Hevruta - Kasunod ng Aralin 22 - Ang estruktura ng mga nakatataas na mundo - Bahagi 2

Hevruta - Kasunod ng Aralin 22 - Ang estruktura ng mga nakatataas na mundo - Bahagi 2

Nilalaman ng aralin
Mga Materyales

Ang Estruktura ng Itaas na Mundo

 


Salita ng layunin mula kay Rav Dr. Michael Laitman ukol sa pag-aaral 

Dito, pinag-uusapan ang tungkol sa sistemang ng koneksyon na naitama na sa pagitan natin—kung paano gumagana ang lahat ng bahagi, ang mga braso, at mga sistema rito, at kung paano naitatama ang mga kaluluwa sa pamamagitan ng sistemang ito.

May dalawang bahagi ang paglikha. Ang isang bahagi ay ang sistema ng mga mundo, na itinayo upang isakatuparan ang mga pagtutuwid. Ang ikalawang bahagi ay ang sistema ng mga basag na kaluluwa, na nabasag mula sa iisang kaluluwa papuntang maraming bahagi, at ang sistema ng mga mundo ang dapat magpagising sa kanila para sa pagtutuwid.

Ang Liwanag ng Ein Sof na nagliliwanag sa pamamagitan ng sistema ng mga mundo ang siyang nagpupukaw sa mga basag na kaluluwa upang sa huli ay maabot ang pagtutuwid at tumutulong sa kanilang maitama. Dahil ito ay bumababa sa pamamagitan ng mga mundo, sa pamamagitan ng mga pagtatago, ang Itaas na Liwanag ay nagkakaroon ng anyong kabaligtaran sa kung ano ito sa mga kaluluwa. Kaya kapag ito ay dumating sa mga kaluluwa, ito ay nasa mga pagtatago at mga pagbubunyag na tulad nito na gumigising ng iba't ibang estado sa loob ng mga kaluluwa upang sila ay umusad patungo rito.

Pinag-aaralan natin kung paano ang Liwanag ng Ein Sof na nagliliwanag sa pamamagitan ng mga mundo ay nagpukaw sa mga kaluluwa, at bilang tugon ay nagsimula ang mga kaluluwa na magsagawa ng mga kilos upang muling kumonekta sa iisang kaluluwa na tinatawag na "Malchut of Ein Sof." Sa lawak na ang mga kaluluwa ay nakakonekta, umaakyat sila sa mga antas ng mga mundo, at ang mga mundo ay nagiging mula sa pagtatago tungo sa pagbubunyag. Ang mga kaluluwa ay naisasama sa mga mundo sa bawat pagkakataon sa mas mataas na antas ayon sa kanilang pagkakatulad sa mga mundo.

Ang sistema ng mga mundo ay kailangang itago ang Liwanag ng Ein Sof mula sa mga kaluluwa—bawat kaluluwa ayon sa sukat nito, antas, katangian, at ayon sa pagsulong na kailangan nitong gawin. Lahat ng ito ay nagaganap sa loob ng sistema ng mga mundo. Kapag ang mga kaluluwa, sa loob ng sistema ng mga basag na kaluluwa, ay nagkaisa sa koneksyon sa pagitan nila, sila ay naging eksaktong nakaakma sa sistema ng mga mundo.

Dito sa estruktura ng Paglikha, sina Baal HaSulam, at ang mga Kabbalist sa pangkalahatan, hindi nila ipinapaliwanag sa atin kung ano talaga ang nangyayari sa mga kaluluwa mismo. Sa halip, pinapaliwanag nila pangunahin kung paano gumagana ang sistema ng mga mundo upang tayo ay magising. At mula rito, mas magiging malinaw kung paano tayo dapat kumilos upang maitama ang ating mga sarili.

 


 

Mga mahahalagang konsepto na tinalakay natin:

- Ang Kaisipan ng Paglikha: 

upang bigyang-ligaya ang mga nilikha ayon sa Kanyang saganang kagandahang-loob

- Ang Kanyang Esensya: na hindi natin naabot

- Liwanag (Orh) at Sisidlan (Kli): Ang kagustuhang tumanggap sa nilikha ay tinatawag na sisidlan (Kli), at ang kasaganaan na natatanggap nito ay tinatawag na Liwanag. Ang kli ay kakulangan, at ang Liwanag ay ang katuparan.

- Liwanag ng Ein Sof: Ang liwanag na wala nang paghihigpit - walang sof - walang hangganan (hangganan sa pagtanggap)


 

Ngayon ay balikan natin ang dinamika ng 4 yugto ayon sa paliwanag ni Rav Dr. Michael Laitman

Ang pangunahing suliranin natin ay kung paano tatanggapin mula sa itaas ang Surrounding Light (Or Makif) upang likhain sa atin ang layunin na magbigay.

 

Ang layunin ng pagbibigay ay tinatawag na katangian ng Bina. Ang layunin na tumanggap, upang magpakaligaya, ay tinatawag na katangian ng Malchut.

Kaya, ang Maylalang, upang likhain ang nilalang at dalhin ito sa pinakamataas na antas, nang nilikha Niya ang nilalang, nilikha Niya ang pagnanais na magpakaligaya - ang unang yugto (Yugto 1 - Hochma) - at pinuno ito, at sa loob ng katuparan ibinabad din Niya ang Kanyang sarili, ibig sabihin, ang Kanyang pakiramdam. Sa ganitong paraan, nararamdaman din ng pagnanais na magpakaligaya ang Nagbibigay, at kung sino ang pumupuno rito ay kailangang maging katulad ng Tagapuno - ang pinagmulan ng katuparan - ibig sabihin, magbigay at hindi tumanggap.
 

Kaya, makikita natin na ang Liwanag ay kumikilos sa Kli at pinupuno ito, at binabago ang kalidad nito, at kung hindi dahil dito, hindi naman natin kayang gawin ang anuman sa ating sarili, ibig sabihin, nilikha ang pagnanais sa atin ng Liwanag, at pinupuno tayo ng Liwanag, at ang pagnanais ding ito ay binabago ng Liwanag.

Ano ang nangyayari sa unang yugto?

Sa pamamagitan ng Liwanag, nalilikha ang pagnanais—ang pagnanais na mapuno ng Liwanag. At saka pinupuno ng Liwanag ang pagnanais na ito. Ito ang unang yugto, ang unang bahagi ng unang yugto, ang itaas na kalahati nito.

At pagkatapos, sa loob ng Liwanag, nabubunyag ang katangian ng Keter.

Paano ito nangyayari? Ang Liwanag ay nanggagaling mula sa labas, kumikilos na may kasiyahan—pumapasok sa Kli at nagbibigay ng kasiyahan. At sa loob nito, nabubunyag ang zero yugto nito, ang zero kalidad nito.

Sa loob ng zero yugto na ito nakapwesto ang Maylalang—ang katangian ng liwanag mismo. At dito ay dahan-dahan Siyang nabubunyag. Una, ang unang yugto ay nabubunyag, at pagkatapos, kapag ito ay pumasok sa kli, ang zero yugto, na mas mataas, ay nagsisimula ring mabunyag. At ang kli ay nagsisimulang magnanais na parating maging katulad niyon na pumupuno sa kanya. Kaya, sa pagnanais na tumanggap, sa kasunod nitong, mas mababang bahagi, ay lumilitaw ang pagnanais na magbigay. At natutupad ito sa yugto 2 (Bina). Ibig sabihin, ang isinugo ay palaging nabubunyag muna, at saka ang pinagmulan nito.

Pareho rin ang nangyayari sa pangalawang pagnanais. Dito rin, lumilitaw ang pagnanais na magbigay, sa loob ng pagnanais na magbigay. Nagmumula ito mula sa unang yugto (sa loob ng pagnanais na magbigay ay ang pagnanais na tumanggap—ang itaas na kalahati). Ibig sabihin, una ay nabubunyag ang mas mababang kalahati, at pagkatapos, sa loob ng mas mababang kalahating ito, nabubunyag ang itaas na bahagi. At kaya, nauunawaan ni Bina na kailangan nitong tumanggap—nabubunyag ang itaas na kalahati. Kaya binubuo ni Bina ang dalawang katangiang ito: ang pagnanais na magbigay at ang pagnanais na tumanggap. Ang unang nilalang, na binubuo ng sariling katangian gayundin ng katangian ng Maylalang.

Kaya, nang lumitaw ang ikatlong bahagi—isang halo ng una at ikalawang bahagi sa loob, kapag si Bina ay gustong tumanggap upang ipatupad ang pagbibigay—sa paggawa nito, nagsimula na niyang maunawaan kung ano ang Maylalang. Sa ganito, naging katulad siya ng Maylalang. Sa Bina, naging katulad siya ng Maylalang sa layunin lamang. At sa ikatlong bahagi—sa Zeir Anpin—naging katulad ng Maylalang sa aksyon. Ibig sabihin, ano ang ginagawa ngayon ni Bina? Tinatanggap, kinukuha ang unang pagnanais, at tinatanggap upang magbigay. Kaya, narito, naroon ang unang bahagi—Hochma—at ang ikalawang bahagi—Bina. Tinupad ang pagnanais na tumanggap alang-alang sa pagbibigay.

At ang aksyong ito, kung saan siya ay lubos na katulad ni Keter, katulad ng kalidad ng zero na yugto o Keter, ang dulot nito sa loob ay ang pag-unawa kung ano ang ibig sabihin ng maging Maylalang. Kaya, loob niya ay sumusulpot ang pagnanais—hindi lamang tumanggap, hindi lamang magbigay, lahat ng ito ay walang halaga—ang pagnanais na magkaroon ng estatus ng Maylalang, umangat sa Kanyang antas.

Ang huling yugto, ang Malchut, ay hindi na gusto lamang tumanggap at magpakaligaya, si Malchut ay nais na tumanggap, magpakaligaya, at maging kapantay ng Maylalang. Ang pagnanais na ito ay hindi dumaan mula sa Maylalang patungo sa nilalang sa tuwirang paraan. Ito ay isinilang sa nilalang nang naging katulad ng Maylalang at naunawaan kung ano ang ibig sabihin nito.

 

Ibig sabihin, ang pagnanais na ito sa Malchut—ito ay independyente, hindi basta lumitaw sa loob niya (Malchut) sa tuwirang paraan mula sa Maylalang. Kaya, ang Malchut ay tinatawag na nilalang, isang pagnanais na hindi dati umiiral. At ito ay lilitaw hindi dahil sa Maylalang, kung hindi bilang isang bagay na umiiral nang mag-isa. Kung ito ay nanggaling sa Maylalang sa tuwirang paraan, tulad nina Hochma o Bina, hindi natin tatawagin itong nilalang. Isa lang itong sistemang nag-e-exist na ginawa ng Maylalang at otomatiko Niya itong pinapagana. Pero hindi ganun.

Sa Malchut, lumilitaw ang mga pagnanais na hindi nag-exist dati, na hindi nilikha sa tuwirang paraan mula sa Maylalang sa landas ng tuwirang liwanag. Kaya, ang apat na yugtong ito: 0, 1, 2, 3, ay tinatawag na apat na yugto ng tuwirang liwanag, tuwirang impluwensya mula sa Maylalang.

At ang yugtong ito, ang Malchut, ay hindi na kabilang sa apat na yugto. Ito ay kanilang bunga, tama, ngunit isang di-tuwirang bunga, at kaya ang pagnanais na ito sa Malchut—ito ay bago, nanggagaling mula sa loob ng nilalang mismo.

 

Nais ng nilalang na maging kapantay, lubos na katulad ng Maylalang. Sa ano? Sa pagiging katulad Niya sa aksyon—pagtanggap upang magbigay. Ang pagtanggap upang magbigay ay katumbas ng pagbibigay, ito ay katumbas ng ugat na yugto, ang zero na yugto. Naunawaan ni Malchut kung ano ang ibig sabihin ng pagbibigay, at mula rito ay naunawaan din niya kung ano ang ibig sabihin na maging Nagbibigay, kung ano ang nararamdaman Niya.

Ibig sabihin, kung paghahatihatiin natin ang ikatlong yugto, makikita rin natin ang dalawang kalahati rito. Ang isa sa kalahati ay 1 at 2 para sa unang yugto, ang kilos ng pagtanggap para sa Maylalang, ang nasa isip ni Bina, bilang Rosh, bilang ulo ng Zeir Anpin—ito ay kusang natutupad, ibig sabihin, ang pagsasakilos ng pagtanggap para sa Maylalang. At sa mas mababang bahagi, sa ikalawang bahagi ng Zeir Anpin—doon nangyayari ang pagpapagtanto: sino nga ba ang Maylalang, kung Siya ay gumagawa sa ganitong paraan? At mula rito ay lilitaw ang pagnanais ni Malchut na maging katulad ng Maylalang.

Ano ang ibig sabihin ng maging katulad ng Maylalang? Maging katulad ng itaas na bahagi ng Keter. Kaya, si Malchut—nais niyang umakyat sa antas na ito. Ito ay tinatawag na paghahangad patungo sa Pinagmulan. Hindi lang patungo sa liwanag, na kumikilos, na nagbibigay-kasiyahan, kundi patungo sa Pinagmulan ng liwanag na ito.

Mula rito makikita natin na ang liwanag—ito ang pumupuno sa atin, nagtutuwid sa atin, nagdadala sa atin sa lahat-lahat, maging sa pinakamataas na resulta, maging sa Pinagmulan nito. Ibig sabihin, ang impluwensya ng liwanag kay Malchut, sa pagkamakasarili, ay nangyayari na ang liwanag ang nagtataas sa nilalang lagpas pa sa kanya, higit pa sa liwanag.

 

 


 

Tanong: Ang bagong katangian ng Malchut, sabi mo, ay isang independyenteng pagnanais. Ngunit sa orihinal na kaisipan ng Maylalang, nakabaon pa rin ang pagiging independyente ng Malchut at ito ay mula pa rin sa Maylalang, at hindi mula kay Malchut, tama ba?

Ang pagiging independyente ay tinatawag na ganoong aksyon mula sa nilalang, na sa simula ay hindi umiiral sa kanya, na natamo niya bilang bunga ng sarili niyang pagsisikap. Ibig sabihin, ang tanong ay umuugong na ganito: at kung si Malchut ay magnanais ng iba pa, matamo ba niya ang iba pa? Hindi. Mayroon lamang tayong isang tanging posibilidad—ang magnanais patungo sa Layunin ng paglikha o hindi. Ibig sabihin, sa bagay na ito, walang kalayaang pagpili.

Mayroon ba akong kalayaang pagpili upang lubos na alisin ang sarili ko mula sa buong pagusad patungo sa Layunin ng paglikha o hindi? Wala ang kalayaang pagpili upang maiwasan ito—ipipilit kang sumulong patungo sa kaligayahan. Walang takas, ni ako, ni ikaw, ni buong sangkatauhan. Lahat ng pagdurusa, lalo na ngayon, sa ating panahon—iyan ay malinaw na magpapahayag, at bumababa lamang para dito.

Ibig sabihin, ang kalayaang pagpili ay wala sa aspeto na tinatanong mo: “Mayroon ba o wala?” Wala rin sa kung paano o saan pupunta. Ang kalayaan ng kalooban ay nasa kung magpapakatuto ba ako patungo sa Layunin nang mas mabilis kaysa sapilitang itulak ako mula sa likod. Maghihintay ba ako hanggang bugbugin ako bago ako matuto, o magsisikap na ba akong sumulong (muli, ng sarili) patungo sa parehong Layunin? Sa anumang kaso, mapipilitan ako, boluntaryo man—sa tulong ng grupo, upang ipasok ang sarili sa gayong anunsyo ng sariling paniniwala o paniniwala sa tulong ng grupo—upang mabilis na maghangad para sa kailangang Layunin, o maghihintay hanggang bugbugin ako bago matuto at pagkatapos ay gumawa pa rin ng isang grupo sa paligid ko, at ganoon pa rin, at hindi maghangad para sa kinakailangan.

Ibig sabihin, lahat ay nakasalalay sa haba ng katamaran. Kung ayaw mo, tatayo ka lang nang mas matagal—makakatanggap ka pa ng mas maraming hampas, kung hindi—mas kaunti. Ang mga hampas ay maaaring maging mapanganib, napakatindi: pagwasak, pagkamatay, epidemya, ano mang gusto mo.

O, sa kabaligtaran, mas mabilis ka tuwirang aabante at mauunahan mo ang mga hampas ng kalikasan na nagtutulak sa atin dito sa pamamagitan ng pagdurusa, mas komportable kang mararamdaman, mas maginhawa, at daraanan mo ang parehong mga yugto na may inspirasyon, pag-angat, pakiramdam ng katuparan, dahil hinahangad mo ang susunod na estado. Kapag hinangad mo ito at natanggap mo ito—nararanasan ito bilang kasiyahan. Kapag hindi mo ito hinahangad, ngunit tinutulak ka rito—nararanasan mo ang pagdurusa. Ibig sabihin, ganap itong binabago ang ating pakiramdam ng buhay. Sa ito lang nakasalalay ang iyong kalayaan—pumili saang daan tatakbo: maghintay sa bawat hampas o maging matalino nang maaga. Iyan lang!


 

Ang Hiya at ang Paghihigpit (Tsimtsum)

 


 

Kapag ang Liwanag ng 'Hochma ay pumuno sa pagnanais na tumanggap sa unang yugto, nagbibigay din ito ng sarili nitong katangian—ang pagbibigayan. Iyon ang dahilan kung bakit, sa huli, pagkatapos maramdaman ang katangian ng Liwanag na pumupuno rito, binabago ng unang yugto ang pagnanais nito mula sa pagtanggap tungo sa pagbibigay.

Ganon din kumilos ang Liwanag sa ikaapat na yugto matapos itong umalis mula sa ikatlong yugto nang napuno na ang sarili ng Liwanag ng Hochma. Pagkatapos, ito rin ay nagsimulang magnais na magbigay, tulad ng katangian ng Liwanag sa loob nito. Bilang resulta, ang pagnanais na tumanggap ay naglaho mula sa ikaapat na yugto.

Ang Liwanag ay nagbibigay sa Kli ng pagnanais na magbigay kapag pinupuno nito ang sisidlan sapagkat nararamdaman ng sisidlan hindi lang ang kasiyahan mula sa Liwanag, kundi ang pagnanais din ng nagbigay.

Maaaring lumikha ang Maylalang ng sisidlan na hindi mararamdaman Si-yang nagbibigay, kundi ang kasiyahan lang ng pagtanggap. Ganyan kung paano nararamdaman ng mga taong may hindi pa develop na pagnanais na tumanggap at ng mga bata sa ating mundo, pati ng di-sensitibo at di-stabil na mga indibidwal.

Kapag tayo ay tumanda mula sa pagiging bata patungong matanda, nahihiya tayong tumanggap. Napakalalim ng damdaming ito na mas pipiliin natin ang anumang sakit sa mundo kaysa sa sakit ng kahihiyan. Ang katangiang ito ay nilikha ng Maylalang upang magamit natin ito upang tumaas pa sa ating likas na katangian, na ang pagnanais na tumanggap.

Upang mapahiya sa pagtanggap, dapat nating maramdaman na tayo ay tumatanggap. Magiging posible lamang ito kung mayroong nagbibigay at nararamdaman natin ang Kanyang pag-iral. Kung hindi ko nararamdaman ang Nag-anyaya, hindi ako mahihiya. Ngunit kung Siya ay nasa harap ko, doon ako mahihiya.

Hindi ako maaaring tumanggap nang direkta; sapagkat kailangan kong alalahanin Siya, bigyan Siya ng kapalit sa natanggap ko, na ginagawang palitan iyon at hindi basta-bastang pagtanggap. Sa ganitong paraan, nagiging tagabigay din ako, dahil Siya rin ay tumatanggap mula sa akin.

Ang pakiramdam ng Maylalang ay gumigising sa Malchut ng sobrang sakit kapag siya ay tumanggap kaya nagdesisyon siyang huwag nang gamitin kailanman ang pagnanais na tumanggap ng kasiyahan para sa sarili. Ang pasyang ito ay tinatawag na "Paghihigpit." (Tsimtsum)

Ang tawag na "Unang Paghihigpit” ay nangangahulugan na ito ang unang beses na may nangyaring ganito. 


Ang Pag-usad ng Liwanag Patungo sa Paghihigpit

Sa hindi pagtanggap ng Liwanag, Malchut ay huminto sa pagiging tumatanggap, ngunit wala pa ring binibigay si Malchut sa Maylalang; hindi pa rin niya natatamo ang nais niyang maging tulad ng Liwanag, ang nagbibigay ng kasiyahan. Sa hindi pagtanggap ng kasiyahan mula sa Maylalang, hindi nakamtan ni Malchut ang pagkakapareho ng anyo. Kaya makikita natin na ang Unang Paghihigpit ay hindi wakas, kundi paraan upang makamit ang kakayahang magbigay.

Ang layunin ng Maylalang sa Paglikha ay para si Malchut, ang nilalang, ay tumanggap ng kasiyahan. Ang Kaisipan ng Paglikha ay hindi nagbabago. Dahil dito, patuloy na pinipilit ng Maylalang si Malchut na tanggapin ito. Nararamdaman ni Malchut na hindi sapat ang paghigpit upang makamit ang katayuan ng Tagabigay, ngunit paano nga ba makakapagbigay ang nilalang, na nag-iisang katangian ay pagtanggap, ng kahit ano sa Maylalang?

Sa pagkadama ng kanyang Itaas na Siyam na katangian (ang mga katangian ng Maylalang na nararamdaman ni Malchut sa loob), na siyang paraan paano nakikitungo ang Maylalang kay Malchut, nagsisimula siyang maunawaan kung paano makakabawi sa Maylalang. Nagpapasya siyang kung tatanggapin niya ang Liwanag at magpapakasiya dahil nagagalak ang Maylalang sa kanyang kaligayahan, kung ganoon, ang kanyang pagtanggap ay katumbas na ng pagbibigay.

Ang pagtanggap ng kasiyahan ng tumatanggap upang mapasaya ang nagbibigay ay nagiging gawa ng pagbibigay. Kung Malchut ay tumanggap ng buong Liwanag (kasiyahan) na inihanda ng Maylalang para sa kanya, binibigyan din niya ang Maylalang ng kasing dami ng natatanggap ni Malchut mula sa Maylalang.

Halimbawa: may bisita at may anfitrion. Pinaghahandaan ng anfitrion ang kanyang bisita ng masasarap na pagkain na gustong-gusto ng bisita. (Ang pagnanais ay sakto sa Liwanag, sa dami at kalidad, dahil ang liwanag ng kaligayahan ang lumikha sa sisidlan-pagnanais.) Ngunit bagaman gutom na gutom ang bisita, ang presensya ng anfitrion ay nagpaparamdam sa kanya ng kahihiyan, at ito ang pumipigil sa kanyang kumain. Ang kahihiyan ay mula sa pakiramdam na siya ay tagatanggap, at ang anfitrion ay tagabigay. Ganun kalakas ang hiya, kaya hindi niya kayang kumain.

Pero sa patuloy na paghimok ng anfitrion, na inihanda ang lahat para sa kanya, napapayag siya na kapag kumain siya ay matutuwa ang anfitrion. Kaya isipin ng bisita na kung ngayon, pagkatapos tanggihang ilang ulit ang kasiyahan, ay tatanggapin niya, ito ay magiging pabor para sa anfitrion. Sa ganitong paraan, siya ay magiging tagabigay, at ang anfitrion ay tatanggap.

Ang gutom at pagnanais na tumanggap ng ligaya ay tinatawag sa Kabbalah na "sisidlan." Ang kasiyahang nagmumula sa Maylalang ay tinatawag na Direktang Liwanag, at ang kapangyarihang tumanggi rito ay tinatawag na "screen." Ang Liwanag na tinatanggihan mula sa screen ay tinatawag na Bumabaling na Liwanag. Sa kapangyarihan ng screen; ibig sabihin, ang lakas na mapaglabanan ang pagkalugod para sa sarili at tumanggap ng kasiyahan para lamang sa Maylalang, kayang harapin ng sisidlan ang sariling pagnanais na tumanggap. Maaaring isipin na tinatanggihan ng sisidlan ang Liwanag, ngunit mas tama na ang sisidlan ay tinatanggihan ang paggamit ng pagnanais upang kalugdan ang sarili.


Ang Screen na Tumatanggi sa Liwanag

Hindi kayang ibalik ng sisidlan ang Liwanag sa Maylalang, kundi mabago lamang ang layunin. Ang layunin na bigyang-ligaya ang Maylalang, na tinutukoy nating "Bumabaling na Liwanag," ay kasingkahulugan lamang ng kasiyahan. Direktang liwanag ay ang kasiyahan na gustong ibigay ng Maylalang sa nilalang. Bumabaling na Liwanag ay ang kasiyahan na nais ibigay ng nilalang sa Maylalang.

Kapag sigurado ang sisidlan (bisita) na hindi para sa sarili siya tatanggap, sinusuri niya ang dami ng Liwanag na kanyang ibinabalik (kung gaano karaming kasiyahan ang nais niyang ibigay sa Maylalang). Pagkatapos ay nagpapasya siyang tumanggap mula sa kasaganaan sa harap niya; ibig sabihin, ang Direktang Liwanag, na may mga pagkain at kasiyahan na inihanda ng Anfitrion para sa bisita. Gayunman, tatanggap lamang siya ng hangga’t kaya niyang kainin upang bigyang-kasiyahan ang Maylalang; ibig sabihin, ang Anfitrion.

Ang mga Kabbalist ay mga taong nakakaramdam ng Liwanag mula sa Maylalang at bawat kilos na ginagawa Niya, ngunit kapag nagsusulat sila tungkol sa espirituwalidad, inilalagay nila ang kanilang nararamdaman sa teknikal na mga termino. Kaya, kung ang mambabasa ay mayroong screen at lakas ayon sa inilalarawan ng mga aklat, maaari niyang isalin ang mga salita tungo sa damdamin sa pamamagitan ng pagsunod sa parehong mga aksyon na inilalarawan sa kanilang mga aklat.