"Hevruta" - kasunod ng Aralin #2
Ang Esensya ng Karunungan ng Kabbalah
"Mga Pangunahing Kaalaman ng Karunungan ng Kabbalah" Gabay sa Kurso:
Mga Nagsasalita ng Tagalog - Pagpupulong #2
Buod ng nakaraang linggo
- Tanghali ng Linggo: Live Course mula sa Israel
- Martes ng Gabi: Kurso sa Ingles
Kalikasan
Ang kalikasan ay isang magkakaugnay na sistema
Ang ilan sa mga batas ay kilala na, ang iba ay hindi pa natutuklasan
Bahagi ng sistema ay hayag, at bahagi ay nakatago pa rin.
Ang tao ay hindi nakahihigit sa kalikasan, kundi bahagi ng isang napakalaki at kumplikadong sistema, at nakaugnay dito sa pamamagitan ng di-mabilang na hindi nakikitang koneksyon
Ang kawalan ng balanse sa pagitan ng pagtanggap at pagbibigay sa pakikipag-ugnayan ng tao ay nagdudulot ng kawalan ng balanse sa global na kalikasan.
Ang kakulangan sa balanse ay nangangailangan ng pagwawasto
Dahil wala namang pagkakaiba sa pagsunod sa mga batas ng Kalikasan, ayon sa napatunayan ko na, mas mabuti para sa atin na makahanap ng karaniwang batayan at tanggapin ang mga salita ng mga Kabbalista, na “Kalikasan” (הטבע) ay may kaparehong numerikal na halaga (guematria) gaya ng “Diyos” (אלהים), na walumpu't anim.
Kaya, maaari kong tawagin ang “mga batas ng Diyos” na “mga utos ng Kalikasan,” o kabaliktaran—ang “mga utos ng Diyos” ang “mga batas ng Kalikasan.” Sapagkat iisa lamang ito, at hindi na natin kailangang mag-aksaya ng maraming salita sa walang saysay na bagay.
Mula ngayon, napakahalaga para sa atin na masusing tingnan ang mga utos ng Kalikasan, upang malaman kung ano ang hinihingi nito sa atin.
Baal HaSulam - Ang Kapayapaan
Mga katangian ng kagustuhang tumanggap
- Ang ating mga kagustuhan ay patuloy na lumalaki.
- Ang mga punan, na nakamit sa pamamagitan ng malaking pagsisikap, ay nararamdaman ng saglit at nawawala.
- Kapag nawala na ang punan - iniiwan tayo nito sa mas malaking pagkawalan.
- Habang tumataas ang kalidad ng kasiyahan, mas tumatagal ang punan.
- Ang mga kagustuhan ay hindi kontrolado ng tao.
- Ang mga kagustuhan ay malakas na naapektuhan/kontrolado ng kapaligiran.
- Ang mga kagustuhan ay hindi maaaring kanselahin - maaaring mabawasan sa pamamagitan ng kapagihirapan.
- Egoismo = ang kasiyahan ng isang tao ay nagmumula sa kapinsalaan ng iba.
- Ang kagustuhan bilang substansya ay neutral.
- Ang ego = isang likas na pagkapoot (walang batayan) sa iba, palaging mas pipiliin ang kasiyahan para sa sarili kaysa sa kasiyahan ng iba, at karaniwan ay mangyayari ito sa kapinsalaan ng iba.
Buod ng Aralin 2
“Ang Esensya ng Karunungan ng Kabbalah”
- Ang Pag-iisip ng Paglikha at ang layunin nito
- Nagkataon o disenyo — may gabay bang sistema sa likod ng realidad?
- Panimula sa mga tunay na pinagmulan ng Kabbalah
“Ang karunungang ito ay hindi higit at hindi kulang kundi isang pagkakasunud-sunod ng mga ugat na bumababa sa pamamagitan ng sanhi at bunga, na sumusunod sa mahigpit at tiyak na mga batas na nagtatagpi patungo sa isang natatanging layunin na tinukoy bilang “ang paghahayag ng Kanyang PagkaDiyos sa Kanyang mga nilalang sa mundong ito.””
- Baal HaSulam. "Ang Esensya ng Karunungan ng Kabbalah"
Talasalitaan ng Kabbalah
Punto sa Puso – Ang kagustuhang matuklasan ang espiritwalidad, na lumilitaw sa loob ng isang tao.
Sa Karunungan ng Kabbalah, ang "puso" ay kumakatawan sa lahat ng makalupang kagustuhan ng isang tao, habang ang "punto sa puso" ay sumasagisag sa isang bagong kagustuhan na malaman ang layunin ng buhay.
- Karunungan ng Kabbalah – Isang pamamaraan para ihayag ang Lumikha sa nilikha sa mundong ito.
- Lumikha – Mula sa salitang Hebrew na Bo’Reh, na nangangahulugang “halika at tingnan”; ang pangkalahatang puwersa ng kalikasan, ang kagustuhang magbigay.
- Kli (Hebrew: sisidlan) – Isang kagustuhan, nilalang, o ang kagustuhang tumanggap.
- Mundo (Hebrew: Olam) – Nagmula sa Ha’alama, na nangangahulugang "pagtatago”.
PAKSA NG SUSUNOD NA ARALIN
Aralin 3 — Nov 23, 2025
Ang Tatlong-Axis na Mode
- Ang nakabalangkas na proseso ng paglikha ayon sa karunungan ng Kabbalah.
- Ang ebolusyon ng kagustuhan ng tao sa kasaysayan.
- “Ang bentahe ng liwanag laban sa kadiliman” — ang kahulugan nito at ang espiritwal na batas na ibinubunyag nito.
- Paano natin sisimulang maramdaman at pumasok sa espiritwal na mundo.
Karagdagang Mga Materyal