"Hevruta" - kasunod ng Aralin 13. Mula sa pagkawasak hanggang sa pagwawasto
"Hevruta" - kasunod ng Aralin 13. Mula sa pagkawasak hanggang sa pagwawasto
"Hevruta" - pagkatapos ng Leksyon 13. Mula sa pagkabasag hanggang sa pagwawasto
“…Tunay ngang iisa lamang ang kaluluwa sa mundo… Ang parehong kaluluwa ay umiiral nang buo sa bawat isa, kagaya kay Adam HaRishon, dahil ang espiritwal ay hindi nababahagi at hindi maaaring hatiin—isang katangian na para lamang sa materyal na mga bagay. Sa halip, ang pagsasabing mayroong 600,000 kaluluwa at mga apoy ng kaluluwa ay lumalabas na ito ay nahati dahil sa lakas ng katawan ng bawat tao.”
– Baal HaSulam, "600,000 Kaluluwa"
“Dapat nating malaman na lahat ng kaluluwa ay nagmula sa kaluluwa ni Adam HaRishon, sapagkat matapos niyang magkasala sa kasalanan ng Puno ng Kaalaman, ang kanyang kaluluwa ay nahati sa 600,000 kaluluwa. Ibig sabihin, ang iisang liwanag na taglay ni Adam HaRishon, na tinawag ng The Zohar na Zihara Ila’a [mataas na liwanag], na mayroon siya sa Hardin ng Eden nang sabay-sabay, ay lumaganap sa maraming piraso.”
– RABASH, artikulo 10, 1984 “Ano ang Antas na Dapat Makamit Nang Hindi Na Kailangan Pang Mag-reincarnate?”
“…ang kabuuan ay matatagpuan sa bawat elemento, dahil sa huli, ang lahat ng mga kaluluwa ay mag-uugnay bilang isang pagkakilala, at babalik sa kanilang ugat na espiritwal.”
– Baal HaSulam, "600,000 Kaluluwa"
Paliwanag mula kay Michael Laitman (o clip 1)
Ang Lumikha, na lumikha kay Adam HaRishon, ay kailangang bigyan si Adam HaRishon ng pagkakataon na makilala ang sarili niyang kalikasan. Kaya ano ang ginawa Niya? Ang mismong pagnanasa na Kanyang nilikha, sa anyo ng Ein Sof (Walang Hanggan), na isang pagnanasa na may iisang punong Liwanag, ay hinati upang bigyan ang pagnanasang iyon ng kakayahang magbigay at maabot ang pagkakatulad ng anyo. Hinati Niya ang iisang pagnanasa sa maraming-maraming parte. Ibig sabihin, mayroon tayong parehong pagnanasa, ngunit ngayon ay hinati sa maraming bahagi—sabihin nating pitong bilyon; hindi mahalaga kung ilan. Maaaring mas marami habang nagkakaisa sila o mas kaunti kapag nagkakahiwa-hiwalay sila; hindi mahalaga. Ang mga bahaging ito ay tinatawag na kaluluwa. Ang bawat bahagi ay kinikilala sa isang tao sa mundong ito. Ang mga kaluluwang ito ay makasariling pagnanasa, para sa sarili—mga sirang bahagi. Dati ay iisang pagnanasa lang ito na may iisang Liwanag, at pagkatapos ay naging libu-libong magkakahiwalay na bahagi, bawat isa ay may maliit na apoy ng Liwanag sa loob nito. Ito ang pagbaba, sa pamamagitan ng 125 na antas. Ngayon ay binibigyan tayo ng pagkakataon na umakyat muli pabalik sa parehong kalagayan tulad noon, kung saan muli ay mayroong Mundo ng Walang Hanggan, iisang pagnanasa at iisang Liwanag, at maabot ito sa sarili nating lakas, sa ating sarili. Para bang natatanggap natin mula sa Lumikha ang hilaw na materyal, alikabok ng lupa, at mula rito ay binubuo natin ang Lumikha sa loob natin. Kaya tinatawag tayong “Adam,” ibig sabihin ay katulad ng Lumikha. Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng pag-uugnay sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng ating koneksyon, nakakamit natin ang lahat, at taglay natin ang lahat ng kailangan upang magawa ito: ang kakulangan, ang Liwanag na nagwawasto—ang Palibot na Liwanag. Sa pagkonekta ng lahat ng bahagi, lahat ng kaluluwa, sa pamamagitan ng 125 na antas, tayo ay bumabalik sa pagiging perpekto, sa ating perpeksiyon.

Ano ang antas ni Adam HaRishon?
“Lahat ng mga mundo, mataas at mababa at lahat ng nasa loob nito, ay nilikha lamang para sa tao. […] Sa simula, sila ay nilimitahan at ibinaba antas sa antas at mundo sa mundo, hanggang sa ating materyal na mundo, upang dalhin ang kaluluwa sa katawan ng mundong ito, na tanging pagtanggap lamang at hindi pagbibigay,[…]. Sa kalagayang iyon, ang isa ay itinuturing na kabaligtaran Niya, at wala nang higit pang pagkakalayo pa dito…
Pagkaraan, sa pamamagitan ng kaluluwang nagdadamit sa loob ng tao, siya ay nagsasagawa ng Torah at Mitzvot. Unti-unti at dahan-dahan, mula ibaba pataas, nakakamit niya ang parehong anyo ng pagbibigay na tulad ng Kanyang Maylikha, sa pamamagitan ng lahat ng katangian na ibinaba mula itaas pababa, na mga antas at sukat ng anyo ng pagnanasa na magbigay. […] Sa huli, ang tao ay ginagantimpalaan ng pagiging ganap na magbibigay at wala nang tatanggapin pa para sa sarili. Sa panahong iyon, ang tao ay naperpekto ng totoo at ganap na Dvekut sa Kanya, sapagkat ang tao ay nilikha para lamang dito.”
– Baal HaSulam. "Panim Meirot uMasbirot", Item 9
Paliwanag mula kay Michael Laitman (o clip 2)
May pagkakaiba sa pagitan ng nilikha (sa 4 na yugto) at Adam HaRishon; sila ay dalawang ganap na magkaibang bagay. Dito, para sa nilikha, pinag-uusapan natin sa aspeto ng pagnanasa - ang pagnanasa na tumutugon sa Liwanag, isang hilaw na pagnanasa. O maaari rin sabihin sa ganitong paraan: dito ay pinag-uusapan natin ang tungkol sa pagnanasa na nagsisimula pa lang umunlad mula sa pag-iral mula sa kawalan, mula sa isang tuldok. Mula sa isang tuldok, ang pagnanasa ay umuunlad sa ilalim ng impluwensya ng Liwanag dito, at patuloy na umuunlad, umuunlad, umuunlad, hanggang sa maabot nito ang anyo ng Still (o mineral - pareho sa hebrew), pagkatapos ay vegetative, pagkatapos ay animate, at si Adam HaRishon ay ang “speaking” na antas. Ang unang “speaking” ay si Adam HaRishon. Gayundin, kapag nagsasalita tayo ng still, vegetative, at animate, hindi natin tinutukoy ang pisikal na mundong ito; ang tinutukoy natin ay ang anyo ng pagnanasa.

Ang ating papel bilang bahagi ng sistema ni Adam HaRishon
“Ang nagnanais na malasahan ang mabuting lasa ng buhay ay dapat bigyang pansin ang kanyang punto sa puso. Lahat ng tao ay may punto sa puso, maliban nga lang at hindi ito kumikislap. Sa halip, ito ay parang itim na tuldok. Ang punto sa puso ay pagkilala ng Nefesh [kaluluwa] ng Kedusha [kabanalan], na ang katangian ay isang sisidlan ng pagbibigay. Gayunman, siya ay nasa kalagayan ng Shechina [Diyosidad] sa alikabok, ibig sabihin ay itinuturing siya ng tao na wala namang halaga. Sa halip, para sa kanya, ito ay kasing halaga lang ng alikabok.”
– RABASH, Artikulo Blg. 34, TANTA [Taamim, Nekudot, Tagin, Otiot]
Paliwanag mula kay Michael Laitman (o clip 3)
Sabihin nating mayroon tayong makina, at sa makinang ito ay may libo-libong gear. Ito ay parang ating katawan—hindi na mahalaga, di ba? Mula rito ay maaari tayong magtamo ng ilang prinsipyo. Una sa lahat, bawat isa sa atin ay isa lamang maliit na bahagi, hindi buong makina. At tulad ng sa ating katawan, lahat ng sistema ay magkakaugnay at umaasa sa isa't isa. Kapag may hindi tama kahit sa isa lang sa mga sistema, nararamdaman ito ng lahat ng bahagi ng katawan; lahat ng sistema ay nararamdaman din ito. Walang maaaring isang galaw na hindi gumagalaw ang lahat ng bahagi. Sa totoo lang, habang natutuklasan pa natin ang kalikasan, mas nakikita natin na ganito talaga iyon. Mula rito, ang lahat ay may epekto—positibo man o negatibo.
Ibig sabihin, kung ang isang tao ay umaakto ayon sa kanyang malayang pagpili—ibig sabihin, kung meron dito na isang ordinaryong tao lang sa kalsada—para siyang isang gear na kahit saan paikutin, iyon ang takbo niya. Hindi mo masasabi tungkol sa kanya na iyon ay para sa kabutihan o sa kasamaan, o gumagawa siya ng isang bagay sa kanyang sarili. Ngunit kung meron dito na nakatanggap ng punto sa puso, at mayroon na siyang—gaya ng ipinakita natin—sa isang banda ang ego at sa kabilang banda ang punto sa puso, noon napakahalaga kung saan niya ngayon hinahatak ang sarili, ano ang kanyang pinipili. Ano ang kanyang pinili? Ibig ba niyang… dahil ang pagpili ay nagpap obligar sa kanya na makibahagi sa isang bagay. Binigyan siya ng kalayaang pumili. Saan mo gustong paikutin ang gear—kasama, kasabay, o laban dito? Para bang sabihin, kung wala akong gagawin—hindi mo kayang walang gawin. Binigyan ka ng pagpili. Sa lawak ng pagbibigay sa iyo ng pagpili, obligadong makibahagi ka sa pagpiling iyon, maging kasama ng makina. ...

Ibig sabihin, kailangan mong maunawaan, hanggang sa antas na iyon, kung paano gumagana ang makina. Kailangan mo nang makaugnay dito. Kailangan mong makibahagi dito. Kailangan mong itaas ang isang kakulangan: “Gusto kong makibahagi sa makina. Gusto ko na makasama rito. Gusto kong magtrabaho para sa kapakinabangan ng lahat. Tulungan mo ako, bigyan mo ako ng kakayahan—sa isipan, sa puso, sa lakas.” Ibig sabihin, ang pagpili ay napaka-obligado. Nagsisimula na silang magtanong sa'yo. Para kang maliit na bata na kahit anong gawin niya—walang nagtatanong sa kanya, lahat ay pinapatawad. At biglang ikaw ay tumanda—ay naku. Ngayon ako ay matanda na, ngayon ako ay responsable; lahat ay nagsisimulang mag-demand sa akin, pinu-push ako; kailangan kong alagaan ang lahat.
At habang tayo ay tumatanda, kailangan nating simulang paikutin. Ang wala namang punto sa puso ay umiikot lang, di ba? Umiikot lang siya. Kinokontrol siya ng kalikasan, ng Lumikha. Ako naman, dahan-dahan, sa pamamagitan ng pagpili ko, kailangan kong simulan na paikutin ang makinang ito mismo. Kailangan kong tanggapin—sabihin nating ito ang “ako”—ang lahat ng natitirang bahagi ng makina bukod sa akin, lahat ng natitirang bahagi ng makina bukod sa akin. Ito ang tinatawag na “ibang tao.” ‘Yan lang. Kailangan ko silang tanggapin bilang “iyong kapwa,” bilang mga bahagi ng aking sarili. At ako, tulad ng Lumikha patungo sa kanila, ay kailangan nang simulang paikutin sila. Siyempre, nakakatanggap ako ng lakas mula sa itaas, mula sa Lumikha. Ngunit ako ay, bilang Kanyang kinatawan, patungo sa iba. Napaka-obligado nito.
At bawat pagkakataon, habang tayo ay sumusulong, habang tayo ay tumatanda mula sa mundong ito patungo sa Mundo ng Walang Hanggan—oo—mula sa zero na pagpili ay patuloy akong umaangat hanggang matanggap ko mula sa Lumikha ang ganap na pagkontrol sa buong makina. Ito ang tinatawag na pagiging Malchut ng Ein Sof. Ito ang tinatawag na pagiging ganap na katulad Niya. Isipin mo na kailangan mong maabot ang buong realidad—kung paano ito umiikot, bakit, at bakit ang bawat isa ay ganoon siya. Kaya sinasabi natin na ang tao ay kailangang malaman ang tungkol sa lahat ng kaluluwa, tungkol sa lahat ng detalye—ano ang nangyari sa kanila noong nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, tungkol sa lahat, lampas sa lahat ng panahon. Kailangan mong malaman kung paano nakikitungo ang Lumikha sa kanila at kung paano sila tumutugon, lahat. Kailangan mong makamit ang lahat. Hindi ito simpleng bagay.
Kaya ang pagpili ay lumilitaw sa atin na ganito. Ang pagpili ay nangangahulugan na kailangan mong simulang magtrabaho sa lugar ng Lumikha. ‘Yan na—sa Kanyang lugar. Makakatanggap ka ng mga lakas. Lampas doon, lahat ay nasa iyo na: upang pamahalaan ang lahat ng ito sa sarili mong kakayahan.
Workshop
Ano ang iyong naiintindihan na papel natin bilang bahagi ng kaluluwa ni Adam HaRishon? Ano ang maaaring sabihin tungkol sa pagwawasto?
Mga Tanong & Sagot