh, Ohr Hozer, hindi schematic, kundi emosyonal. Nangyayari ito sa akin, sa aking isip, sa aking puso, sa aking pakiramdam, sa aking saloobin, sa aking mga pandama.