Aralin 8: Tungkol sa katawan, kaluluwa at lahat ng nasa pagitan

Aralin 8: Tungkol sa katawan, kaluluwa at lahat ng nasa pagitan

Tinutuklasan natin ang konsepto ng kaluluwa, sinusuri kung bawat tao ay may natatanging ugat ng kaluluwa. Ibigay ang mga kahulugan ng "katawan" at "kaluluwa" at suriin ang kanilang ugnayan. Alamin ang tungkol sa sistema ng "Adam HaRishon", ang "pagkawasak ng Adam HaRishon," at ang paliwanag tungkol sa "kasalanan sa punong kahoy ng kaalaman." Tuklasin ang konsepto ng muling pagkakatawang-tao ayon sa tunay na Kabbalah.

Nilalaman ng aralin
Mga Materyales
  • Ayon sa tunay na Kabbalah, ano ang kaluluwa? Mayroon bang magkakaibang ugat ng kaluluwa ang bawat isa?
  • Depinisyon ng mga konsepto: “katawan,” “isip,” “kaluluwa”; May koneksyon ba ang katawan at kaluluwa?
  • Ano ang sistema ng “Adam HaRishon” ayon sa tunay na karunungan ng Kabbalah? Ano ang pinagmumulan ng mga kaluluwa? Ano ang konsepto ng “pagkawasak ni Adam HaRishon,” at ano ang kahulugan ng Kabbalistikong kwento sa Bibliya tungkol sa “kasalanan ng puno ng kaalaman”?
  • Ayon sa tunay na karunungan ng Kabbalah, mayroon bang bagay na tinatawag na reinkarnasyon?

“Sa simula, iisa lamang ang nilikhang kaluluwa, ang kaluluwa ni Adam HaRishon”
(Baal HaSulam, 600,000 Mga Kaluluwa)

“Ang tao ay may katawan at kaluluwa. Ang katawan ay tinatawag na Kli [sisidlan] ng kagustuhang tumanggap ng kasiyahan at kaalaman. Ang kaluluwa ay itinuturing na kapangyarihan ng pagbibigay na umiiral sa tao. At ang tao ay may katawan at kaluluwa.”
(Rabash 381. Naririnig ng Panginoon ang Mahihirap)

Walang mga bagong kaluluwa
“Sa ating mundo, walang mga bagong kaluluwa na gaya ng pag-renew ng mga katawan, kundi may tiyak lamang na dami ng mga kaluluwa na muling isinisilang sa gulong ng pagbabago ng anyo, dahil sa tuwing sila ay nagsusuot ng bagong katawan at bagong henerasyon.
Samakatuwid, kung ang kaluluwa ang pag-uusapan, ang lahat ng henerasyon mula sa simula ng paglikha hanggang sa katapusan ng pagwawasto ay parang isang henerasyon lamang na inextend ang buhay sa ilang libong taon hanggang sa ito ay maunlad at maitama ayon sa nararapat. At ang katotohanang sa pagitan ng panahong iyon, bawat isa ay ilang libong beses na nagpalit ng katawan ay walang kaugnayan sapagkat ang pinakapagkatao ng katawan, na tinatawag na “ang kaluluwa,” ay hindi nasaktan kahit kailan ng mga pagbabagong ito.”
(Baal HaSulam, The Peace)
 

Ang Layunin ng Kaluluwa
“Ang layunin ng kaluluwa kapag ito’y napailalim sa katawan ay upang mapagkalooban ng gantimpala na makabalik sa ugat nito at magkaroon ng Dvekut [pagdikit/pagkakaisa] sa Kanya.”
“Nakasulat sa Tree of Life, “Ang mga mundo ay nilikha upang ihayag lamang ang mga pangalan ng Maylikha.” Kaya, makikita mo na mula nang bumaba ang kaluluwa upang isuot ang maruming materyang ito, hindi na ito makadidikit sa ugat nito, sa sariling mundo nito, kagaya ng bago ito bumaba sa mundong ito. Bagkus, kailangan nitong palakihin ang antas nito ng 620 beses, gaya ng dati ito sa ugat. Ito ang ibig sabihin ng ganap na pagkapuno.”
(Baal HaSulam, Letter 17)
 

Ang kaluluwa ay nakakamit lamang sa pagiging katulad ng anyo
“Ang katawan ay isinilang na may likas na pagmamahal sa sarili, na kabaligtaran ng anyo mula sa Maylikha, na tinatamo natin bilang tanging nagbibigay. Kaya, ang isang tao ay dapat linisin ang kanyang katawan at maging katulad ng anyo upang siya rin ay maghangad na gumawa ng mga bagay na pawang pagbibigay lamang. Sa pamamagitan nito, makakamit niya ang mataas na antas na tinatawag na Neshama. Ito ang dahilan kaya palaging tayo ay nagsasalita sa mga termino ng katawan at Neshama [kaluluwa].”
(Rabash, Minsan ang Espiritwalidad ay Tinatawag na “isang Kaluluwa”)
 

Ang pagwawasto ng kaluluwa
“Kaya, bawat isa ay ipinanganak na may maliit lamang na bahagi ng kaluluwa ni Adam HaRishon. Kapag naitama niya ang kanyang bahagi, hindi na niya kailangang muling isilang.”
(Rabash “Ano ang Antas na Dapat Marating ng Isa upang Hindi na Kailanganing Muling Isilang?”)
 

Ang Paikot-ikot na Pagkakatawang-tao ng mga Kaluluwa
"Halina’t tingnan kung ano ang nakasulat, 'Kung hindi mo alam, O pinakamagandang babae': sinasagot ng Maylikha ang kaluluwa, kung ikaw ay dumating at hindi inalam ang karunungan bago ka nakarating dito, at hindi mo alam ang mga lihim ng mataas na mundo, umalis ka, hindi ka karapat-dapat pumasok dito nang walang kaalaman… Ibig sabihin, ikaw ay muling isisilang sa pangalawang pagkakataon sa mundo.”
(Aklat ng Zohar, Awit ng mga Awit, Bahagi 10, punto 456)
 

Ano ang dapat kong matutunan mula sa aking kasalukuyang pagkakatawang-tao?

“Kaya, dapat nating tanungin, Bakit nga ba inobliga ng mga Kabbalista ang bawat tao na pag-aralan ang karunungan ng Kabbalah? Tunay ngang may dakilang bagay dito, na dapat ipahayag: Mayroong kamangha-manghang lunas na walang kapantay para sa mga nag-aaral ng karunungan ng Kabbalah. Kahit hindi nila nauunawaan ang kanilang pinag-aaralan, sa pamamagitan ng matinding pananabik at hangarin na maunawaan ang kanilang pinag-aaralan, pinupukaw nila sa kanilang sarili ang mga ilaw na pumapalibot sa kanilang mga kaluluwa.
Ibig sabihin nito, ang bawat tao ay siguradong sa huli ay maaabot ang lahat ng mga kahanga-hangang tagumpay na pinagnilayan ng Maylikha sa iniisip Niyang paglikha upang bigyang-ligaya ang bawat nilalang. At ang hindi nabiyayaan ngayong buhay na ito ay bibigyang-biyaya sa susunod na buhay, at iba pa, hanggang sa marating ng isa ang pagkakumpleto ng Kanyang naisip, na Kanyang inihanda para sa kanya.”
(Baal HaSulam “Panimula sa Pag-aaral ng Sampung Sefirot”, p.155)