Aralin 3: Ang Tatlong-Axis na Modelo

Aralin 3: Ang Tatlong-Axis na Modelo

Sa araling ito, pag-aaralan natin ang mga dahilan ng paglikha ng pagnanasa at palalalimin ang ating pag-unawa sa proseso ng pag-unlad nito. Hanggang ngayon, karamihan sa ating napag-usapan ay tungkol sa realidad sa ating mundo, ibig sabihin kung paano naihahayag ang Karunungan ng Kabbalah sa isang tao ayon sa pag-unlad ng pagnanasa sa ating mundo. Samantalang sa araling ito, magsisimula tayo mismo mula sa kabilang dulo ng paglikha, ang ugat ng paglikha, ang kaisipang lumilikha ng pagnanasa.

Nilalaman ng aralin
Mga Materyales
  • Ang estrukturadong proseso ng paglikha ayon sa karunungan ng Kabbalah.
  • Ang ebolusyon ng pagnanasa ng tao sa kasaysayan.
  • “Ang kalamangan ng liwanag laban sa kadiliman” — ang kahulugan nito at ang espiritwal na batas na ipinapakita nito.
  • Paano natin simulang madama at pasukin ang espiritwal na mundo.

 

Aralin 3

Ang Tatlong-Axis na Modelo


“Ang kalamangan ng liwanag mula sa kadiliman.”

- Eclesiastes, Kabanata 2:13


"Alam na walang lumilitaw sa tunay na anyo nito, kundi sa pamamagitan lamang ng kabaligtaran nito, “Tulad ng kalamangan ng liwanag mula sa loob ng kadiliman.” Nangangahulugan ito na ang lahat ay tumutukoy sa iba pa, at sa pamamagitan ng kabaligtaran ng isang bagay, maaaring mapansin ang pag-iral ng kabaligtaran nito.

Kaya, imposibleng makamit ang isang bagay nang lubos na malinaw kung ang kaakibat nito ay wala."

Baal HaSulam, Shamati 34


"Halimbawa, imposibleng tantiyahin at sabihing ang isang bagay ay mabuti, kung ang kabaligtaran nito, na tumutukoy sa masama, ay nawawala. Ganon din sa pait at tamis, pag-ibig at poot, gutom at kabusugan, uhaw at kasiyahan, pagkakahiwalay at pagdirikit. Kaya lumalabas na imposibleng marating ang pagmamahal sa pagdirikit bago makuha ang poot ng pagkakahiwalay."

- Baal HaSulam, Shamati 34


"Ang liwanag ng mundong ito ay nilikha mula sa kadiliman, “Tulad ng kalamangan ng liwanag mula sa loob ng kadiliman,” at “Ano ang silbi ng kandila sa araw?” hindi sumisinag ang liwanag nito sa liwanag ng araw. Ito ang kahulugan ng Klipa [shell/peel] na nauuna sa bunga. Dahil dito, ang sinumang nagiging kasangga ng Maylikha sa gawa ng paglalang ay naglalabas ng liwanag mula sa kadiliman…"

- Baal HaSulam “You Have Made Me in Behind and Before"


"Ngayon ay maiintindihan na natin kung ano ang araw at gabi sa paggawa. Dapat malaman ng tao na kailangan niyang madama kung ano ang kadiliman, kung hindi, hindi niya mapapakinabangan ang liwanag, sapagkat sa anumang nais malasahan ng tao na lasa, kung dapat ba niyang gamitin ito, kailangan niyang matutunan ang isa mula sa isa pa, gaya ng nasusulat, “tulad ng kalamangan ng liwanag mula sa kadiliman.” Ganon din, hindi maaaring tamasahin ng tao ang pahinga hangga't hindi niya alam kung ano ang pagod.

Rabash “What Are Day and Night in the Work?” Artikulo Blg. 34, 1988


Kahulugan ng Karunungan ng Kabbalah

“Ang karunungang ito ay walang higit at walang kulang kundi isang sunud-sunod ng mga ugat na bumababa sa pamamagitan ng sanhi at bunga, alinsunod sa itinatag na mga batas na magkadugtong tungo sa iisang, napakataas na layunin na inilalarawan bilang “ang paghayag ng Kanyang Pagka-Diyos sa Kanyang mga nilalang sa mundong ito.””

- Baal HaSulam, The Essence of the Wisdom of Kabbalah


"Ang karunungang ito ay pangkalahatang hinahati sa dalawang magkatulad, magkapantay, at magkaparehong kaayusan, parang dalawang patak sa lawa. Ang tanging pagkakaiba ay ang unang kaayusan ay nagmumula mula sa itaas pababa, papunta sa mundong ito,

Ang pangalawang kaayusan ay nagsisimula sa mundong ito at umaakyat mula sa ibaba paitaas, eksakto sa parehong mga daraanan at anyo na nakatatak sa kanilang ugat nang lumitaw sila mula sa itaas pababa.

- Baal HaSulam, "The Essence of the Wisdom of Kabbalah"


Ang Tatlong-Axis na Modelo




Ang Ika-2 Axis

Panahon bago ang kasaysayan – mga pangunahing pagnanasa

Mula 35,000 BCE hanggang 4,000 BCE.

Pagnanasa para sa pagkain, sex at tirahan.

Ang sangkatauhan ay nahati sa mga tribong lipunan ng mga mangangaso at nagtitipon.


Ang Ika-2 Axis

Panahon ng Sinaunang Kabihasnan – pagnanasa sa pera at ari-arian

Mula 4,000 BCE at hanggang ika-5 siglo CE.

Ang kasukdulan ng rebolusyong agrikultural, maraming pananakop na lumikha ng mga bagong sibilisasyon.


Ang Ika-2 Axis

Gitnang Panahon – Pagnanasa sa karangalan at kapangyarihan

Mula ika-5 siglo CE hanggang ika-15 siglo

  • Pagbuo ng mga hirarkiya, mga kasta at mga uri;
  • mga digmaang panrelihiyon;
  • nahahati ang sangkatauhan ayon sa panrelihiyong/antas ng lipunan.

Ang Ika-2 Axis

Makabagong Panahon – pagnanasa para sa kaalaman at karunungan

Mula ika-15 siglo hanggang sa pagtatapos ng ika-20 siglo.

  • Pagkatuklas ng mga kontinente
  • Panahon ng Renaissance
  • Rebolusyong Siyentipiko
  • Urbanisasyon
  • Rebolusyong Industriyal
  • Rebolusyong Impormasyon

Ang Pag-unlad ng Pagnanasa sa Kaligayahan

1. Panahon bago ang kasaysayan – mga pangunahing pagnanasa

Mula 35,000 BCE hanggang 4,000 BCE. Pagnanasa para sa pagkain, sex at tirahan. Ang sangkatauhan ay nahati sa mga tribong lipunan ng mga mangangaso at nagtitipon.

2. Sinaunang panahon – pagnanasa sa pera at ari-arian

Mula 4,000 BCE at hanggang ika-5 siglo CE. Ang kasukdulan ng rebolusyong agrikultural, maraming pananakop na lumikha ng mga bagong sibilisasyon.

3. Gitnang Panahon – pagnanasa para sa karangalan at kapangyarihan

Mula ika-5 siglo CE hanggang ika-15 siglo. Pagbuo ng mga hirarkiya, mga kasta at mga antas ng lipunan. Mga digmaang panrelihiyon. Nahahati ang sangkatauhan ayon sa panrelihiyon/antas ng lipunan.

4. Makabagong panahon – pagnanasa sa kaalaman at karunungan

Ika-15 siglo hanggang sa pagtatapos ng ika-20 siglo. Mga pagkatuklas ng kontinente; panahon ng Renaissance; Rebolusyong Siyentipiko; urbanisasyon; Rebolusyong Industriyal, Rebolusyong Impormasyon.


Mga yugto ng pag-unlad ng pagnanasa

  • Panahon bago ang kasaysayan (mga 35,000 taon na ang nakalipas) →
  • Sinaunang panahon (mga 5,000 taon na ang nakalipas) →
  • Gitnang Panahon (hanggang ika-15 siglo CE) →
  • Makabagong Panahon (mula ika-15 siglo pataas) →
  • Ang paggising ng punto sa puso

Buod

  1. Ang Maylikha ay ang katangian ng pagbibigay — “Halika at Tumingin.”
  2. Ang kalikasan ay isang saradong sistema na may takda at ganap na mga batas.
  3. Ang kalamangan ng liwanag na nagmumula sa kadiliman.
  4. Ang tatlong-axis na modelo ng pag-unlad.
  5. Ang kagustuhang tumanggap — ang puwersang nagtutulak ng paglalang.
  6. Tayo ay natututo kung paano tumanggap sa paggising ng punto sa puso.
  7. Ang karunungan ng Kabbalah ay nagtuturo sa atin kung paano tumanggap nang tama,

ngunit pati na rin…

kung paano gumalaw sa ating mundo, kung paano maintindihan ang reyalidad sa ating paligid,

at higit sa lahat - kung paano ito baguhin tungo sa mas mabuti.