Aralin 2. Ang Esensya ng Karunungan ng Kabbalah
Sa araling ito, matututuhan natin ang sumusunod: - Ang depinisyon ng Karunungan ng Kabbalah - Mga maling akala tungkol sa Karunungan ng Kabbalah - Ano ang “Maylalang” ayon sa Karunungan ng Kabbalah - Paano nauugnay sa atin ang pag-aaral ng Karunungan ng Kabbalah?
Aralin 2
Ang Esensya ng Karunungan ng Kabbalah
Slide # 2
“Wala tayong ginagawang bago, ang ating trabaho ay liwanagan lamang ang mga nakatago sa loob ng tao.”
- Rav Menachem Mendel ng Kotzk
Slide # 3
Kalikasang
- Sa kalikasan ay may kamangha-manghang pagkakaisa - bawat elemento ay kumukumpleto sa isa’t isa at mahalaga para sa tamang pag-andar.
- Ang kalikasan ay isang integral na sistema at ang lahat ng bahagi nito ay magkakaugnay
- Ito ay isang sistemang nagde-develop sa atin patungo sa koneksyon at kooperasyon sa dalawang direksyon:
- Sa isang banda, may pag-iisa ng lahat ng bahagi
- At sa kabilang banda - may pagkakaiba-iba at paghahati, na nagreresulta sa paglikha ng iba't ibang elemento ng kalikasan.
Slide # 4
Kalikasang
- Ang tao ay hindi mas mataas kaysa sa kalikasan, kundi bahagi lamang ng isang malaki at kumplikadong sistema, at nakakonekta dito sa pamamagitan ng di-mabilang na hindi nakikitang koneksyon
- Ang kakulangan ng balanse sa pagitan ng pagtanggap at pagbibigay sa ugnayan ng tao ay nagdudulot ng kawalan ng balanse sa buong kalikasan.
- Bilang resulta, ang sangkatauhan ay dumaranas ng pagdurusa: depresyon at iba't ibang krisis sa isang banda, at sa kabilang banda, 'likas na kalamidad', krisis sa ekonomiya at kapaligiran, epidemya at iba pa.
Slide # 5
Sa pagitan ng Agham at Karunungan ng Kabbalah
Tinutuklas ng agham ang pisikal na realidad, bumubuo at nag-oorganisa ng kaalaman, at sinusubukang ipaliwanag ang mga phenomena sa ating mundo sa pamamagitan ng empirikal na paraan:
- Pagiging walang kinikilingan
- Empirismo
- Prinsipyo ng falsifiability
- Abstraction
- Pagiging magkakaugnay
Slide # 6
“Ang ating esensya ay tulad ng esensya ng lahat ng detalye sa realidad, na walang higit at walang kulang kundi ang kagustuhang tumanggap.”
- Baal HaSulam. Item 20. “Panimula sa The Book of Zohar”
Slide # 7
“Ang kasaganaan mismo ay parang karagatan. May sumasalok gamit ang pinit, at may sumasalok gamit ang timba, at iba pa.”
- RABASH, Assorted Notes. Article No. 798, "Ang Merito ng Maliit"
Slide # 8
“Ang buong karunungan ng Kabbalah ay para lamang malaman ang paggabay ng pinakamataas na kagustuhan, bakit Niya nilikha ang lahat ng nilikha, ano ang gusto Niya sa kanila, at ano ang magiging katapusan ng lahat ng pagsalimuot ng mundo.”
- RAMCHAL, Daat Tevunot
Slide # 9
Mga katangian ng kagustuhang tumanggap
- Ang ating mga pagnanasa ay patuloy na lumalaki
- Ang mga kasiyahan, na nakakamit sa pamamagitan ng malaking pagsisikap, ay pansamantalang nararamdaman at agad ding nawawala.
- Kapag nawala na ang kasiyahan - iniiwan tayo nito ng mas malalim na kakulangan
- Habang tumataas ang kalidad ng kasiyahan, mas matagal nagtatagal ang kasiyahan
- Ang mga pagnanasa ay hindi kontrolado ng tao
- Ang mga pagnanasa ay malaki ang epekto/kontrol ng kapaligiran.
Slide # 10
Mga katangian ng kagustuhang tumanggap
- Ang mga pagnanasa ay hindi maaaring kanselahin - maaari lamang itong bawasan sa pamamagitan ng pagdurusa
- Egoismo = ang kasiyahan ng isang tao ay nagmumula sa kapinsalaan ng iba
- Ang pagnanasa bilang sangkap ay neutral
- Ang ego = likas na galit (walang batayan) sa kapwa, lagi mong uunahin ang sarili kaysa sa iba, at kadalasan ito ay sa kapinsalaan ng iba.
Slide # 11
Depinisyon ng Karunungan ng Kabbalah
“Ang karunungang ito ay walang higit at walang kulang kundi isang sunud-sunod na mga ugat na nakakabit pababa sa paraang sanhi at bunga, sumusunod sa tiyak at itinatakdang mga batas na nagkakaugnay papunta sa isang napakataas na layunin na inilarawan bilang “ang paghayag ng Kanyang pagka-Diyos sa Kanyang mga nilikha sa mundong ito.”"
- Baal HaSulam, Ang Esensya ng Karunungan ng Kabbalah
Slide # 12
Mga Mito Tungkol sa Kabbalah
- Mito #1: Ang Kabbalah ay mistisismo, mga anting-anting at pamahiin.
- Mito #2: Ang Kabbalah ay nakabatay sa paniniwala at hindi sa agham.
- Mito #3: Hindi lahat ay maaaring matuto ng Kabbalah. Kailangan mo ng kaalaman sa Torah, dapat ay hindi bababa sa 40 anyos o baka mabaliw ka.
- Mito #4: Ang Kabbalah ay isang saradong sekta.
- Mito #5: Ang Kabbalah ay New Age, at ito ay isang pansamantalang uso lamang.
Slide #13
Ilan sa mga paksang tatalakayin natin sa kurso
- Ang plano ng paglikha at ang layunin nito
- Ano ang kaluluwa, at paano ito nauugnay sa akin?
- Ang pinakamataas na puwersa: Meron ba? Wala? Paano at ano?
- Persepsyon ng realidad
- Kalayaan ng pagpili
- Kasaysayan ng sangkatauhan at karunungan ng Kabbalah
Slide #14
Introspeksyon / karagdagang pag-aaral ng sarili
Ating aaralin ang ating pagnanasa ayon sa mga sumusunod na tanong:
- Anong mga pagnanasa ang lumilitaw sa akin, at gaano kadalas?
- Ang aking mga pagnanasa ba ay kusang lumalabas?
Slide #15
Introspeksyon / karagdagang pag-aaral ng sarili
Obserbahan natin ang mga taong nasa paligid natin, paano nila ito pinapaandar ng kanilang mga pagnanasa?
Kaya ko bang matukoy ang kaibahan ng punto sa puso at ng ibang pagnanasa?
Transcript:
Q: Ano ang benepisyo ng pag-aaral ng Kabbalah nang sama-sama sa buong mundo?
Rav Michael Laitman: Sa pag-aaral ng sama-sama, natutuklasan natin ang aralin, ang wika, ang mga sanggunian, at sa ganitong paraan ay magkakaroon tayo ng pagkakataong malaman, maunawaan, maramdaman ang lalim ng karunungan.
Lalo na, masasabi ko, mahalaga ito sa Kabbalah, dahil ang karunungang ito... hindi mo ito maaaring isulat sa isang aklat sa paraang sapat basahin lamang para maintindihan. Ngunit dito ay dapat may espesyal na koneksyon sa pagitan ng mga mag-aaral, ng guro, at ng mga aklat.
Kaya, ang paksa mismo, ang karunungan mismo ay humihingi ng espesyal na pagtrato.
Q: Bakit mahalagang matuto mula sa orihinal sa Hebrew?
Rav Michael Laitman: Nakikita natin na hanggang Middle Ages, kabilang na si Newton, Leibnitz na hindi naman nag-aral ng karunungan ng Kabbalah, ngunit ang lahat ng mga intelektwal na ito ay natutong mag-Hebrew at gustong maintindihan ang wika.
Mahalaga sa kanila na maintindihan ang daloy ng karunungan, ang tamang paglapit, kaya't mahalaga na tayo ay matuto mula sa orihinal na mga sanggunian sa Hebrew, dahil dito natin pinapanatili ang kadalisayan ng wika, at ang orihinalidad ng kaalaman.
Q: Sino ang tunay na guro sa Kabbalah?
Rav Michael Laitman: Ang tunay na guro sa Kabbalah ay siyang tumanggap ng karunungang ito mula sa kanyang kwalipikadong guro at totoong nakakabit sa kanyang guro.
Ganito rin niya sinusubukang ipasa ang kanyang nalalaman sa kanyang mga estudyante.
Q: Bakit mahalaga ang mag-aral sa loob ng grupo?
Rav Michael Laitman: Gaya ng ating natututuhan mula sa iba't ibang sanggunian - "Samahan o kamatayan."
Na kapag nag-aaral akong mag-isa, hindi sa loob ng grupong sama-samang nagnanais marating ang iisang layunin, hindi ko magagampanan nang tama ang layunin ng pag-aaral.
Q: Aling mga sanggunian ng Kabbalah ang dapat nating pag-aralan?
Rav Michael Laitman: Ang mga tunay at orihinal na sanggunian ng karunungan ng Kabbalah ay - The Book of Zohar, ang ARI, Baal HaSulam, at ang Rabash. Sa ganitong paraan ay masisiguro nating, pagdating sa mga sanggunian, tayo ay nasa tamang kalagayan.
Personal na Paanyaya mula kay Dr. Michael Laitman
Rav Michael Laitman: Masaya ako na narating ninyo ang pintuan ng karunungan ng Kabbalah. Ipaliwanag nito sa inyo ang lahat ng lihim ng mundo, lahat ng batas.
At makakamtan ninyo ang sentro mismo, ang kailaliman ng kalikasan.
Ang natitira ay nakasalalay na lamang sa Itaas na Puwersa, na lahat tayo ay sama-samang humingi at manalangin - Nawa'y ipadama Niya sa inyo ang Kanyang Karunungan.
Good luck sa inyo