Hevruta - Kasunod ng Aralin 23 - Ang estruktura ng mga nakatataas na mundo
Ang estruktura ng mga mataas na mundo
Hevruta - Kasunod ng Aralin 23
Balikan natin ang pangunahing konsepto na ating nakita hanggang ngayon
Liwanag
Kli
4 na Yugto ng Tuwirang Liwanag
Unang Pagpipigil / TsimTsum Alef
Masach (Tabing)
Orh Yashar
Orh Hozer
Rosh
Toch
Sof
Ang sumusunod ay kinuha mula sa isang aralin ni Rav Dr. Michael Laitman
(Link sa English /Russian/Hebrew/Spanish)
Kapag tayo ay lalapit upang ipaliwanag ang alinmang estado mula sa mga yugto ng pag-unlad, mainam na linawin muna ang lahat ng yugto ng pag-unlad, mula sa simula ng realidad hanggang sa estadong nais nating ipaliwanag. Kaya, balikan natin muli ang apat na yugto ng Orh Yashar, at linawin ang paraan ng paglikha ng unang Kli sa pamamagitan ng mataas na puwersa na tinatawag na Liwanag.
Ang mataas na Liwanag ay kumakalat at bumubuo ng kabaligtaran nito na Kli na tinatawag na pagnanasa. Ang Liwanag ay pumapasok at pumupuno sa pagnanasa. Kapag napuno na ng Liwanag ang Kli, nararamdaman ng Kli ang kasiyahan. Sa pagtatapos ng pakiramdam ng kasiyahan, at bilang resulta nito, natutukoy din ng Kli ang pinagmulan ng kasiyahan. Nararamdaman nito na ang kasiyahan ay nagmumula sa isang may kagustuhang magbigay, na gustong gumawa ng mabuti para dito.
Ang pakiramdam na ang kasiyahan ay nagmumula sa nagbibigay ay nagpapagising sa Kli ng pagnanasa ring magbigay. Natural na ang Kli ay nahihikayat na kumilos nang katulad ng kanyang pinagmulan. Kaya, kung paanong layunin ng mabuting nagbibigay na magbigay, ganoon din ang Kli na gustong magbigay. Ang unang yugto ay nagiging ikalawang yugto. Ang unang yugto ay nais tumanggap at ang ikalawa naman ay nais magbigay, kabaligtaran ng isa't isa.
Bukod sa kasiyahan, naroroon din sa Liwanag ang pakiramdam ng nagbibigay—kung sino siya at ano ang kanyang kalikasan. Mula rito lumilitaw ang pagnanasa ng ikalawang yugto na magbigay. Ang Kli sa yugto ng Aleph ay tinatawag na Hochma, at ang Kli sa yugto ng Bet ay Bina.
Ang susunod na yugto ng pag-unlad ay Kli na gustong isagawa ang kalooban ng Bina na magbigay. Ang Kli, na ang pagnanasa ay tumanggap, ay makakabigay lang kung ito ay tatanggap upang makapagbigay, upang makapagbigay ng kasiyahan. Ang ikatlong yugto ng pag-unlad, kung saan ang Kli ay tumatanggap upang makapagbigay, ay tinatawag na "Zeir Anpin."
Kapag ang Kli ay tumatanggap upang makapagbigay, ang kanyang pagsisikap ay katumbas ng pagsisikap ng Maylalang na magbigay. Sa yugto ng Aleph ang Kli ay tumanggap, sa yugto ng Bet ito'y gustong maging kahawig ng nagbibigay na puwersa, at sa yugto ng Gimel upang kamukahin ang aksyon. Kapag ang Kli ay gumagawa ng gawain ng pagbibigay gaya ng Maylalang, nalalantad dito kung gaano kadakila ang Maylalang, kung gaano Siya ganap, at lumalawak dito ang pagnanasa para sa pagka-perpekto ng Maylalang.
Bilang resulta ng akto ng pagbibigay sa yugto ng Gimel, nabubuo sa Kli ang pagnanasa na tanggapin ang lahat, tanggapin ang Liwanag bilang kasiyahan at bilang nagbibigay ng kasiyahan. Ang Kli ay gustong magpakasaya, tumanggap ng kasiyahan at mula sa katayuan ng pagiging nagbibigay ng kasiyahan. Hinahangad ng Kli para sa sarili ang lahat ng nasa Maylalang. Kung sa mga yugto ng Bet at Gimel ay naghangad ang Kli na maging kahawig ng Maylalang, na tularan ang gawain ng Maylalang, sa ikaapat na yugto ay gusto na niyang magpakasaya sa estado ng Maylalang, bilang isang tumatanggap.
Sa ikaapat na yugto, ang pagnanasa na tumanggap ang namamayani sa sukdulan nitong lakas, at dito nagmula ang pangalan nitong—"Malchut." Ang ikaapat na yugto ay huli ring yugto ng pag-unlad ng Kli, kaya tinatawag natin ito bilang "nilikhang nilalang."

Bilang resulta ng pagtanggap ng lahat ng Liwanag sa Behina Dalet, nararamdaman ng Kli ang sarili bilang tumatanggap. Ang estado ng Kli sa Behina Dalet, napuno ng Liwanag, ay tinatawag na “Ein Sof.” Kapag naramdaman ng Kli ang sarili bilang tumatanggap at ng Liwanag bilang nagbibigay, hindi nito matitiis ang pagkakaiba at agwat sa pagitan nila. Kaya, itinataboy nito ang lahat ng Liwanag mula sa sarili nito sa isang kilos na tinatawag na Tzimtzum Aleph. Ang kaibahan na nararamdaman ng Kli sa sarili at sa Liwanag ay tinatawag na “kahihiyan.” Ang kahihiyan ang sanhi ng pag-urong ng Kli, at bilang resulta, nananatiling walang laman ng Liwanag ang Kli. Ang Liwanag ay nasa harap ng Kli, at ang Kli ay walang laman, malaya, walang laman sa loob nito.
Umalis ang Liwanag mula sa Kli. Ang estado ng Behina Dalet na puno ng Liwanag ay tinatawag na “Olam Ein Sof,” at ang estado ng walang laman na Kli matapos ang Tzimtzum Aleph ay tinatawag na Olam HaTzimtzum. Ang estado pagkatapos ng Tzimtzum Aleph ay kakaiba. Ang Kli, na siyang nilikhang nilalang, ay nanatiling mag-isa. Pagkatapos ng Tzimtzum Aleph, ang Kli ay hindi konektado sa Liwanag at hindi rin kontrolado ng Liwanag. Ito ay malaya. Pagkatapos ng Tzimtzum Aleph, ang Maylalang at ang nilikhang nilalang ay magkahiwalay.
Mula rito, natutunan natin na ang layunin ng lahat ng ginawang pagkilos sa Kli ay upang bigyang daan ang Kli na maihiwalay mula sa Liwanag at matukoy mismo ang pagnanasa nito. Sa pinigilang Kli ay nakapaloob ang lahat ng impresyon mula sa mga nagdaang estado. Ngayon, na walang laman, ito ay may posibilidad na kumilos ayon sa impormasyong naiwan mula sa nakaraang mga estado, at makapagpasya sa nais nitong gawin.
Kaya, sinusuri ng Kli ang mga nakaraang estado nito. Natuklasan nitong ang estado nito sa Olam Ein Sof ay kamukha ng Behina Aleph, napuno ng Liwanag. Natutukoy rin nito ang pagkalapit ng estado nito sa Behina Bet, noong tinanggihan nito ang pagtanggap ng Liwanag, at ang estado nito pagkatapos maramdaman ang kahihiyan at pagkaalis ng Liwanag mula rito. Ang pag-unlad ng Kli sa Behinot Gimel at Dalet ay hindi nagdala sa magandang pakiramdam; naramdaman pa rin nito ang kahihiyan. Kaya, ano ang dapat gawin ng Kli, ano ang pinakamainam na estado?
Nananatiling walang laman ang Kli. Walang laman sa kasiyahan, walang pakiramdam ng Maylalang, nasa pinakamatinding estado. Hindi ito makakatanggap; kung ito ay tatanggap, makakaramdam ito ng kahihiyan. Ganito kalaki at nakakatakot ang kahihiyan ng Kli na handa itong isuko ang lahat ng kasiyahan at katuparan, huwag lang maramdaman ang kahihiyan.
Sa ganap nitong estado, nararamdaman ng Kli ang kahihiyan; sa walang laman nitong estado, kulang ito sa buhay. Kailangang hanapin ng Kli ang ganap at walang hanggang estado, isang estado na hindi na kailangang baguhin pa. Kung makakamtan nito ang ganap nitong estado, makakamit nito ang kawalang-hanggan. Ang kawalang-hanggan at pagka-ganap ay iisa. Sapagkat kung may kulang pa sa ganap, kung may kailangang idagdag dito, hindi na ito ganap. Hindi nagbabago ang ganap. Kaya, paano magkakaroon ng isang ganap at walang hanggang estado, isang estado na hindi mag-oobliga sa nilikhang nilalang, isang estado na siya ay busog at ganap? Dahil ito ang nais ng Kli; sa huli, ang nais ng Kli ay tumanggap.
Mula sa mga kalkulasyong ito, malinaw na ang tanging ganap na estado ay maging katulad ng Maylalang. Kailangang maging kahawig ng Kli ang Maylalang. Kailangang kunin ng Kli ang Maylalang bilang halimbawa at maghangad na katulad niya, upang maabot ang parehong antas tulad ng Maylalang.
Pinagsisikapan ng Kli na malaman kung paano maging kahawig ang Maylalang at nakatagpo ito ng paraan. Ang Maylalang ay nagbibigay, nagmamahal sa nilikhang nilalang at nagbibigay ng kasiyahan dito. Kung ang nilikhang nilalang ay makakabigay sa Maylalang ng katulad ng binibigay ng Maylalang sa kanya, siya ay magiging kahawig ng Maylalang. Ngunit paano magagawa ng nilikhang nilalang na magbigay sa Maylalang, gayong wala naman siyang maibibigay? Simple lang ang solusyon: kung mahal ng Maylalang ang nilikhang nilalang, gagamitin ng nilikhang nilalang ang pagmamahal ng Maylalang upang maibalik ang pagmamahal sa Kanya.

Mula sa Maylalang, dumarating sa nilikhang nilalang ang kasiyahan at damdamin ng pagmamahal. Nagpapasya ang nilikhang nilalang na gamitin ang dalawa. Tumatanggap siya ng kasiyahan, ngunit hindi dahil sa kagustuhang magpakasaya. Sa pagtanggap ng kasiyahan, ipinapahayag ng nilikhang nilalang ang kanyang pagmamahal sa Maylalang, tulad mismo ng pagmamahal ng Maylalang sa kanya. Ang nilikhang nilalang ay tumatanggap lamang upang maipahayag ang pagmamahal niya sa Maylalang, tanging upang bigyang kasiyahan ang Maylalang. Kung napaligaya niya ang Maylalang, nagkakapantay sila. Ang pagtanggap upang bigyang kasiyahan ang Maylalang ay ginagawa ng nilikhang nilalang sa pamamagitan ng “intensyon,” sa pamamagitan ng kaisipan noong tinatanggap ang kasiyahan. Ang pagtatrabaho ng Kli sa intensyon na ito ay tinatawag na “Masach.”
Ilarawan natin ang gawain ng Kli kasama ang Masach. Dumarating ang Liwanag mula sa Maylalang patungo sa nilikhang nilalang—kasiyahan. Nagpapasya ang nilikhang nilalang na huwag tanggapin ang Liwanag para sa sarili at isinasauli ito. Pagkatapos tanggihan ang Liwanag, kinakalkula ng nilikhang nilalang, ayon sa intensyon nito, kung gaano karami ang kayang tanggapin upang bigyang kasiyahan ang Maylalang at hindi para sa sariling kasiyahan. Ayon sa tamang kalkulasyon, tatanggap siya ng kasiyahan sa sarili. Tinatanggap niya ito hanggang sa sukat ng kanyang kakayahang mapanatili ang intensyon.
Ang walang laman na Kli pagkatapos ng unang Tzimtzum ay nahahati ngayon sa dalawa: isang lugar kung saan maaaring tumanggap ng kasiyahan at isang lugar kung saan imposible na tumanggap ng kasiyahan. Ang lugar sa Kli kung saan ginagawa ang kalkulasyon ay tinatawag na “Rosh.” Ang lugar kung saan tinatanggap ang kasiyahan ay tinatawag na Toch, at ang lugar na nananatiling walang laman ng Liwanag dahil sa kawalan ng Masach ay tinatawag na “Sof.” Kaya, ang pangkalahatang isang Kli ay nahahati sa tatlong bahagi: Rosh, Toch, Sof. Tungkol sa Kli na ito, tinuturo ng karunungan ng Kabbalah sa atin; ang Kli na ito ay tinatawag na nilikhang nilalang.
Kailangang maging kahawig ng nilikhang nilalang ang Maylalang. Ang pagkakapareho sa Maylalang ay posible kung ang Masach, na naghihiwalay sa Rosh at Toch, ang magpapasya kung gaano kadaming kasiyahan ang tatanggapin sa Kli. Ang Masach ang nagtatakda ng pagkakahati ng Kli sa Toch at Sof. Kung malaki ang Masach, malaki ang bahagi ng Toch at maliit ang Sof. Ang Toch at Sof ay tinatawag na katawan. Ang Kli, na tulad ng pisikal na katawan, ay hinati sa katawan at Rosh. Sa hinaharap, matututuhan natin ang pagkakahati nito sa mga kamay, mga paa, at iba pang bahagi ng katawan. Unti-unting tinutukoy ng espirituwal na Kli ang pagbuo ng pisikal na katawan sa mundo natin.
Ang Kli ay napapaligiran ng panlabas nitong bahagi, na tinatawag na “mga mundo,” at ang Kli mismo ay nahahati sa maraming bahagi, ito ang mga tao sa mundo natin. Ang Kli ay nahahati sa panloob at panlabas na ating nararamdaman sa ating mundo. Ang lahat ng realidad sa ating mundo ay resulta ng pangkalahatang Kli na nalikha pagkatapos ng mundo ng Ein Sof. Mula sa Tzimtzum Aleph at pataas, nakatuon ang pag-aaral sa mga paraan ng pagbaba ng Kli hanggang sa ating mundo.
Tulad ng nabanggit, sa apat na Behinot ng Orh Yashar, nalikha ang Kli mula sa mataas na puwersa. Ipinagpigil ng Kli ang sarili sa Tzimtzum Aleph, naglagay ng Masach sa sarili, at sa pamamagitan ng Masach ay binubuo ang sarili at ang mga mundo. Ang unang mundo ay tinatawag na “Adam Kadmon.” Pagkatapos nito, nalikha ang mga mundo ng “Atzilut,” “Beria,” “Yetzira,” “Assiya,” at “ang mundong ito.” Sa atin panahon, pagka’t libu-libong taon ng pag-unlad sa mundong ito, muling nagsimulang bumalik ang tao sa Ein Sof, hanggang sa kumpletuhin ang kanyang pag-unlad na nakamit ang antas ng Maylalang.

Ang buong pag-aaral, mula simula ng realidad hanggang sa wakas, ay tinatawag na karunungan ng Kabbalah. Lahat ng karunungan ng mundo, lahat ng impormasyong kaugnay ng mundong ito, ay kasama sa karunungang ito. Ang mga paksa ng pagsasaliksik sa karunungan ng Kabbalah ay ang ugat ng buong realidad, at lahat ng detalye ng realidad sa lahat ng mga mundo hanggang sa mundong ito. Tungkol sa pangkalahatang plano na dapat isaayos ng sangkatauhan, isinulat ng aking guro, si Rav Baruch Ashlag, sa artikulong “To What Degree Must a Person Attain?”
Ang buong sangkatauhan ay umiiral bilang isang Kli sa mundo ng Ein Sof; ang pagkakahati nito sa walong bilyon o siyam na tao ay hindi nagbabago sa katotohanan na ang lahat ay konektado bilang isang Kli. Kailangang mag-reincarnate ang bawat isa hanggang sa pinakamababang lugar, sa ating mundo, at mula roon muling umangat pabalik sa pangkalahatang Kli. Sa anumang kaso, imposible nang bumaba sa mas masahol na lagay kaysa sa lagay natin sa mundong ito.
Sinumang hindi nakompleto ang kanyang tungkulin sa kanyang buhay sa mundong ito ay muling magrereincarnate at ipapanganak muli sa mundong ito bilang isa sa sangkatauhan. Kailangan niyang magsimula at ipagpatuloy ang pag-akyat papunta sa kanyang espirituwal na ugat. Hangga't hindi natatapos ng tao ang kanyang papel, siya ay paulit-ulit na magbabalik sa mundong ito.
Kaya, nagtatanong si Rabash, hanggang saang antas ng espirituwal dapat marating ang isang tao upang hindi na siya magreincarnate? At isinulat niya roon: “Masdan, sa Shaar HaGilgulim ng Ari, nakasulat doon na kailangang magreincarnate ang bawat tao hanggang siya ay kumpleto sa lahat ng NRNHY, ibig sabihin, hanggang matanggap niya ang lahat ng Liwanag na nakalaan para sa kanya.”
Ang Liwanag na pumupuno sa pangkalahatang Kli ng lahat ng kaluluwa ay tinatawag na NRNHY. Ang NRNHY ay ang limang Liwanag: Nefesh, Ruach, Neshamah, Chaya, Yechida, na kailangang pumuno sa ganap na Kli. Mula rito, mauunawaan natin ang mga salita ni Ari, na ang taong nakamit ang espirituwal na antas habang nabubuhay ngunit hindi kumpleto ang kanyang landas ay kailangang ipagpatuloy pa ang kanyang reincarnation. Kailangan niyang ipagpatuloy ang espirituwal na landas sa kanyang buhay sa mundong ito.
Bawat isa sa atin ay namuhay na sa mundong ito sa nakaraang mga inkarnasyon, at dumaan sa ilang proseso. Ang koneksyon na nagawa ng bawat isa sa karunungan ng Kabbalah ay nagpapahiwatig ng posibilidad na maging sa nakaraang mga buhay ay konektado tayo sa karunungan. Kaya, maging ngayon ay patuloy tayong sumusulong sa parehong direksyon.
Kung bigla, sa panahon ng kanyang buhay, ay magkaroon ng pagnanasang pag-aralan ang karunungan ng Kabbalah, ibig sabihin ay napagdaanan na ng tao ang bahagi ng daan sa mga nakaraang buhay. Ngayon, sa kasalukuyang pagkakatawang-tao, ipinagpapatuloy niya ito. Kaya, hangga't hindi natatapos ng tao ang pagpupuno ng pangkalahatang Kli ng Liwanag, kailangang magpatuloy at magreincarnate siya sa mundong ito.
Kapag tayo ay mag-iimbestiga sa likas ng pagkumpleto ng pagpupuno ng pangkalahatang Kli ng Liwanag ng NRNHY, dapat nating malaman na ang buong landas mula simula hanggang wakas ay nahahati sa pagbaba mula sa itaas pababa at pag-akyat mula sa ibaba pataas. Sa pagbaba mula itaas pababa, hanggang sa mundong ito, nalikha ang mga mundo at nabubuo ang mga kaluluwa. Sa mundong ito, nabubuhay ang tao sa kanyang katawan at kaluluwa, at mula rito ay magsisimula siyang mag-akyat. Sa loob ng pag-aaral ng karunungan ng Kabbalah, natututuhan natin ang paglikha ng lahat ng mundo, ang pagbaba ng kaluluwa sa mundong ito, at ang paraan kung paano tayo makaaakyat mula sa mundong ito papunta sa Ein Sof.
Una, pag-aaralan natin ang paglikha ng mundo ng Adam Kadmon, susuriin natin ang mga yugto ng pagbuo nito mula sa estadong nauna rito.
Tulad ng alam, sa apat na yugto ng Orh Yashar nalikha ang Kli, at tinanggap ang lahat ng Liwanag sa mundo ng Ein Sof. Pagkatapos tanggapin ang Liwanag sa mundo ng Ein Sof, gumawa ng Tzimtzum ang Kli at nanatiling walang laman. Nagpasya ang Kli na magtrabaho lamang sa Masach, na may kalkulasyon kung gaanong Liwanag ang maaaring tanggapin sa loob at gaano ang hindi. Pagkatapos ng mga desisyong ito, isinilang ang mundo ng Adam Kadmon.
Bawat isa sa mga estado ng Kli ay nag-iiwan ng “Reshimot.” Ang Reshimot ay impormasyon tungkol sa bawat antas ng pag-unlad ng Kli. Halimbawa, ang phase Bet ay naglalaman sa loob ng Reshimo mula sa phase Aleph at itinatatag ito dito. Ang phase Gimel ay naglalaman naman ng mga Reshimot mula sa phase Bet at Aleph. Kung ilalarawan natin ang pagkakasunod ng Reshimot sa loob ng phase Gimel, ang Reshimo mula sa phase Aleph ang pinakaloob, ang mula sa phase Bet ay nasa labas ng Aleph, at ang Gimel mismo ang pinaka-panlabas sa lahat.
Ang Kli na nagtatrabaho sa Masach ay naglalaman sa loob nito ng lahat ng dating estado, at kaugnay ng mga ito ay gumagawa ng mga desisyon. Ang Upper Light ay kumakalat at hinihila ang Kli at gustong punuin ito. Tinanggihan ng Kli ang Liwanag, dahil kung tatanggapin niya ito ay makakaramdam siya ng kahihiyan. Nagpapasya ang Kli kung gaano karaming Liwanag ang kayang tanggapin nang hindi nakakaramdam ng kahihiyan, upang mapantay nito ang sarili sa Liwanag. Sa pagtanggap ng Liwanag sa pamamagitan ng Masach, ang Kli ay nagiging nagbibigay.
Ipinaliwanag natin ang paraan ng pagkilos ng Masach sa halimbawa ng Host at Bisita. Ang tao ay bisita sa bahay ng kanyang kaibigan. Inanyayahan siya ng kaibigan upang magpakasaya sa pagkaing inihanda para sa kanya, ngunit tinanggihan niya ang paanyaya. Nararamdaman ng bisita ang sarili bilang tumatanggap at ang host bilang nagbibigay; sumisibol sa kanya ang pakiramdam ng kahihiyan. Kaugnay ng host, nararamdaman niyang nakahihigit ang nagbibigay. Ang pagkakaiba ng mataas at mababang antas sa pagitan ng kanya at ng nagbibigay ay nagpaparamdam ng kahihiyan.
Paano makakatanggap, mag-eenjoy, at hindi mapapahiya ang bisita? Tinanggihan ng bisita ang paanyaya na magpakasaya sa pagkain. Patuloy na niyayaya ng host ang bisita, ipinaliwanag na inihanda niya ang pagkain partikular para sa kanya. Patuloy na tumatanggi ang bisita sa paanyaya ng host, hanggang sa magpantay na ang pagpilit ng host at pagtanggi ng bisita. Hindi tumatanggap ang host, ganoon din ang bisita; hindi nagbibigay ang host, ganoon din ang bisita. Nagiging magkapantay sila at nariyan ang pagkain sa pagitan nila.
Ngayon, magkakaroon ang bisita ng pagkakataong baguhin ang anyo mula tumatanggap paakyat ng nagbibigay. Ang pagkain, inihanda ng host para sa bisita bilang pagpapahayag ng pagmamahal. Nais ng host na mag-enjoy ang bisita. Malulungkot ang host kung tatanggihan ng bisita ang paanyaya.
Kaya, magpapasya ang bisita na tumanggap; ang buong intensyon niya ay bigyang kasiyahan ang host. Ginawa niya ito, hindi niya mararamdaman ang sarili bilang mababa at ang host bilang nakahihigit; magbibigay siya sa host—ang Kli ay magbibigay sa Maylalang.
Nagpapasya ang nilikhang nilalang na magbigay sa Maylalang sa pamamagitan ng pagtanggap ng kasiyahan mula sa Maylalang. Sa ganitong paraan, nagkakapantay ang Maylalang at ang nilikhang nilalang. Tumatanggap ang nilikhang nilalang sa Maylalang upang bigyang ligaya Siya, at bilang resulta, nagiging magkapantay sila. Ang Maylalang ay nagbibigay ng kasiyahan sa nilikhang nilalang, tinatanggap ito ng nilikha, at ang pagtanggap mismo ay nagbibigay ligaya sa Maylalang.
Ang kulang lang sa tao ay ang intensyon na tumanggap ng kasiyahan para lamang sa Maylalang. Ang intensyon ay nabubuo sa Kli, sa Rosh ng antas. Kaugnay ng kanyang pagnanasa, sinusuri ng Kli kung gaano siya kapantay ng Maylalang, at nagpapasya sa sukat kung saan niya isasakatuparan ang pagnanasa. Ang hangganan na nagmamarka ng kakayahan ng Kli na buhayin ang pagnanasa ay tinatawag na “Tabur.” Ang lugar kung saan kayang punuin ng kasiyahan ng Kli ang mga pagnanasa ay tinatawag na “Toch,” ang dulo ng Toch ay nasa Tabur.
Ang lugar na hindi kayang punuin ng kasiyahan, mula Tabur pababa, ay tinatawag na Sof (dulo). Ang bahagi ng Sof ng Kli ay tinatanggihan ang kasiyahan at nananatiling walang laman. Ang kasiyahan na ibinibigay ng Maylalang sa mga pagnanasa ng bahaging Sof ay napakalaki na hindi nito kayang tanggapin upang makapagbigay.
Balikan natin ang parabula ng host at ng bisita. Sabihin natin na inalok ng host ang bisita ng karne, isda, panghimagas, at inumin. Kinokonsidera ng bisita kung alin sa mga pagkain ang kayang tanggapin at pagsikhayan para lamang sa host, at hindi para sa sarili niya. Isinaalang-alang niya ang kanyang pagnanasa, kasiyahan, at pagkilala sa kadakilaan ng host, at kaugnay sa mga ito ay napagpapasyahan niya kung ano ang kayang tanggapin. Ang inumin, halimbawa, ay kaya niyang tanggapin. Gayundin ang panghimagas at ang ilang bahagi ng isda; ang kasiyahan dito ay hindi gaanong malaki. Kayang tanggapin at pagsikhayan ng bisita ang mga ito para sa host.
Ang karne ay hindi niya kayang tanggapin. Kung kakainin niya ito, hindi niya maiisip ang host; kung kakainin niya ito, nakatuon siya sa kasiyahan.
Nililimitahan ng Kli ang sarili. Bahagi lang ng kasiyahan ang kayang tanggapin at ang iba ay hindi. Ang kalkulasyon ay ginagawa ayon sa mga nakuhang datos sa nakaraang gawain—sa apat na yugto ng Orh Yashar, sa mundo ng Ein Sof, at sa unang pagpipigil (Tzimtzum Alef)—ayon sa karanasan mula sa mga dating estado.
Mainam kung ilalagay natin ang ating sarili bilang bisita sa parabula ng host at ng bisita, at maglaan ng kaisipan kung paano tatanggap upang makapagbigay sa Maylalang. Ang ganitong kaisipan ay nagpapalago ng mga Kelim sa isang tao. Sa paggawa nito, malalaman ng tao kung gaano ka-eksakto ang kalkulasyon kung mag-eenjoy para sa sarili o mag-eenjoy para sa host. Kung ang tao ay nakatuon lang sa tamang kalkulasyon upang mag-enjoy para sa host, mawawala ang lasa ng pagkain sa kanya. Ganon kalalim ang pagkalubog ng tao sa sarili nang tumatanggap ng kasiyahan para sa sarili.
Halimbawa, kung ang tao ay iinom ng tasa ng kape na may intensyong bigyang kasiyahan ang host—para lamang sa host at hindi para sa sarili—hindi niya mararamdaman ang lasa ng kape. Dahil ang intensyon niya ay ilipat ang kasiyahan sa host, ngunit hindi niya nararamdaman ang host; kaya, mawawala ang lasa. Sa pagsisikap na ilarawan ang sarili bilang bisita, nagkakaroon ng pangangailangan na maipahayag ang host. Sapagkat kung hindi mararamdaman ng bisita ang host, kung hindi niya ito makita, hindi niya magagawa ang gawa ng pagbibigay.
Sa gayong estado, wala nang ibang magagawa ang tao kundi ang humiling na maipahayag ang host. Humihiling siya ng Kanyang pagpapahayag upang makapagbigay sa Kanya; kung hindi, wala siyang matatanggap. Kapag nakita ng Maylalang na matatag ang nilikhang nilalang sa kanyang hangad na tumanggap para lamang sa Kanya, nagsisimula na Siyang ipahayag ang Kanyang Sarili. Kapag nakita ng Maylalang ang pagtanggi ng nilikha na tumanggap sa anumang kalkulasyon maliban ang makapagbigay ng kasiyahan sa Maylalang, nagsisimula na Siyang ihayag ang Sarili. Inihahayag ng Maylalang ang Sarili at tinutulungan ang nilikhang nilalang na makagawa ng kalkulasyon ng pagbibigay.
Kapag naipahayag sa nilikhang nilalang ang Upper Force, nagsisimula nang kumonekta ang Maylalang at ang nilikhang nilalang. Ang pagpapahayag ng Upper Force ay posible lamang kung matatag ang nilikhang nilalang at tumatangging tumanggap hindi para sa kabutihan ng host. Ang nilikhang nilalang ay nais lamang tumanggap upang makapagbigay; dahil dito, pinipilit niyang maipahayag ng Maylalang ang Sarili.
Ang mga pagsasanay na tulad nito sa “praktikal na Kabbalah,” mga pagsubok na tumanggap sa kondisyon na ang pagtanggap ay konektado sa Maylalang, ay magagandang pagsasanay. Mainam na suriin ng tao ang sarili kung kaya ba niyang tiisin ito. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng karunungan ng Kabbalah, at sa ganitong karanasan, maaaring dalhin ng tao ang sarili sa kalagayan na wala siyang tinatanggap para sa kanyang sarili, kundi para lamang sa Maylalang—kung hindi magpapahayag ang Maylalang, wala siyang matatanggap. Sa gayon, mapipilitang magpahayag ang Maylalang.
Suriin ang sarili ninyo. Kung inilagay ninyo sa harap ng May-ari ng bahay ang kondisyon—na tumatanggi kayong tumanggap kundi para lamang sa Kanya—mapipilitang makipag-ugnayan sa inyo ang May-ari ng bahay. Sa ganitong kondisyon, gagantimpalaan ang tao ng pagpapahayag ng Maylalang. Ayon sa kakayahan ng tao na humiling ng pagpapahayag ng Maylalang na may intensyon na makapagbigay, ipapahayag ng Maylalang ang Sarili. Sa ganito, tinutulungan ng Maylalang ang tao na tumaas sa mas matataas na antas ng pagbibigay. Itala ang pagsasanay na ito bilang “takdang aralin.” Ang mga kahirapang lilitaw dahil dito ay makakatulong sa pag-asenso.
Bumalik tayo sa mga yugto ng pag-unlad ng Kli. Umaagos at kumakalat ang Liwanag sa Kli. Tinanggihan ng Kli ang Liwanag. Nagsagawa ng kalkulasyon ang Kli sa “Rosh” at tinanggap ang bahagi ng Liwanag sa loob nito. Halimbawa, sabihin nating tinanggap ng Kli ang dalawampung porsyento ng Liwanag, at walumpung porsyento ang nanatiling walang laman. Ang bahagi ng Liwanag na tinanggap ng Kli ay tinatawag na “Inner Light.” Ang lugar kung saan ginawa ang kalkulasyon ay tinatawag na “Pe,” at ang hangganan ng pagtanggap ng Liwanag ay tinatawag na Tabur. Ang lugar kung saan nagtatapos ang Kli ay tinatawag na “Sium.”