Aralin 12 - Mula sa Pagkawasak hanggang sa Pagwawasto
Isang aralin sa 2 bahagi. 1) mula sa pagkawasak tungo sa pagwawasto 2) Paghahanda para sa paparating na Kabbalah Convention
Buod ng Aralin 12: Isang Aralin na Hinati sa Dalawang Bahagi
1) Mula sa Pagkawasak tungo sa Pagwawasto
Sa bahaging ito ng aralin, tinalakay natin ang pundamental na konsepto ng espirituwal na pagwawasto sa Kabbalah. Sinuri natin kung paano ang unang pagkawasak ng mga sisidlan ay sumisimbolo sa pagkabiyak ng pagkakaisa at kung paano ang ating tungkulin ay ibalik ang pagkakaisang ito sa pamamagitan ng pag-aangkop ng ating mga layunin sa Maylalang. Ang pinaka-ugat ng pagwawasto ay nasa pagdaig sa pagkakahiwalay—sa Maylalang at sa isa’t isa—sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kapwa pagbibigay at pagmamahal. Binibigyang-diin sa aralin na ang tunay na pagwawasto ay hindi tungkol sa pag-aayos ng panlabas na mga problema kundi tungkol sa pagbabago ng ating panloob na pananaw at koneksyon.
2) Paghahanda para sa Nalalapit na Kabbalah Convention
Habang papalapit tayo sa International Kabbalah Convention sa Pebrero 20-21, napagtatanto natin na ang susi ng pagwawasto ay ang pagsasayos ng pagkakahiwalay sa pagitan ng mga tao. Ang paghihiwalay na ito ay tuwirang resulta ng ating makasariling kalikasan, at ang ating landas tungo sa espirituwal na paglago ay nagsisimula sa pagkakaisa. Tinutukan ng aralin ang mga praktikal na hakbang patungo sa pagkakaisa, na nauunawaan na sa pamamagitan ng pagkakaisa bilang isang puso at isang kaluluwa, iniaangkop natin ang ating sarili sa katangian ng Maylalang na pagbibigay. Maglilingkod ang convention bilang isang makapangyarihang kapaligiran upang magsanay at palakasin ang pagkakaisang ito, na magiging mahalagang hakbang sa ating kolektibong proseso ng pagwawasto.
Sa pamamagitan ng ating pagkatuto at paghahanda, layunin nating lumipat mula sa intelektwal na pagkaunawa tungo sa tunay na panloob na pagbabago, tinutupad ang layunin ng Kabbalah: ang iwasto ang pagkakahiwalay at ibalik ang orihinal na pagkakaisa sa pagitan natin at ng Maylalang.
Leksyon 12
BAHAGI 1: MULA SA PAGKAWASAK HANGGANG SA PAGWAWASTO
BAHAGI 2: KABBALAH NA KUMBENSYON
ANG TATLONG AKSIS NA MODELO



"Kailangan nating malaman na lahat ng mga kaluluwa ay nagmula sa kaluluwa ni Adam HaRishon, sapagkat matapos siyang magkasala sa kasalanan ng Puno ng Kaalaman, ang kanyang kaluluwa ay nahati sa 600,000 kaluluwa. Nangangahulugan ito na ang iisang liwanag na taglay ni Adam HaRishon, na tinawag ng Zohar na Zihara Ila’a [kataas-taasang liwanag], na taglay niya sa Hardin ng Eden nang sabay-sabay, ay kumalat sa napakaraming bahagi."
– RABASH, artikulo 10, 1984 "Ano ang Antas na Dapat Maabot ng Isang Tao Upang Hindi Na Kailangan Pang Muling Isilang?"
"...Nauunawaan natin na ang walang hanggang kaluluwa ng buhay na hiningahan ng Maylalang sa kanyang mga butas ng ilong, tanging para sa pangangailangan ni Adam HaRishon, ay lumisan dahil sa kasalanan ng Puno ng Kaalaman. Ito ay nagkaroon ng bagong anyo, na tinawag na 'Pawis ng Buhay,' nangangahulugang ang kabuuan ay nahati sa napakaraming bahagi, maliliit na patak, na pinaghati-hatian ni Adam HaRishon at ng kanyang mga lahi hanggang sa katapusan ng panahon.
Kaya, walang anumang pagbabago sa mga gawa ng Maylalang, kundi ang nadagdagang anyo dito. Ang pangkalahatang liwanag ng buhay, na naroroon sa ilong ni Adam HaRishon, ay lumawak sa isang mahabang kadena, umiikot sa gulong ng pagbabago ng anyo sa maraming mga katawan, katawan pagkatapos ng katawan, hanggang sa kinakailangang wakas ng pagwawasto."
– Baal HaSulam, Panimula sa Aklat na "Panim Meirot u-Masbirot", p. 22
"...Tunay ngang iisa lang ang kaluluwa sa mundo... Ang parehong kaluluwa ay buo sa bawat isa, gaya kay Adam HaRishon, dahil ang espiritwal ay hindi mahahati at hindi pwedeng gupitin—isang katangian ng mga pisikal na bagay. Sa halip, ang pagsasabing mayroong 600,000 kaluluwa at mga piraso ng kaluluwa ay lumilitaw na nahahati ito sa bisa ng katawan ng bawat tao."
– Baal HaSulam, "600,000 Souls"
"...ang kabuuan ay matatagpuan sa bawat bahagi, sapagkat sa huli, lahat ng kaluluwa ay magbubuklod sa iisang pagkakakilala, na babalik sa kanilang espiritwal na ugat." – Baal HaSulam, "600,000 Souls"
"Maraming gawa ang nagmumula sa bawat nilikhang bagay, at sa huli sila ay magbubuklod sa isa't isa hanggang literal na maging iisang gawa lamang. Ang pag-uugnay na ito ay nangyayari sa bawat nilikha at sa mga gawa nito. ...Kaya, matapos magbuklod ang lahat ng gawa ng mga nilikha sa isang gawa, [...], pagkatapos, lahat ng kaluluwa sa mundo ay kailangang magbukluran at magsanib sa iisang kaluluwa, tunay na isa, na lumilitaw mula sa lahat ng kaluluwa at tunay na nagiging isa, gaya sa simula ng paglikha, nang nagkaroon lamang ng isang tao [Adam] na nilikha."
– Baal HaSulam, "Mga Gawa at Paraan ng Tao"
"Ang lahat ng mga mundo, mataas at mababa at lahat ng nasa loob nito, ay nilikha lamang para sa tao. [...] Sa simula, sila ay pinagpigil at itinakda pababa antas-antas at mundo pagkatapos ng mundo, hanggang sa ating pisikal na mundo, upang dalhin ang kaluluwa sa katawan ng mundong ito, na ang kabuuan ay tumatanggap at hindi nagbibigay,b.... Sa kalagayang iyon, ang isa ay itinuturing na ganap na kabaligtaran Niya, at wala nang mas malay pa rito..."
Pagkatapos, sa pamamagitan ng kaluluwa na sumusuot sa loob ng isa, siya ay nakikibahagi sa Torah at Mitzvot. Unti-unti at marahan, mula sa ibaba pataas, nakakamtan niya ang parehong anyo ng pagbabahagi gaya ng kanyang Maylalang, sa pamamagitan ng lahat ng katangiang nagmula pababa, na pawang mga antas at sukat lamang ng anyo ng hangaring magbigay. [...] Sa huli, ang isa ay ginagawaran na maging ganap na nagbibigay at hindi tumatanggap ng anuman para sa sarili. Sa panahong iyon, ang isa ay lubusang nakadikit sa Kanya, sapagkat ang tao ay nilikha lamang para rito."
– Baal HaSulam. "Panimula sa Paunang Salita sa Karunungan ng Kabbalah", Item 9
"Ang isang nagnanais talagang malasahan ang magandang lasa ng buhay ay dapat bigyang pansin ang kanyang punto sa puso. Bawat tao ay may punto sa puso, maliban na lang hindi ito kumikislap. Sa halip, ito ay parang itim na tuldok. Ang punto sa puso ay pagkilala ng Nefesh [kaluluwa] ng Kedusha [kabanalan], na ang likas na katangian ay isang sisidlan ng pagbibigay. Gayunman, siya ay nasa kalagayan ng Shechina [Diyos] sa alabok, ibig sabihin itinuturing ng tao na wala itong halaga. Bagkus, para sa kanya, ito ay kasing halaga lang ng alabok."
– RABASH, Artikulo Blg. 34, TANTA [Taamim, Nekudot, Tagin, Otiot]
BAHAGI 2: KABBALAH NA KUMBENSYON
"Ang sinumang tunay na nagnanais maglingkod sa Maylalang ay dapat isama ang sarili sa lahat ng nilalang, ikabit ang sarili sa lahat ng kaluluwa, isali ang sarili sa kanila, at sila sa kanya. Ibig sabihin, dapat mong iwan para sa iyong sarili lamang ang kinakailangan para sa pagkakabit ng Shechina [Diyos]. Ito ay nangangailangan ng paglapit at maraming tao, sapagkat kung mas marami ang naglilingkod sa Maylalang, mas lalakas ang liwanag ng Shechina na nagpapakita sa kanila. Dahil dito, dapat isama ng tao ang sarili sa lahat ng tao at sa lahat ng nilalang, at itaas ang lahat sa kanilang ugat, sa pagwawasto ng Shechina."
– Degel Machaneh Ephraim, BeShalach
"Ang sigla ay higit na nakukuha sa pamamagitan ng pagkakaisa, sa pagsasama-sama ng lahat ng pagbabago sa pinagmulan ng pagkakaisa. Kaya, 'Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili' ang dakilang alituntunin ng Torah, upang isama ang pagkakaisa at kapayapaan. Ang sigla, ikabubuhay, at pagwawasto ng buong sangnilikha ay nakasalalay sa mga tao ng magkakaibang pananaw na nagsasama-sama sa pagmamahalan, pagkakaisa, at kapayapaan."
– Likutey Halachot, "Pagpapala sa Pagkakita at Pansariling Pagpapala," Blg. 4
"Kapag siya ay pumasok sa isang grupo kung saan ang lahat ay uhaw sa kapangyarihang magbigay, ang bawat isa ay tumatanggap ng lakas mula sa bawat isa. Ito ay tinuturing na pagtanggap ng lakas mula sa labas bukod pa sa maliit na kapangyarihang mayroon siya sa loob niya." – RABASH. Artikulo Blg. 13, 1985
"Ayon sa nakasulat, 'Sa karamihan ng tao ay ang kaluwalhatian ng Hari,' kung gayon mas marami ang dami ng pangkat, mas epektibo ang kapangyarihan ng pangkat. Sa ibang salita, sila ay lumilikha ng mas matibay na atmospera ng kadakilaan at halaga ng Maylalang. Sa panahong iyon, nararamdaman ng katawan ng bawat tao na itinuturing niyang anuman ang nais niyang gawin para sa kabanalan—ibig sabihin, para magbigay sa Maylalang—bilang isang dakilang biyaya, na siya ay nabiyayaan na mapabilang sa mga tao na ginantimpalaan na maglingkod sa Hari."
– RABASH, Artikulo Blg. 17 (1986), "Ang Agenda ng Pagpupulong – 2"