"Hevruta" - kasunod ng Aralin 12. 4 Na Yugto ng Direktang Liwanag
"Hevruta" - kasunod ng Aralin 12. 4 na Yugto ng Direktang Liwanag
4 na yugto ng Tuwirang Liwanag
Suriin ang materyal ng aralin nang direkta (pinakamainam mula sa slide 6 (layunin ng pag-aaral) at mula sa Slide 8 (ang punto 5 ng Panimula sa karunungan ng Kabbalah).
Mga Tanong at Sagot
Karagdagang Mga Materyal
Paliwanag ng 4 na yugto ni Rav Dr. Michael Laitman
Lumabas ang liwanag mula sa Manlilikha, ang Ohr - kasiyahan. Ang pagdaloy ng liwanag mula sa Manlilikha ay tinatawag na zero yugto (0), o ang ugat (Shoresh).
Lumikha ang liwanag ng Kli, na may kakayahang maramdaman at sumipsip ng lahat ng kasiyahang nasa loob ng liwanag. Ipagpalagay natin na nais ng Manlilikha na bigyan ang nilikha ng 1 kg ng kasiyahan. Sa kasong iyon, dapat Niyang nilikha ang "hangaring tumanggap" ng kasiyahan na iyon (Kli) na may kapasidad na 1 kg, na kaya nitong masipsip ang buong kaligayahan.
Ang ganitong estado kung saan ang Kli ay ganap na napupuno ng liwanag ng Manlilikha ay tinatawag na yugto Alef (1). Ang yugtong ito ay may katangiang hangaring tumanggap ng kasiyahan. Ang liwanag na nagdadala ng kasiyahan ay tinatawag na “Ohr Hochma”. Ang Kli sa yugtong ito ay tumatanggap ng Ohr Hochma; kaya naman, ang yugto mismo ay tinatawag na “Hochma”.
Tinatanggap ng Kli ang liwanag ng Manlilikha, nakakaramdam ng sukdulang kasiyahan at nagtatamo ng katangiang "hangaring magbigay", magpasaya. Bilang resulta, sa halip na tumanggap, ang Kli ay nagnanais ngayon na magbigay, at tumitigil sa pagtanggap ng liwanag. Dahil may bagong hangaring taliwas sa orihinal ang lumitaw sa Kli, ito ay lumilipat sa bagong estado, na tinatawag na yugto Bet (2), ang "hangaring magbigay", o Bina.
Tumigil ang Kli sa pagtanggap ng liwanag. Patuloy na nakikisalamuha ang liwanag sa Kli at sinasabi nito rito, na sa pagtangging tumanggap ng liwanag, hindi nito natutupad ang Layunin ng paglikha, maging ang hangarin ng Manlilikha. Sinusuri ng Kli ang impormasyong ito at napagtatanto nitong hindi nga nito natutupad ang hangarin ng Manlilikha.
Higit pa rito, nararamdaman ng Kli na ang liwanag ay pangunahing lakas, at hindi ito mabubuhay kung wala ito. Kaya naman, ang Kli, na may hangarin pa ring magbigay, ay nagpasyang simulan ang pagtanggap ng mahalagang bahagi ng liwanag. Lumalabas na pumapayag ang Kli na tumanggap ng liwanag para sa dalawang dahilan: una, dahil nais nitong tuparin ang hangarin ng Manlilikha—ito ang pangunahing dahilan; at pangalawa, nararamdaman nitong hindi talaga ito mabubuhay kung wala ang liwanag.
Ang paglitaw ng isang bago, bagaman maliit na "hangaring tumanggap" ng liwanag sa Kli, ay lumilikha ng panibagong yugto na tinatawag na Behina Gimel (3), o Zeir Anpin.
Habang sabay na nagbibigay at tumatanggap ng kaunti sa yugto ng Gimel, napagtatanto ng Kli na ang hangarin ng Manlilikha ay punuin nang lubusan ang Kli ng liwanag upang ito ay magtamasa nang walang hanggan. Dahil nakatanggap na ang Kli ng kaunti ng liwanag ng Hochma na kailangan sa pag-iral nito, nagpasya na itong tanggapin ang natitirang liwanag. Ito ang nais ng Manlilikha, at muling tinatanggap ng Kli ang liwanag ng Manlilikha gaya ng ginawa nito sa yugto 1.
Ang panibagong yugto ay tinatawag na Behina Dalet (4). Naiiba ito sa yugto 1 dahil kusa nitong ipinahayag ang "hangaring tumanggap".
Ang unang yugto ay walang malay na napuno ng liwanag dahil sa hangarin ng Manlilikha. Wala itong sariling hangarin. Ang ikaapat na yugto ay tinatawag na “kaharian ng mga hangarin”, o Malchut. Ang kalagayang ito, Malchut, ay tinatawag na “ang mundo ng Walang Hanggan" (ang Olam Ein Sof)—walang hanggang, walang limitasyong hangaring tumanggap ng kasiyahan, mapuno ng liwanag.
Behinat Shoresh (0) ay ang hangarin ng Manlilikha na likhain ang sangnilikha at bigyan ito ng lubos na kasiyahan. Sa yugtong ito, gaya ng isang binhi o embryo, nakapaloob na ang lahat ng susunod na nilikha mula umpisa hanggang wakas, kasama ang saloobin ng Manlilikha sa hinaharap na nilikha.
Behinat Shoresh (0) ay ang Kaisipan ng buong nilikha. Ang lahat ng sumunod na proseso ay pawang katuparan lamang ng Kaisipang ito. Bawat sumunod na yugto ay lohikal na bunga ng naunang yugto. Ang pag-unlad ay bumababa mula sa itaas at bawat naunang yugto ay “mas mataas” kaysa sumunod, ibig sabihin, kasama ng naunang yugto ang lahat ng kasunod.
Sa pag-unlad na ito mula sa Manlilikha pababa sa ating mundo, bagong antas ang umuusbong; ang lahat ay nagbabago mula perpekto tungo sa di-perpekto. Nilikhang Manlilikha ang liwanag, ang kasiyahan, mula sa Kanyang Sarili, mula sa Kanyang Esensiya. Kaya nga't sinasabing ang liwanag ay nilikha “Yesh mi Yesh” (umiiral mula sa umiiral), ibig sabihin, ang liwanag ay palaging umiiral. Gayunpaman, sa paglitaw ng yugto 1 ng hangaring tumanggap ng kasiyahan, ang sisidlan, ang Kli, ay tinatawag na “Yesh mi Ayn” (umiiral mula sa wala), ibig sabihin, nilikha ito ng Manlilikha mula sa wala; dahil wala namang kahit katiting na “hangaring tumanggap” sa Manlilikha.
Ang unang tunay na hangarin ng nilikha ay lumitaw sa yugto dalawa. Sa yugtong ito, ang 'hangaring magbigay' ay lumitaw sa unang pagkakataon. Lumitaw ang hangaring ito dahil sa impluwensiya ng liwanag, na natanggap mula sa Manlilikha, at nakapaloob na sa Kaisipan ng Paglikha. Gayunpaman, ramdam ng Kli ito bilang sariling, natatanging hangarin. Gayundin sa ating mga hangarin: lahat ay nagmumula sa itaas, mula sa Manlilikha; ngunit akala natin ay atin ang mga ito.
Sa pagdama ng "hangaring magbigay" sa yugto dalawa, taliwas sa "hangaring tumanggap", tumigil ang Kli sa pagdama ng kasiyahan mula sa pagtanggap, tumigil sa pagdama sa liwanag bilang kasiyahan. Naalis ang liwanag at nanatili itong hungkag.
Sa yugto ng una, nilikha ang hangaring tumanggap ng kasiyahan. Ito ang natatanging hangaring wala sa Manlilikha. Ang hangaring ito ang nilikha. Pagkatapos ay pawang mga pagbabago na lamang ng yugtong hangaring ito ng buong Uniberso; ang hangaring tumanggap ng kasiyahan mula man sa pagtanggap o pagbibigay, o mula sa kumbinasyon ng dalawang hangaring ito. Maliban sa Manlilikha ay iisa lamang ang umiiral – ang hangaring tumanggap ng kasiyahan.
Laging nais tumanggap ng sisidlan (ang Kli). Ang materyal na kanyang binubuo ay hindi nagbabago. Maiintindihan lamang ito ng tao kapag natanto na niya ang kasamaan at naunawaan ang kanyang makasariling kalikasan. Lahat ng ito ay nakapaloob sa ating kalikasan; sa bawat selula ng ating katawan, wala nang iba kundi ang hangaring tumanggap ng kasiyahan.
Ang yugto dalawa, na ngayon ay hungkag, ay tumitigil naramdaman na ito ay umiiral; nilikha ito ng liwanag at sa kawalan nito, para itong namamatay. Kaya naman, nagnanais itong tumanggap man lang ng kaunting liwanag ng Manlilikha. Ang kasiyahan mula sa pagtanggap ng liwanag ay tinatawag na “Ohr Hochma”, samantalang ang kasiyahan mula sa pagbibigay ay tinatawag na “Ohr Hassadim”.
Ang yugto dalawa (Bina) ay nais magbigay, ngunit natuklasan nitong wala siyang maibigay, na ito ay “namamatay” kung wala ang Ohr Hochma. Ito ang dahilan kung bakit nagpasya itong tumanggap ng kaunti ng Ohr Hochma.
Ito ang bumubuo sa ikatlong yugto, Behina Gimel (3). Sa yugtong ito, dalawang magkaibang hangarin ang naroon sa sisidlan: ang "hangaring tumanggap" at ang "hangaring magbigay". Ngunit nangingibabaw ang "hangaring magbigay". Sa kabila ng wala itong maibigay is Manlilikha, nananatili rito ang "hangaring magbigay". Ang hangaring ito ay napupuno ng liwanag ng hassadim. Naroroon din dito ang kaunti ng liwanag ng Hochma, na siya namang pumupuno sa "hangaring tumanggap".
Ang ikaapat na yugto, Malchut, ay unti-unting nauusbong mula sa ikatlo. Lalong lumalakas ang "hangaring tumanggap", inaalis ang "hangaring magbigay", at pagkatapos ng ilang panahon, "hangaring tumanggap" na lamang ang natitira. Kaya, tinatawag itong yugto na “Malchut”, ibig sabihin, ang kaharian ng mga hangarin, ang hangaring sipsipin ang lahat, ang kabuuang kasiyahan (Ohr Hochma).
Ang yugtong ito ang katuparan ng nilikha, at dahil natatanggap nito ang lahat ng walang hanggan, walang katapusan, tinatawag itong “ang mundo ng Walang Hanggan”.
Ito ang apat na yugto ng Tuwirang Liwanag mula sa Manlilikha. Ang natitira pang bahagi ng paglikha, lahat ng mga mundo, mga anghel, Sefirot, mga kaluluwa – ang lahat ay bahagi lamang ng Malchut. Dahil nagnanais ang Malchut na maging katulad ng mga naunang yugto, ang buong nilikha ay repleksyon ng apat na yugtong ito.
Upang maunawaan ito, upang maipaliwanag kung paanong ang apat na yugto ay nasasalamin sa bawat isa sa mga mundo, kung paano ito nakaapekto sa ating mundo; kung paano natin, sa pamamagitan ng aktibong paggawa at tulong mula sa itaas, ay maaaring makaapekto sa kanila at makilahok sa pangkalahatang proseso ng Uniberso; ito ang layunin ng agham na tinatawag na Kabbalah. Ang ating layunin ay maunawaan ang lahat ng ito.
Ano ang pagkakaiba ng "hangaring tumanggap" at ng kaluluwa?
Ang "hangaring tumanggap" ay tinatawag na Behina Dalet. Ito ang puso ng lahat; ito ang nakakaramdam at nakakabot sa lahat ng antas. Karaniwan, ang “liwanag” ay tinatawag na "kaluluwa". Ang liwanag nang wala ang tumatanggap dito ay tinatawag na “liwanag”. Ang liwanag kasabay ang nakakaabot dito ay tinatawag na “kaluluwa”.
Halimbawa, limang tao ang nanonood ng eroplano gamit ang binoculars, at bawat isa ay may mas maganda-gandang binoculars kaysa iba. Ngayon, sabi ng una na ang laki ng eroplano ay 20 cm. Sabi ng pangalawa, ito’y 1 m. Lahat sila ay nagsasabi ng totoo sapagkat batay ito sa kanilang nakikita, ngunit hindi nito naaapektuhan ang eroplano kahit paano.
Ang dahilan ng pagkakaiba sa opinyon ay ang pagkakaiba ng kalidad ng lente ng binoculars. Ganoon din sa atin; walang pagbabago sa liwanag, ang lahat ng pagbabago ay sa mga umaabot dito, at anuman ang ating mahagilap ay tinatawag na “kaluluwa”. Sa ating halimbawa, ang binoculars ay katumbas ng pagkakapareho ng mga katangian, at sa ganitong diwa ay may pagkakaiba sa mga umaabot, lalo pa sa kanilang naaabot, ang kaluluwa.