Hevruta - Pagkatapos ng Aralin 21 - Ang estruktura ng mga nakatataas na mundo

Hevruta - Pagkatapos ng Aralin 21 - Ang estruktura ng mga nakatataas na mundo

Nilalaman ng aralin
Mga Materyales

Ang estruktura ng mga nakatataas na mundo

Hevruta - Kasunod ng Leksyon 21

 


Babasahin nating muli ang ilang bahagi ng mga sipi mula noong nakaraang Linggo (hindi lahat dahil marahil ay kulang tayo sa oras) at pagkatapos ay magkakaroon tayo ng paliwanag mula kay Rav Michael Laitman at puwang para sa mga diskusyon at katanungan.


Mula kay Baal HaSulam - Ang Paunang Salita sa Karunungan ng Kabbalah

 

 ...Ang layunin ng paglikha ay upang bigyan ng kaligayahan ang mga nilalang ayon sa Kanyang saganang kabutihan. Dahil dito, isang malaking hangarin at pananabik na tumanggap ng Kanyang kasaganahan ang naimprinta sa mga kaluluwa.

Ganito ito sapagkat ang pagnanais na tumanggap ang siyang sisidlan para sa sukat ng kaligayahan sa kasaganahan, sapagkat ang sukat at lakas ng pagnanais na tumanggap ng kasaganahan ay sumasabay mismo sa sukat ng kaligayahan at ligaya sa kasaganahan. At magkaugnay sila na hindi maaaring paghiwalayin, maliban sa kung ano ang kanilang tinutukoy: Ang kaligayahan ay nauukol sa kasaganahan, at ang malaking pananabik na tumanggap ng kasaganahan ay nauukol sa nilalang na tumatanggap.

...

At alamin na ito ang liwanag at sisidlan na ating natutukoy sa mga nakatataas na mundo. Dumarating ang mga ito na magkasama at sunod-sunod na bumababa antas bawat antas.

...

Ang dahilan kung bakit dapat bumaba ang pagnanais na tumanggap ayon sa apat na nabanggit na pagkakilala sa ABYA [Atzilut, Beria, Yetzira, Assiya] ay dahil may isang mahalagang panuntunan ukol sa mga sisidlan: Ang pagpapalawak ng liwanag at pag-alis nito ang siyang gumagawa sa sisidlan na akma para sa kanyang layunin. Ibig sabihin, hangga't hindi pa nahiwalay ang sisidlan mula sa liwanag nito, ito ay kasali sa liwanag at natutunaw dito na parang kandila sa harap ng sulo.

...

Kaya, ang apat na yugto sa pangalang HaVaYaH, na tinatawag na Hochma, Bina, Tifferet, Malchut, ay kinakailangan. Ang unang yugto, na tinatawag na Hochma, ay talaga namang kabuuan ng nilikhang nilalang, liwanag at sisidlan. Nasa loob nito ang malaking pagnanais na tumanggap kasama ang lahat ng liwanag na nakapaloob dito, na tinatawag na “liwanag ng Hochma” o “liwanag ng Haya,” sapagkat ito ang lahat ng liwanag ng Hayim [buhay] sa nilikhang nilalang, na nakabihis sa kanyang sisidlan. Gayunpaman, itong unang yugto ay itinuturing na purong liwanag, at ang sisidlan dito ay halos hindi mapansin sapagkat nakihalo ito sa liwanag at natunaw dito parang kandila sa sulo.

Kasunod nito ay dumarating ang ikalawang yugto, sapagkat sa tawing katapusan nito, ang sisidlan ng Hochma ay lumalakas ang pagkakapareho ng anyo sa nakatataas na liwanag dito. Nangangahulugan ito na nagigising ang isang pagnanais na magbigay sa Tagapagbigay, ayon sa likas na katangian ng liwanag na nasa loob nito, na ang buo ay magbigay.

Pagkatapos, gamit ang pagnanais na ito na nagising dito, may bagong liwanag na naipapalawak mula sa Tagapagbigay, na tinatawag na “liwanag ng Hassadim.” Bilang resulta, ito ay halos tuluyang nahiwalay mula sa liwanag ng Hochma na inukit ng Tagapagbigay dito, sapagkat ang liwanag ng Hochma ay maaari lamang matanggap sa kanyang sariling sisidlan—isang pagnanais na tumanggap na umabot sa ganap nitong sukat.

Kaya, ang liwanag at sisidlan sa ikalawang yugto ay lubos na naiiba kaysa sa una, sapagkat ang sisidlan dito ay ang pagnanais na magbigay. Ang liwanag sa loob nito ay itinuturing na liwanag ng Hassadim, isang liwanag na nagmumula sa pagdikit ng nalikhang nilalang sa Tagapagbigay, dahil ang pagnanais na magbigay ay nagdudulot ng pagkakapareho ng anyo sa Tagapagbigay, at sa espiritualidad, ang pagkakapareho ng anyo ay pagkakadikit.

Kasunod nun ay dumarating ang ikatlong yugto, sapagkat kapag ang liwanag sa nalikhang nilalang ay lumiit sa liwanag ng Hassadim nang walang kahit anong Hochma, at alam na ang liwanag ng Hochma ay ang kabuuan ng nilikhang nilalang, kaya, sa dulo ng ikalawang yugto, ito ay nagising at nagdala dito ng isang sukat ng liwanag ng Hochma upang lumiwanag sa loob ng liwanag ng Hassadim. Ang paggising na ito ay muling nagpalawak ng panibagong sukat ng pagnanais na tumanggap, na bumubuo ng panibagong sisidlan na tinatawag na ikatlong yugto, o Tifferet. At ang liwanag dito ay tinatawag na “liwanag ng Hassadim sa pag-ilaw ng Hochma,” sapagkat ang karamihan ng liwanag na ito ay liwanag ng Hassadim, at ang kaunting bahagi nito ay liwanag ng Hochma.

Pagkatapos nito ay dumarating ang ikaapat na yugto, sapagkat ang sisidlan ng ikatlong yugto, din, ay nagising sa dulo upang tumanggap ng ganap na liwanag ng Hochma, gaya ng nasa unang yugto. Kaya, ang paggising na ito ay itinuturing na “pagnanasa” sa sukat ng pagnanais na tumanggap sa unang yugto at lagpas pa dito sapagkat ngayon ay nahiwalay na ito sa liwanag, dahil ang liwanag ng Hochma ay wala na sa loob nito ngunit inaasam ito. Kaya, ang anyo ng pagnanais na tumanggap ay lubos nang natukoy, sapagkat ang sisidlan ay natutukoy kasunod ng pagpapalawak ng liwanag at pag-alis nito mula roon. Sa bandang huli, kapag bumalik ito, muli nitong matatanggap ang liwanag. Kaya lumalabas na ang sisidlan ay nauuna kaysa liwanag, kaya't ang ikaapat na yugto ay tinuturing na kaganapan ng sisidlan, at ito ay tinatawag na Malchut [Kaharian].


(Mula sa isang talakayan kasama si Rav Michael Laitman)

Ang Kaisipan ng Paglikha at ang Kanyang Esensya 

Naabot ng mga Kabbalistang ang espiritwalidad at isinulat ito sa kanilang mga aklat. Natanto nila na ang ugat ng buong realidad ay isang Nakatataas na Lakas, na tinawag nilang “Kanyang Esensya”, sapagkat hindi nila maaabot ang mismong Lakas. Gayunman, kanilang natanto na mayroong kaisipan—isang layunin—na lumikha ng mga nilalang upang bigyang kaligayahan ang mga ito, na nanggagaling mula sa Kanyang Esensya. Tinawag nila ang kaisipan at layuning iyon na “Ang Kaisipan ng Paglikha” o “Nakatataas na Liwanag.” Kaya mula sa pananaw ng nilalang, ang Liwanag ay ang Lumikha, dahil hindi nito maaabot ang Kanyang Esensya. Kaya, ang ugnayan ng Lumikha at nilalang ay pinananatili sa pamamagitan ng Nakatataas na Liwanag.

Sa madaling sabi, may isang Liwanag na nagmumula sa Kanyang Esensya. Nais ng Liwanag na lumikha ng nilalang at bigyang kasiyahan ito sa pamamagitan ng pagpuno rito ng ligaya. Ibig sabihin, ang layunin ng Liwanag ay lumikha ng nilalang na makadarama sa Liwanag bilang kasiyahan.


(Mula sa isang talakayan kasama si Rav Michael Laitman)

Kakulangan at Pagkapuno: Kli at Liwanag

Kaya't tinawag ng mga Kabbalista ang nilalang na “sisidlan” at ang Liwanag na “pagkapuno.” Ang Liwanag na nagmumula sa Kanyang Esensya upang lumikha ng nilalang ay tinatawag na Behinat Shoresh (Yugtong Ugat), dahil ito ang ugat ng buong realidad. Pagkatapos, nililikha ng Liwanag na ito ang pagnanais na malasap ang Liwanag. Ang pagnanais sa kaligayahan ay tinatawag ring “Pagnanais na Tumanggap” (Liwanag).

Ang tindi ng kaligayahan ay nakasalalay lamang sa tindi ng pagnanais na tumanggap nito, tulad ng sa ating mundo na maaaring mayroong walang laman na tiyan, ngunit walang pagnanais na kumain. Kaya, ang pagnanais ang siyang sisidlan para sa pagkapuno, at kung wala ito ay walang kaligayahan. Walang pamimilit sa espiritualidad, at ang pagkapuno ay katumbas lang ng pagnanais.

Ang Liwanag na nagmumula sa Kanyang Esensya ay lumilikha ng sisidlan at pinupuno ito. Ang kaligayahang nararamdaman ng nilalang kapag tinanggap nito ang Liwanag ay tinatawag na Ohr Hochma (Liwanag ng Karunungan). Ang pagnanais na nilikha ng Liwanag na lumalamon dito ay tinatawag na B’hina Aleph (Unang Yugto). Tinawag itong ganoon dahil ito ang unang B’hina (pagkilala/pag-unawa) ng magiging sisidlan. Ngunit ang pagnanais na iyon ay hindi pa independiyente, dahil nilikha ito nang direkta ng Liwanag.

Ang aktuwal na nilalang ay siya mismong may pagnanais na tangkilikin ang ganap na Liwanag ng Lumikha para sa sariling kasiyahan. Ang pagnanais na ito at ang desisyong malasap ito para sa sarili ay nagmumula sa loob. Ang ganitong pagnanais ay kailangang maimprinta sa kanya ng Lumikha.

Upang tumanggap ng Liwanag, kailangan ng nilalang na malaman kung gaano katindi ang kaligayahan mula sa Liwanag bago pa nito matanggap. Pagkatapos, dapat mapuno ito ng Liwanag, at saka madama kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng Liwanag. Doon lamang nabubuong tunay na pagnanais para sa Liwanag.

Sa parehong paraan na nangyayari sa ating mga buhay, kapag binigyan ng bagong prutas upang tikman ang isang tao, wala pang paunang pagnanais dito. Ngunit kapag natikman at naramdaman ang kaligayahan dito, at inalis ang prutas, nagsisimulang hangarin ito ng tao at gusto niyang maranasan muli ang kaligayahan. Eksaktong ang pagnanais na iyon, ang bagong pagnanais na isinilang sa tao, ang nararamdaman ng tao bilang isang independiyenteng kalooban.


(Mula sa isang talakayan kasama si Rav Michael Laitman)

4 na Hakbang upang buuin ang ganap na pagnanais 

Kaya, imposibleng buuin ang sisidlan nang sabay-sabay. Upang malaman ng pagnanais kung ano ang magbibigay-kasiya dito at makilala ang sariling pagnanais na malugod, kailangang pagdaanan ng pagnanais ang buong kadena ng mga pangyayari. Ang kundisyong iyon ay inalalarawan bilang batas sa Kabbalah: “Ang pagpapalawak ng Liwanag at pag-alis nito, ang siyang naggagawang karapat-dapat ang sisidlan sa tungkulin nito,” na tumanggap ng Liwanag at magalak dito. Ang mga yugto ng pag-unlad ng pagnanais na ito ay tinatawag na Behinot (mga yugto/pagkakaiba/pagmamasid) dahil ang mga ito ay mga yugto sa pagbubuo ng mga pagkilalang pangkalooban sa pagnanais na tumanggap.

Kaya, kasabay ng kaligayahan, binibigyan ng Liwanag ang sisidlan ng katangian ng pagbibigay. At natutuklasan ng sisidlan habang tinatamasa ang Liwanag na nais din nitong magbigay, tulad ng likas na katangian ng Liwanag na pumupuno rito. Ito ay dahil isinadya ng Lumikha na lagyan ng Liwanag ng abilidad na maghatid ng sarili nitong mga katangian kasabay ng pagnanais na magbigay. Kapag napuno ng Liwanag ang sisidlan sa unang yugto, nararamdaman ng sisidlan na gusto niyang maging gaya ng Lumikha. At dahil ito ay isang ganap na bagong pagnanais, ito ay bagong obserbasyon, tinawag na Behina Bet (Ikalawang Yugto).

Ang Behina Bet ay pagnanais na magbigay. Ang kaligayahang nararamdaman sa pagkakatulad sa Lumikha ay tinatawag na "Liwanag ng Awa." Makikita natin na ang Behina Aleph ay kabaligtaran ng Behina Bet dahil ang pagnanais ng Behina Aleph ay kaloobang tumanggap, samantalang sa Behina Bet ay kaloobang magbigay. Ang Liwanag sa Behina Aleph ay "Liwanag ng Karunungan," at yaong sa Behina Bet ay "Liwanag ng Awa."

Kapag ang pagnanais na tumanggap sa Behina Aleph ay nagsimulang malasap ang Liwanag na pumupuno rito, agad nitong nararamdaman na ang Liwanag ang nagbibigay ng kasiyahan at na ang kaloobang tumanggap ang tumatanggap ng kaligayahan, kaya't nagsisimula itong naisin na maging gaya ng Liwanag mismo. Sa halip na tumanggap ng kasiyahan, may pagnanais na magbigay nito, gaya ng Liwanag.

Kaya, ang orihinal na kaloobang tumanggap ay umaalis, at ang sisidlan ay nananatiling walang laman ng Liwanag ng Karunungan, dahil ang kaligayahan ay matatamasa lang kung may pagnanais para rito.

Hindi maaaring manatili ang kaloobang tumanggap na walang Liwanag ng Karunungan, dahil ang Liwanag ng Karunungan ang ikinabubuhay nito. Kaya, kailangan nitong tanggapin ang kaunting Liwanag ng Karunungan. Kaya, ang bagong pagnanais na ito, tinawag na Behina Gimel (Ikatlong Yugto), ay binubuo ng dalawang pagnanais:

  • Pagnanais na maging kagaya ng liwanag.

  • Pagnanais na tumanggap ng kaunting Liwanag ng Karunungan.

Ngayon, nararamdaman ng sisidlan ang dalawang Liwanag: ang Liwanag ng Awa sa kaloobang magbigay, at ang Liwanag ng Karunungan sa kaloobang tumanggap.

Kapag ang Behina Gimel ay tumanggap ng Liwanag, natuklasan nito na sa pagitan ng Liwanag ng Karunungan at Liwanag ng Buhay, ang una ay higit na angkop sa kalikasan nito. Kaya, nagpapasya itong tanggapin nang buo ang Liwanag na ito. Sa gayon, isang independiyenteng pagnanais na tumanggap ng Liwanag ng Karunungan, at mismong pagnanais na gustong punuan ng Lumikha ang nilalang, ay nalilikha na ngayon.

Nakikita natin na ang Liwanag na nagmumula sa Kanyang esensya ay lumilikha ng sisidlan sa apat na yugto. Iyon ang dahilan kung bakit ang pangwakas na pagnanais, tinawag na Behina Dalet (Ikaapat na Yugto), ay siya talagang tanging nilalang. Lahat ng naunang yugto ay mga yugto lamang ng pag-unlad nito. Sa katunayan, ang buong Paglikha ay binubuo ng ikaapat na yugtong iyon. Lahat ng umiiral, maliban sa Lumikha, ay yaong Behina Dalet. Ang Behina Dalet na ito ay tinatawag na Malchut (Pagkahari), dahil ang kaloobang tumanggap ang naghahari dito.


Apat na Yugto

Ang ikaapat na yugto ang tanging nilalang. Nahahati ito sa mga panlabas na bahagi at panloob na bahagi. Ang panlabas ay binubuo ng Sefirot, Partzufim, mga mundo, at ang ating mundo, at ng walang buhay, halaman at hayop. Ang panloob na bahagi ay binubuo ng mga kaluluwa ng tao. Ang kaibhan ng mga bahaging ito ay nasa laki ng kanilang kaloobang tumanggap.

Kapag ang ikaapat na yugto ay ganap na napunan ng Liwanag ng Karunungan, ito ay tinatawag na Olam Ein Sof (Mundong Walang Hanggan), dahil ang pagnanais nito ay hindi nililimitahan ang pagtanggap ng Liwanag. Tumatanggap ang ikaapat na yugto sa pamamagitan ng apat na naunang yugto: Ugat, Una, Ikalawa, at Ikatlo. Kaya, ang ikaapat na yugto ay nahahati sa limang bahagi (kasama ang sariling yugto) ng pagnanais na tumanggap.


Buod

Nagmumula ang Liwanag mula sa Lumikha, o sa Yugtong Ugat. Pagkatapos, nililikha ng Liwanag ang nilalang, ang ikaapat na yugto, sa apat na yugto. Ang esensya ng nilalang ay ang pagnanais na tumanggap ng kaligayahan. Ang kaligayahan ay ang pakiramdam ng Liwanag sa loob ng pagnanais. Ang ikaapat na yugto ay nahahati sa apat na panloob na bahagi, na tumatanggap ng Liwanag mula sa apat na paunang yugto. Ang ikaapat na yugto, na napuno ng Liwanag ng Karunungan, ay tinatawag na "Mundo ng Ein Sof" (walang hanggan). Ang mga bahagi ng ikaapat na yugto ay tinatawag na "mga kaluluwa" at "mga mundo." Ang mga mundo ay naglalaman ng Partzufim, Sefirot at lahat ng hindi kaluluwa.

 


Mula kay Baal HaSulam:

Ngayon ay mauunawaan mo na ang tunay na pagkakaiba ng espiritualidad at pisikalidad: Anumang may ganap na kaloobang tumanggap, sa lahat ng aspeto nito, na siyang ikaapat na yugto, ay itinuturing na “pisikal.” Ito ang umiiral sa lahat ng sangkap ng realidad sa ating mundo. Kabahan, anumang higit pa sa malaki at ganap na kaloobang tumanggap na ito ay itinuturing na “espiritualidad.” Ito ang mga mundo ng ABYA, na higit sa mundong ito, sila at ang buong realidad sa loob nila.

Ngayon ay makikita mo na ang buong isyu ng mga pag-akyat at pagbaba na inilarawan sa mga nakatataas na mundo ay hindi tumutukoy sa isang guniguning lugar, kundi sa apat na yugto lamang ng pagnanais na tumanggap. Habang lumalayo ito sa ikaapat na yugto, mas mataas ito itinuturing. At kabaligtaran, habang lumalapit ito sa ikaapat na yugto, ito ay itinuturing na mas mababa.

 


Mga Punto para sa Usapan / Workshop

- Ano ang iyong mga impresyon mula sa mga tekstong ito kumpara sa iba tulad ng {Shamati} o ang {Freedom} mula kay Baal HaSulam?

- May mga tanong ka ba sa teksto?