"Hevruta" - kasunod ng Ika-10 Aralin. Katawan at Kaluluwa

"Hevruta" - kasunod ng Ika-10 Aralin. Katawan at Kaluluwa

"Hevruta" - kasunod ng Ika-10 Aralin. Katawan at Kaluluwa

Nilalaman ng aralin
Mga Materyales

Kaluluwa (Neshama):

Ang Liwanag na nababalutan sa sisidlan ng Bina sa loob ng Partzuf ay tinatawag na Neshama.

Ito ay dahil ang sampung Sefirot ng mga Liwanag ay tinatawag na NaRaN'HaY (Nefesh, Ruach, Neshama, Haya, Yechida), at ang sampung Sefirot ng mga sisidlan ay tinatawag na Ka'HaB ZON (Keter, Hochma, Bina, Zeir Anpin, Nukva).


 

Ang depinisyong ito mula kay Baal HaSulam na ipinaliwanag sa wika ng Sefirot gaya ng mayroon tayo sa aklat na Tree of Life ng Ari ay magandang paalala na kapag ang Kabbalist ay nagsalita tungkol sa "Kaluluwa" o Neshama, mayroon silang napakatumpak na depinisyon — at madalas ang depinisyong ito ay malayo sa karaniwang kaalaman.

 

Dito mababasa natin sa depinisyon:

Ang Liwanag na nababalutan sa sisidlan ng Bina sa loob ng Partzuf ay tinatawag na Neshama

Ibig sabihin, kapag pinag-uusapan natin ang tungkol sa Kaluluwa, ang totoo ay tinutukoy lang natin ang antas ng mga liwanag na tinatanggap sa mga espiritwal na sisidlan, ibig sabihin, sa naiwastong mga pagnanasa.

Ito mismo ay nagpapalinaw sa marami — dahil ngayon makikita natin na bumabalik tayo sa bagay na pamilyar: Liwanag at Kli, ang pagnanasa at kung ano ang tinatanggap ng pagnanasa. 

Kaya mayroong isang partikular na naiwastong pagnanasa — na tinatawag na Bina — at ang natatanggap sa kli na ito, sa naiwastong pagnanasa, ay nararamdaman sa paraan na tinatawag na Neshama — ang kaluluwa. 

At ang iba pang antas, Nefesh, Ruach, Neshama, 'Haya, Yechida, ay iba’t ibang antas ng liwanag bilang pag-andar ng naiwastong pagnanasang tumanggap.


 

Anim na Daang Libong Kaluluwa

Sinabi na mayroong anim na daang libong kaluluwa, at ang bawat kaluluwa ay nahahati pa sa maraming mga sirk. Dapat maunawaan kung paano posibleng mahati ang espiritwal, yamang sa simula ay iisa lamang ang nilikhang kaluluwa — ang kaluluwa ni Adam HaRishon.

Sa katotohanan, wala nang iba pang kaluluwa sa mundo, at ang mismong kaluluwa ring iyon ay matatagpuan sa bawat isa nang ganap, gaya kay Adam HaRishon. Dahil ang espiritwal ay hindi dumarating sa pira-piraso o hati-hati; ang mga ito ay nauukol lamang sa mga depinisyon ng pisikal. Bagkus, ang sinabi tungkol sa pagkakaroon ng anim na daang libong kaluluwa at mga sirk ng kaluluwa ay lumilitaw na nahati dahil sa lakas ng bawat katawan. Ibig sabihin, sa simula ay hinihiwalay at nilalayuan ng katawan ang pagningning ng kaluluwa mula sa kanya, at kapag nagpakabanal ang katawan, ayon sa antas ng kanyang paglinis, sa parehong antas ay sumisikat ang pangkalahatang kaluluwa sa kanya.

Kaya, sa ikawawasto ng lahat ng kaluluwa, matatanggap nila ang lahat ng aspeto ng mataas na kaluluwa ng Atzilut, para sa bawat isang kaluluwa, sapagkat ang espiritwal ay hindi nahahati. Pagkatapos, ayon sa nasusulat “At ang Panginoon ay magiging Hari sa buong lupa.”

Katunayan, sa bawat partikular, naroon ang buo, dahil sa huli lahat ng kaluluwa ay mag-uugnay sa isang antas, sa kanilang espiritwal na ugat.

Baal HaSulam - Artikulo "Six Hundred Thousand Souls"


 

Kaya ang 600 000 ay isang estado ng kasakdalan kung saan ang buong liwanag (dahil ang kaluluwa ay isang liwanag na natanggap, hindi isang bagay na umiiral kung hindi natatanggap) — lahat tayo ay may potensyal na matanggap ang buong liwanag na ito ngunit nakasalalay ito sa "paglilinis ng katawan” ibig sabihin ang pagkakawasto ng pagnanasang tumanggap.

Ngayon, tingnan natin paano natin maaaring marating ang kumpletong antas na ito.

 


 

Hanggang Anong Antas Dapat Marating ng Tao Upang Hindi Na Magbalik-loob

1984 – Artikulo 10 - RABASH

Tanong:
Hanggang anong antas dapat marating ng tao upang hindi na siya kailangang magbalik-loob muli?

Sa Sha’ar HaGilgulim [Kabanata ng Reinkarnasyon - isinulat ng ARI] ay nakasulat doon: “Kailangan magbalik-loob ang isa hanggang makumpleto ang lahat ng NaRaN'HaY.
Ipinapahiwatig nito na kailangang itama ng bawat isa ang sarili niyang bahagi at ugat ng kanyang kaluluwa, at wala nang iba. Sa ganito, natatapos niya ang kailangang itama.

Ang usapin ay ganito: kailangang malaman na lahat ng kaluluwa ay nagmula sa kaluluwa ni Adam HaRishon. Sapagkat matapos siyang magkasala sa kasalanan ng Puno ng Kaalaman, ang kanyang kaluluwa ay nahati sa anim na daang libong kaluluwa. Ibig sabihin, ang taglay ni Adam HaRishon bilang nag-iisa — na tinatawag sa wika ng The Zohar "Zihara Ila’a" (Mataas na Ningning) — na taglay niya nang sabay-sabay sa Hardin ng Eden [Atsilut] ay lumawak sa maraming bahagi.

Mauunawaan ito sa pamamagitan ng isang talinghaga: isang hari ang nagnanais na magpadala ng malaking halaga ng gintong dinar sa kanyang anak sa isang malayong bayan. Gayunpaman, lahat ng tao sa kanyang bansa ay magnanakaw at manlilinlang, at wala siyang matapat na tagapagdala. Ano ang ginawa niya? Binali-bali niya ang mga dinar sa maliliit na barya at ipinadala sa maraming tagapagdala, upang ang pakinabang sa pagnanakaw ay hindi sulit upang dungisan ang dangal ng kaharian.

Dahil dito, bawat taong isinisilang ay may dalang maliit na bahagi lang ng kaluluwa ni Adam HaRishon. Kapag naiwasto na niya ang kanyang bahagi, hindi na niya kailangang magbalik-loob. Kaya, ang tao ay maaari lamang iwasto ang sa kanyang bahagi. Tungkol dito ay nakasulat sa aklat na Etz Chaim ng Ari na "Walang magkatulad na araw, walang magkatulad na sandali, at walang magkatulad na tao; Sahalip, bawat isa ay kailangang iwasto ang nauukol sa kanyang bahagi.”

Gayunpaman, kailangang malaman na bawat taong ipinanganak ay may gawain sa pagpili, sapagkat walang ipinanganak na matuwid. Gaya ng sabi ng ating mga pantas: “Ang anghel na nakatalaga sa paglikha ay kumukuha ng patak at inilalagay sa harap ng Maylikha at nagtatanong: Ano ang mangyayari sa patak na ito — malakas o mahina, matalino o mangmang, mayaman o mahirap; ngunit masama o matuwid hindi niya sinasabi.”

Ipinapahiwatig nito na walang taong ipinanganak na matuwid, dahil “masama o matuwid hindi niya sinasabi.” Sa halip, ito ay ibinigay sa pagpili ng tao. Bawat isa, ayon sa kanyang pagsisikap sa Torah [Liwanag] at Mitzvot [pagwawasto ng mga pagnanasa], ay nagpapagaling ng kanyang puso at itinatama ang pagkakakilanlan na nakatalaga sa kanya mula sa ugat ng kanyang kaluluwa, at doon siya natatapos.

Ang Unang Antas na Taglay ng Taong Ipinanganak

Ang ganap na kaluluwa ay yaong mayroong NaRaN (Nefesh Ruach Neshama) mula sa BYA at NaRaN mula sa Atzilut. Ang kasakdalang ito ay taglay ni Adam HaRishon bago ang kasalanan. Matapos ang kasalanan bumaba siya mula sa antas na ito, at ang kanyang kaluluwa ay nahati sa anim na daang libong kaluluwa, gaya ng nabanggit.

Kaya ang espiritualidad ng tao ay tinatawag na “kaluluwa” (Neshama), kahit na may taglay lamang na Nefesh de-Nefesh. 

Gayunpaman, bagaman ang bawat tao ay ipinanganak sa pinaka-mababang antas, sabay nito ay sinabi (Sha’ar HaGilgulim): “Sapagkat ang bawat tao ay maaaring maging katulad ni Moses kung nais niyang iwasto ang kanyang mga gawa, dahil maaari niyang kunin para sa sarili ang isa pang mataas na Ruach mula sa taas ng Yetzira, at pati Neshama mula sa taas ng Beria.”

Mula rito, kapag sinabing, “Walang henerasyon na wala ang katulad nina Abraham, Isaac, at Jacob,” ang ibig sabihin ay hindi sila ipinanganak na ganoon at walang pagpili. Sahalip, ang mga taong ito ay nagsisikap lumakad sa daan ng katotohanan at ibinibigay ang pagsisikap na dapat nilang ibigay. Palaging tumatanggap ng tulong mula sa itaas ang mga taong ganoon, natatanggap ang lakas upang tumaas sa mas mataas na antas.

Dahil dito, ang lahat ng ibinibigay mula sa itaas ay sa pamamagitan ng pagtulong, ngunit hindi nang walang anumang gawain at pagpili.


 

Pagsasanay

Inilalarawan ng artikulo kung paano natin mararating ang pinakamataas na antas ng kaluluwa, ngunit sinasabing ito'y nakasalalay sa mga gawa at pagpili. Ano sa tingin ninyo ang gawaing ito at pagpili?


 

Mga Tanong at Sagot