Aralin 9: Pag-aaral ng isang tekstong kabbalistic: “Walang Iba Maliban Sa Kanya”

Aralin 9: Pag-aaral ng isang tekstong kabbalistic: “Walang Iba Maliban Sa Kanya”

Sinasaliksik natin ang tunay na tekstong Kabbalistic ni Baal HaSulam, tinutuklas ang malalim na konsepto na ang lahat ay nagmumula sa Maylalang at kung paano pinamumunuan ng prinsipyong ito ang bawat aspeto ng realidad. Unawain ang mas malalim na kahulugan sa likod ng pagkakaisa sa Maylalang, at kung paano mababago ng pag-unawang ito ang ating pananaw sa buhay at espirituwal na paglago.

Nilalaman ng aralin
Mga Materyales
  • Isang karanasan sa pagbabasa ng tunay na tekstong Kabbalistic: ang artikulo na “There Is None Else Besides Him,” mula sa aklat na Shamati, na isinulat ni Rabbi Yehuda Leib Ha-Levi Ashlag (Baal HaSulam)
  • Ano ang mga prinsipyo ng “panloob na gawain” ayon sa tunay na Kabbalah?
  • Paano harapin ang mga hamon at komplikadong sitwasyon sa buhay, at paano bumubuo ang isang tao ng tamang ugnayan sa pagitan ng kanyang sarili at ng espirituwal na realidad ayon sa karunungan ng tunay na Kabbalah?

 

Mga pangunahing punto

  • Ang Lumikha ay hindi maiintindihan kung hindi Siya mararamdaman.
  • Atzmuto [Kanyang Esensya] – ito ang pangunahing pinagmulan at hindi maaabot
  • Nararamdaman natin ang Lumikha bilang isang mabuti at tunay na ugnayan sa pagitan natin, dahil ang "Lumikha" ay mula sa mga salitang "halika at tingnan".
  • Ang Lumikha - ay isang puwersa ng pagbibigay (bestowal), at ayon sa batas ng pagkakapantay ng anyo, upang maramdaman ko Siya - kailangan kong makuha ang Kanyang mga katangian.
  • Paano ko maipapahayag at masusuri ang aking kakayahan sa pagbibigay (bestowal)? Sa pamamagitan lamang ng lipunan
  • Anumang pagkakataon, ay hindi tayo dapat lumikha ng kahit anong larawan! Ito ang pinakamalaking pagkakamali. Sa paglikha ng panlabas na larawan, agad tayong bumababa sa antas ng "pagsamba sa diyus-diyusan".
     

There Is None Else Beside Him - Mga Hakbang ng Pagkilos

  • Iugnay ang lahat sa Kanya.
  • Mabuti at mapagbigay: tanging kabutihan lamang ang nagmumula sa Kanya - ang layuning "upang tumanggap" ang nagtatago ng Kanyang kabutihan mula sa akin.
  • Bersipikasyon: nasaan ako kaugnay sa sitwasyong nais dalhin sa akin ng Lumikha. Ang pag-iisip na wala nang iba kundi Siya, ay hinahatak ang tao mula sa hindi malay na kalagayan patungo sa may malay na kalagayan, at nagbibigay-daan sa kanya na suriin ang kanyang kalagayan kaugnay ng layunin ng paglikha, at bumuo ng isang kahilingan para sa pagtutuwid ng layunin.
     

Paunang Salita mula kay Rav Dr. Michael Laitman
Sa mga aklat at manuskrito na pinag-aaralan ng aking guro na si Rav Baruch Shalom Halevi Ashlag (ang Rabash), ang panganay na anak ni Baal Haslam, na nagpatuloy sa kanyang mga yapak, ay may isang espesyal na kuwaderno, na sinulatan sa sulat kamay ng aking guro: "Narinig ko".
Hindi niya kailanman iniwan ang kuwadernong ito, at saan man siya magpunta, palagi niya itong dala at paulit-ulit na tinitingnan.
Nang siya ay nasa banig ng kamatayan, hatinggabi na, iniabot niya sa akin ang kuwaderno at sinabi: "Kunín mo ang kuwaderno at pag-aralan mo ito." Kinaumagahan, habang ako ay nasa tabi ng kanyang higaan, hindi na siya kabilang sa atin. 

Ang kuwaderno ay naglalaman ng koleksyon ng mga sanaysay ni Baal Hasulam, na isinulat ng Rabash mula mismo sa bibig ng kanyang ama pagkasabi nito. Dahil sa kanilang pagiging kakaiba, pinanatili namin ang istilo ng pasalitang wika na ginamit sa mga artikulo—na siyang inangkin nang may pananabik ng Rabash at pinagbatayan ng pundasyon ng kanyang mga aral.


Shamati 1 - Wala Nang Iba Maliban sa Kanya

Nasusulat, “Wala nang iba maliban sa Kanya.” Ibig sabihin nito ay walang ibang puwersa sa mundo na may kakayahang gumawa ng anuman laban sa Kanya. At ang nakikita ng isa, na may mga bagay sa mundo na kumokontra sa nakatataas na sambahayan, ang dahilan ay ito ay ayon sa Kanyang kalooban. 

Itinuturing itong isang pagwawasto na tinatawag na “ang kaliwa ay itinataboy at ang kanan ay nagpapalapit,” ibig sabihin ay ang itinataboy ng kaliwa ay itinuturing na isang pagwawasto. Ibig sabihin nito, may mga bagay sa mundo na sa simula pa lamang ay naglalayong iligaw ang tao mula sa tamang landas, at dahil dito siya ay nalalayo sa Kedusha [kabanalan]. 

Ang pakinabang mula sa mga pagtanggi ay sa pamamagitan nito ay nakakamit ng isang tao ang ganap na pangangailangan at pagnanasa na tulungan siya ng Maylikha, sapagkat nakikita niyang kung walang ganun, siya ay mawawala; hindi lamang siya hindi sumusulong sa gawaing ito, kundi nakikita pa niya na siya ay mas lalo pang bumabagsak.

At siya, na palaging nakakaramdam na mas marami ang nasira kaysa sa buo, ibig sabihin ay mas marami ang mga pagbulusok kaysa pag-angat, at hindi niya makita ang katapusan ng mga estadong ito, at mananatili siyang palaging nasa labas ng kabanalan, sapagkat nakikita niyang mahirap para sa kanya na sumunod kahit sa kaliit-liitan, maliban na lang kung kanyang mapagtagumpayan kahit labas sa katuwiran. Ngunit hindi niya ito laging magawa, kaya ano ang mangyayari sa huli? 

Saka siya dumarating sa desisyon na walang sinuman ang makakatulong kundi ang Maylikha Mismo. Ito ang nagtutulak sa kanya upang taimtim na manalangin na buksan ng Maylikha ang kanyang mga mata at puso at tunay na lapitan siya ng walang hanggang Dvekut [pagdirikit] sa Maylikha.

Ang nagsasabing may iba pang puwersa sa mundo, katulad ng Klipot [mga balat], ang taong iyon ay nasa kalagayan ng “pagsamba sa ibang diyos.” Hindi kinakailangan na ang kaisipan ng kawalan ng pananampalataya ang pinakamabigat na paglabag, kundi kapag iniisip ng isang tao na may iba pang kapangyarihan at awtoridad bukod sa Maylikha, siya ay gumagawa ng kasalanan. 

Wala Nang Iba Maliban sa Kanya


Dapat maniwala na “wala nang iba maliban sa Kanya,” na ang Maylikha ang gumagawa ng lahat. Sa madaling salita, ayon sa sinabi ni Baal HaSulam, bago ang bawat gawain ay dapat sabihin ng tao na binigyan lamang siya ng pagpili, sapagkat “Kung hindi ako para sa akin, sino ang para sa akin?” […] Ngunit pagkatapos ng lahat, dapat sabihin ng isa na lahat ay pribadong Pamamahala, at na wala siyang nagagawa sa kanyang sarili. 
(Rabash - Bakit Tinatawag na “Gitnang Linya” ang Torah sa Gawa? - 2)

Kahit na nakikita nating may dalawang bahagi ang Torah—ang una, Mitzvot sa pagitan ng tao at ng Maylikha, at ang pangalawa, Mitzvot sa pagitan ng tao at ng kanyang kapwa—pareho lamang sila. Ang ibig sabihin nito ay ang pagsasagawa ng mga ito at ang layuning nais makamit mula rito ay iisa: Lishma. Wala itong pinagkaiba kung nagtatrabaho ang isa para sa kanyang kaibigan o para sa Maylikha, dahil nakatanim na sa nilalang mula pa sa pagsilang na anuman ang nagmumula sa iba ay tila walang laman at di-totoo. 
(Ang Pag-ibig sa Diyos at Pag-ibig sa Kapwa, Baal HaSulam)