"Hevruta" - kasunod ng Aralin 11. Kabbalah sa 10 Prinsipyo
"Hevruta" - kasunod ng Aralin 11. Kabbalah sa 10 Prinsipyo
Kabbalah sa 10 Prinsipyo
1. Ang tao ang sentro ng paglikha.
2. Ang bawat isa ay obligadong makamit ang ganap na antas ng pagwawasto ng kanyang kaluluwa – Gmar Tikkun (Pangwakas na Pagwawasto).
3. Ang pagwawasto ng kaluluwa ay nakakamit habang nabubuhay sa mundong ito, sa loob ng pisikal na katawan.
4. Ang pagwawasto ay nangangahulugan ng pag-abot ng pagkakapantay ng anyo – ng layunin – sa Maylalang.
5. Pinag-iisa ng karunungan ng Kabbalah ang mga prinsipyo ng “Kung hindi ako para sa aking sarili, sino ang para sa akin?” at “Wala nang iba maliban sa Kanya.”
6. Tayo ay pagnanais na tumanggap, at ang kanyang layunin ay likas na laging para sa kapakanan ng pagtanggap. Ang pagbabago ng layunin ay makakamit lamang sa tulong ng panlabas na puwersa, na tinatawag sa karunungan ng Kabbalah bilang Liwanag na Naguudyok ng Pagwawasto.
7. Ang proseso ng espiritwal na pag-unlad ay nakabalangkas na habang tayo ay sumusulong, lalo nating nahahayag ang ating kalikasan bilang masama – na nangangahulugang kung gaano tayo kasalungat sa Maylalang – at pagkatapos ay bumabaling tayo sa Maylalang upang humingi ng tulong para sa pagbabago.
8. Hindi natin hinihiling na magbago ang Maylalang; sa halip, hinihiling natin sa Maylalang na baguhin tayo.
9. Ang Kabalista ay nagmamalasakit sa buong sangkatauhan, anuman ang kasarian, edad, relihiyon, o lahi (isang unibersal na karunungan).
10. Walang mas natural pa kundi ang makaabot ng pakikipag-ugnay sa isang Lumikha.
Workshop
Aling 3 prinsipyo ang mas mahirap maunawaan o nagbubukas ng mga tanong?
1. Ang tao ang sentro ng paglikha.
"Ang tao ang sentro ng buong Paglikha"
- Baal HaSulam, “Panimula sa Aklat ng Zohar”, p. 18
"Lahat ng kilos ng paglikha, sa bawat sulok, pasukan, at labasan, ay ganap na inayos para sa layunin ng pagpapalaki ng lahi ng tao mula sa loob nito, upang mapabuti ang mga katangian nito hanggang maramdaman nito ang Maylalang gaya ng nararamdaman ng isa ang kaibigan. Ang mga pag-akyat na ito ay parang mga baitang sa hagdan, inayos antas-antas hanggang ito ay makumpleto at makamit ang layunin.”
- Baal HaSulam "Ang Pagtuturo ng Kabbalah at ang Kakanyahan Nito"
Sinabi ng mga pantas: “Ang sinumang nagmamataas—sabi ng Maylalang - Ako at siya ay hindi maaaring manahan sa iisang tirahan.” At ito ay dahil lumilikha siya ng dalawang kapangyarihan.
Samantalang kapag iniaatang niya ang sarili sa ugat – ibig sabihin, lahat ng layunin niya ay para magbigay, gaya ng Ugat – nangangahulugan ito na may iisang kapangyarihan dito, na tanging kapangyarihan ng Maylalang. At lahat ng tinatanggap niya sa mundo ay para lamang sa layuning magbigay sa Maylalang.
At ito ang paliwanag ng sinabi niya: “Ang buong mundo ay nilikha lamang para sa akin, at ako [ay naririto] upang paglingkuran ang aking Maylikha.” Kaya, kinakailangan kong tanggapin ang lahat ng antas na umiiral sa mundo, sa dahilan na kaya kong maibigay ang lahat sa Maylalang, na tinatawag na “paglingkuran ang aking Maylikha.”
(Baal HaSulam, “Shamati,” Artikulo 17)
Nalaman natin na wala tayong persepsyon ng kataas-taasang puwersa, upang tayo ay magkaroon ng malayang pagpili. Kaya, ibinigay sa atin ang buong realidad – ang kalagayang ito ng pagtatago – na tinatawag na mundo (Olam sa hebreo – na kapareho ng ugat ng pagtatago) – umiiral upang tayo ay magkaroon ng pagkakataon mamili, na tinatawag na Adam – mula sa salitang "edame le elyon" - "Ako ay magiging katulad ng Maylalang" – kaya buong mundo ay umiiral para magkaroon tayo ng pagkakataon na maging katulad ng Maylalang.
2. Ang bawat isa ay obligadong makamit ang ganap na antas ng pagwawasto ng kanyang kaluluwa – Gmar Tikkun (Pangwakas na Pagwawasto).
"Bawat tao ay obligado na abutin ang ugat ng kanyang kaluluwa."
- Baal HaSulam “Ang Umaakto na Kaisipan”
Ito ay nangangahulugan na bawat tao ... ay garantisadong sa huli ay makamit ang lahat ng kahanga-hangang mga tagumpay na inisip ng Maylalang sa paglikha upang bigyang-ligaya ang bawat nilalang. At ang hindi nabigyan ng gantimpala sa buhay na ito ay mapagkakalooban sa susunod na buhay, atbp., hanggang siya ay maging karapat-dapat matapos ang Kanyang iniisip, na Kanyang ipinlano para sa kanya, gaya ng nakasulat sa The Zohar.
- Baal HaSulam - "Panimula sa Pag-aaral ng Sampung Sefirot"
3. Ang pagwawasto ng kaluluwa ay nakakamit habang nabubuhay sa mundong ito, sa loob ng pisikal na katawan.
"Ang karunungang ito ay hindi hihigit at hindi kukulangin kundi isang sunud-sunod na mga ugat na bumababa sa pamamagitan ng sanhi at bunga, sumusunod sa tiyak at nakatakdang mga batas na nag-uunay sa iisang, napakataas na layunin na inilalarawan bilang “ang paghahayag ng Kanyang Pagka-Diyos sa Kanyang mga nilalang sa mundong ito."
- Baal HaSulam "Ang Kakanyahan ng Karunungan ng Kabbalah"
Kailangang matuklasan natin ang estadong ito – na magagawa lamang natin kapag may malayang pagpili tayo (sa mundong ito).
4. Ang pagwawasto ay nangangahulugan ng pag-abot ng pagkakapantay ng anyo – ng layunin – sa Maylalang
"Ang espiritwal na pagdidikit ay maaaring ilarawan lamang bilang pagkakapareho ng anyo. Kaya, sa pagwawangis ng ating anyo sa anyo ng Kanyang mga katangian, tayo ay nadidikit sa Kanya.
Ito ang dahilan kung bakit sinabi nila, “gaya ng Siya ay maawain.” Sa ibang salita, lahat ng Kanyang mga gawa ay para magbigay at magpakinabang sa iba, at hindi para sa Kanyang sariling kapakanan, dahil wala Siyang kakulangan na kailangan punan. At gayon din, wala Siyang mapagkukunan upang tumanggap. Gayundin, lahat ng iyong mga gawa ay para magbigay at magpakinabang sa iba. Kaya, ipapantay mo ang iyong anyo sa anyo ng mga katangian ng Maylalang, at ito ang espiritwal na pagdidikit.”
- Baal HaSulam "Isang Talumpati para sa Pagkumpleto ng The Zohar"
"Kaya, kailangan nating itanong, bakit inobliga ng mga Kabbalist ang bawat tao na mag-aral ng karunungan ng Kabbalah? Tunay, may dakilang bagay dito, na dapat ipaalam sa lahat: May isang kahanga-hanga, napakahalagang lunas para sa mga nag-aaral ng karunungan ng Kabbalah. Kahit na hindi nila nauunawaan ang kanilang pinag-aaralan, sa pamamagitan ng matinding hangarin at pagkauhaw na maunawaan ang kanilang pinag-aaralan, ipinapadama sa kanila ang mga liwanag na pumapalibot sa kanilang mga kaluluwa.
Ibig sabihin nito, bawat tao ay garantisadong sa huli ay makamit ang lahat ng kahanga-hangang mga tagumpay na inisip ng Maylalang sa paglikha upang bigyang-ligaya ang bawat nilalang.”
At ang hindi nabigyan ng gantimpala sa buhay na ito ay mapagkakalooban sa susunod na buhay, atbp., hanggang siya ay maging karapat-dapat matapos ang Kanyang iniisip, na Kanyang ipinlano para sa kanya, gaya ng nakasulat sa The Zohar."
- Baal HaSulam "Panimula sa Pag-aaral ng Sampung Sefirot”
5. Pinag-iisa ng karunungan ng Kabbalah ang mga prinsipyo ng “Kung hindi ako para sa aking sarili, sino ang para sa akin?” at “Wala nang iba maliban sa Kanya.”
“Kung hindi ako para sa akin, sino ang para sa akin, at kung ako ay para sa aking sarili, ano ako?” Isa itong likas na kontradiksyon. Ang bagay ay dapat gawin ng tao ang lahat ng kanyang gawain sa paraan ng “Kung hindi ako para sa aking sarili, sino ang para sa akin,” na walang makakatulong sa kanya, kundi “sa iyong bibig, at sa iyong puso upang gawin ito,” ibig sabihin, isang pagkilala ng gantimpala at parusa. Ngunit sa sarili, sa pribadong paraan, dapat malaman na "kung ako ay para sa aking sarili, ano ako?" Ibig sabihin nito, lahat ay nasa pribadong Pamamatnubay at walang makakagawa ng anuman.
Kung sasabihin mong kung ang lahat ay nasa pribadong Pamamatnubay, bakit may isyu pa ng paggawa sa anyong “Kung hindi ako para sa aking sarili, sino ang para sa akin?” Subalit, sa pamamagitan ng paggawa sa anyong “Kung hindi ako para sa aking sarili, sino ang para sa akin,” nabibigyan ng gantimpala ang pribadong Pamamatnubay, ibig sabihin ay nakamit ito. Kaya, lahat ay sumusunod sa landas ng pagwawasto, at ang pamamahagi ng dagdag na pagkalinga, na tinatawag na “mga anak ng Maylalang,” ay hindi nahahayag maliban kung nauuna ang paggawa sa anyong "Kung hindi ako para sa aking sarili, sino ang para sa akin."
Baal HaSulam - Shamati #217 - Kung Hindi Ako para sa Aking Sarili, Sino ang para sa Akin?
Nakasulat, “Wala nang iba maliban sa Kanya.” Ibig sabihin, wala nang ibang puwersa sa mundo na may kakayahan na gumawa ng anuman laban sa Kanya. At ang nakikita ng isang tao, na may mga bagay sa mundo na tila tumatanggi sa kataas-taasang pamahay, ang dahilan ay ito ay Kanyang kalooban.
Ito ay tinutukoy na pagwawasto na tinatawag na “ang kaliwa ay nagtataboy at ang kanan ay nagpapalapit,” na ibig sabihin ay ang pagtataboy ng kaliwa ay isang pagwawasto. Ibig sabihin nito, may mga bagay sa mundo na, sa simula pa lang, ay tumutulong upang ilihis ang tao sa tamang landas, at sa pamamagitan nito siya ay tinataboy mula sa Kedusha [kabanalan].
…
Pagkatapos ay darating siya sa pagpapasya na walang makakatulong kundi ang Maylalang Mismo.
Baal HaSulam - Shamati #1 - Wala nang Iba Maliban sa Kanya
6. Ang pagbabago ng layunin ay makakamit lamang sa tulong ng panlabas na puwersa, na tinatawag sa karunungan ng Kabbalah bilang Liwanag na Naguudyok ng Pagwawasto.
May isang kahanga-hanga, napakahalagang lunas para sa mga nag-aaral ng karunungan ng Kabbalah. Kahit na hindi nila nauunawaan ang kanilang pinag-aaralan, sa pamamagitan ng matinding hangarin at pagkauhaw na maunawaan ang kanilang pinag-aaralan, ipinapadama sa kanila ang mga liwanag na pumapalibot sa kanilang mga kaluluwa.
Baal HaSulam – Panimula sa Pag-aaral ng Sampung Sefirot
7. Habang tayo ay sumusulong, lalo nating nahahayag ang ating likas na masama – na ibig sabihin ay kung gaano tayo kasalungat sa Maylalang – at saka tayo bumabaling sa Maylalang upang humiling ng tulong sa pagbabago.
“Ang simula ng kanyang gawain ay ang pagkilala sa kasamaan, ibig sabihin ay ang tao ay humihiling sa Maylalang na madama kung gaano kasama ang kagustuhang tumanggap. Ang pagka-unawang ang kagustuhang tumanggap ay tinatawag na “masama,” ito lamang ay pwedeng ipadama ng Maylalang. Ito ay itinuturing na sa pamamagitan ng Torah, maaaring makamit ng tao ang pagkilala sa kasamaan, ibig sabihin ay maunawaan kung gaano kasama ang kanyang kagustuhang tumanggap, at pagkatapos ay maaari siyang humiling na palitan ang kagustuhang tumanggap at bigyan siya ng pagnanais na magbigay imbes.”
- Rabash “Ano ang Kabanalan at Kadalisayan, sa Gawain?”
8. Hindi natin hinihiling na magbago ang Maylalang; sa halip, hinihiling natin sa Maylalang na baguhin tayo
Ang lahat ng mga mundo ay itinuturing na simpleng pagkakaisa, at walang pagbabago sa Pagka-Diyos, gaya ng “Ako ang Panginoon ay hindi nagbago.”
Baal HaSulam - Shamati 2
9. Ang mga Kabbalist ay nagmamalasakit sa buong sangkatauhan, anuman ang kasarian, edad, relihiyon, o lahi (isang unibersal na karunungan).
"Ang relihiyosong anyo ng lahat ng bansa ay dapat muna mag-obliga sa kanilang mga miyembro na magbigay sa isa't isa hanggang sa (ang buhay ng kaibigan ay mauna kaysa sarili), gaya ng “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” Hindi dapat magtamasa ang isa ng higit sa lipunan kaysa sa isang naghihirap na kaibigan.
Ito ang magiging kolektibong relihiyon ng lahat ng bansa na papaloob sa balangkas ng komunismo. Ngunit bukod dito, bawat bansa ay maaaring sumunod sa sarili nitong relihiyon at kaugalian, at wala dapat makialam sa iba."
- Baal HaSulam, Mga Sulatin ng Huling Henerasyon
Ang layunin ng paglikha ay sumasaklaw sa buong sangkatauhan, walang ni isa mang nalalabi.
- Baal HaSulam "Ang Pag-ibig sa Diyos at Pag-ibig sa Tao"
10. Walang mas natural pa kundi ang makaabot ng pakikipag-ugnay sa sariling Maylalang.
“Walang mas natural pa kundi ang makaabot ng pakikipag-ugnay sa sariling Maylalang, sapagkat Siya ang Panginoon ng kalikasan. Sa totoo lang, bawat nilalang ay may ugnay sa kanyang Maylalang, gaya ng nakasulat, ‘Ang buong lupa ay puno ng Kanyang kaluwalhatian,’ ngunit hindi ito alam o nadarama ng isang tao. At ang sino mang karapat-dapat na kumonekta sa Kanya ay hindi binibigyan ng anuman maliban sa kaalaman lamang—gaya ng isang tao na may kayamanan sa kanyang bulsa pero hindi niya alam, at may magpapaalam sa kanya kung anong meron siya sa kanyang bulsa; sa totoo lang, ngayon lamang siya itinuturing na naging mayaman.”
-- Baal HaSulam - “Mga Sulatin ng Huling Henerasyon,” Ikalawang Bahagi