"Hevruta" - kasunod ng Aralin 9. Wala Nang Iba Bukod sa Kanya
"Hevruta" - matapos ang Leksyon 9.
"Wala Nang Iba Bukod sa Kanya"
Ang artikulong "Wala Nang Iba Bukod sa Kanya" ay isang natatanging artikulo. Sa isang paraan, nilalaman nito ang buong karunungan ng Kabbalah ngunit mula sa pananaw ng panloob na gawain.
Ang karunungang ito ay hindi hihigit o hindi bababa kaysa isang magkakasunod na mga ugat na bumababa sa pamamagitan ng sanhi at bunga,
alinsunod sa mga nakatakda at tiyak na mga batas na nag-uugnay-ugnay patungo sa iisang mataas na layunin na inilalarawan bilang
“ang paghahayag ng Kanyang Pagka-Diyos sa Kanyang mga nilikha sa mundong ito.”
Baal HaSulam
Ibig sabihin, ang paghahayag o pag-abot na ito ay nagdadala sa atin sa pagdiskubre na ang buong realidad ay iisang puwersa lamang - na “Wala nang iba bukod sa Kanya" ibig sabihin walang ibang puwersa sa mundo na may kakayahang gumawa ng anuman laban sa puwersa ng pagbibigay na ito.
Sa ngayon, hindi pa natin nakikita ang realidad na ito ngunit kaya nga ito tinatawag na espiritwal na gawain - dahil binibigyan tayo ng puwang para sa sariling pag-unlad.
Panloob na Gawain
Itong panloob na gawain na ito ang mismong inilalarawan nang detalyado sa mga artikulo ng Shamati, kung saan ipinapaliwanag ni Baal HaSulam ang maraming mga kalagayan na pinagdadaanan natin habang tayo ay sumusulong mula sa ibaba paitaas.
Basahin natin ang artikulo at tingnan kung paano natin ito mauunawaan. Hindi natin babasahin ang lahat kundi malaking bahagi ng mga artikulo - at titigil tayo sa ilang bahagi upang tiyaking tama ang ating pagkaunawa sa ilang konsepto na ginagamit ni Baal HaSulam.
Wala Nang Iba Bukod sa Kanya
Nasusulat, “Wala nang iba bukod sa Kanya.” Ibig sabihin, walang ibang puwersa sa mundo na may kakayahang gumawa ng anuman laban sa Kanya. At ang nakikita natin, na may mga bagay sa mundo na tila kumakalaban sa itaas na sambahayan, ang dahilan ay ito ang Kanyang kalooban.
Ito ay tinutukoy na isang pagsasaayos na tinatawag na “ang kaliwa ay tumutulak palayo at ang kanan ay lumalapit,” ibig sabihin, ang pagtulak ng kaliwa ay tinuturing na isang pagsasaayos. Ibig nitong sabihin na may mga bagay sa mundo na, mula pa sa simula, ay naglalayong ilihis ang tao mula sa tamang daan, at dahil dito siya ay itinataboy mula sa Kedusha [kababanalan].
Ang pakinabang mula sa mga pagtanggi na ito ay sa pamamagitan nila, ang tao ay nagkakaroon ng ganap na pangangailangan at pagnanais para sa Taga-Likha upang siya ay tulungan, dahil nakikita niya na kung hindi siya tutulungan, siya ay mawawala; hindi lamang dahil hindi siya sumusulong sa gawaing espiritwal, nakikita pa niyang siya ay bumabalik. Ibig sabihin, wala siyang lakas upang tuparan ang Torah [mula sa salitang Orh - Liwanag] at Mitzvot [mga pagsasaayos ng puso] kahit Lo Lishma (kahit maka-sarili pa ito), sapagkat sa pamamagitan lamang ng tunay na pagkapanaig sa lahat ng hadlang, lampas sa sariling katuwiran, niya magagampanan ang Torah (Liwanag) at Mitzvot (mga pagsasaayos). Ngunit hindi niya laging taglay ang lakas upang mapagtagumpayan ang sarili; kaya't siya ay napipilitang maligaw, malayo sa daan ng Taga-Likha, kahit mula sa antas ng Lo Lishma.
At siya, na laging nakararamdam na mas matindi ang pagkabasag kaysa sa kabuuan, ibig sabihin, mas marami siyang nararamdamang pagbagsak kaysa pag-angat, at hindi niya makita ang hangganan ng mga kalagayang ito, at para bang mananatili siyang palaging nasa labas ng kabanalan, sapagkat nakikita niyang kahit ang kaunting kaunti ay mahirap para sa kanya na tuparin, malibang mapagtagumpayan niya ang sarili lampas sa katuwiran. Ngunit hindi niya laging magagawa ito, kaya ano na ang kahihinatnan?
Pagkatapos ay napagpapasiyahan niya na wala nang ibang makatutulong kundi ang Taga-Likha mismo. Dahil dito, siya ay nagkakaroon ng taimtim na paghingi na buksan ng Taga-Likha ang kanyang mga mata at puso at tunay na mapalapit siya sa walang hanggang Dvekut [pagdikit o pagkapit] sa Taga-Likha. Kaya't lumalabas na ang lahat ng mga pagtanggi na kanyang naranasan ay mula rin sa Taga-Likha.
Dito, ibinigay sa atin sa ilang pangungusap ang kabuuang espiritwal na gawain.
Nasusulat, “Wala nang iba bukod sa Kanya.” Ibig sabihin, walang ibang puwersa sa mundo na may kakayahang gumawa ng anuman laban sa Kanya.
Dito inilalarawan ni Baal HaSulam ang isang kalagayan na siya mismo at ibang mga Kabbalista ay narating na - sa ngayon ay hindi pa natin nadarama ang kalagayang ito, hindi pa natin nakikita o nadarama na lahat ay nagmumula sa puwersang ito.
Pakiramdam natin na tayo ay kumikilos at gumagalaw nang malaya at tayo ay naiimpluwensyahan ng iba't ibang mga puwersa - tulad ng ating pinag-aralan sa artikulong The Freedom.
Kaya, paano nga ba natin matutuklasan ang iisang puwersang ito?
Nagpatuloy si Baal HaSulam
At ang nakikita natin, na may mga bagay sa mundo na kumakalaban sa itaas na sambahayan, ang dahilan ay ito ang Kanyang kalooban.
Ibig sabihin, tulad ng ating pinag-aralan ang prinsipyo ng "ang pakinabang ng liwanag mula sa kadiliman" - nauunawaan natin ang isang bagay mula sa kabaligtaran nito at kaya't sa tuwing nakikita nating may mga bagay sa mundo na tumatanggi o laban sa itaas na puwersa, doon mismo tayo makakapasok sa proseso ng pagtutuwid o pagsasaayos.
Ang Kaliwang Linya
Itong pagsasaayos na ito ay tinawag ni Baal HaSulam na gawain ng "kaliwang linya":
Ito ay tinutukoy na isang pagsasaayos na tinatawag na “ang kaliwa ay tumutulak palayo at ang kanan ay lumalapit,” ibig sabihin, ang pagtulak ng kaliwa ay tinuturing na isang pagsasaayos. Ibig nitong sabihin na may mga bagay sa mundo na, mula pa sa simula, ay naglalayong ilihis ang tao mula sa tamang daan, at dahil dito siya ay itinataboy mula sa Kedusha [kababanalan].
Ang pakinabang mula sa mga pagtanggi na ito ay sa pamamagitan nila, ang tao ay nagkakaroon ng ganap na pangangailangan at pagnanais para sa Taga-Likha upang siya ay tulungan, dahil nakikita niya na kung hindi siya tutulungan, siya ay mawawala; hindi lamang dahil hindi siya sumusulong sa gawaing espiritwal, nakikita pa niyang siya ay bumabalik.
Ibig sabihin bago nito ay wala tayong ganoon kalaking kawalan para sa Taga-Likha at ngayon ay lalo pang lumaki ang kakulangan na ito, at ngayong naiintindihan natin na lahat ay nakasalalay sa ating pagnanasa, mas malinaw nating mauunawaan kung bakit maganda ang paglago ng kakulangan.
At siya, na laging nakararamdam na mas matindi ang pagkabasag kaysa sa kabuuan, ibig sabihin, mas marami siyang nararamdamang pagbagsak kaysa pag-angat, at hindi niya makita ang hangganan ng mga kalagayang ito, at para bang mananatili siyang palaging nasa labas ng kabanalan, sapagkat nakikita niyang kahit ang kaunting kaunti ay mahirap para sa kanya na tuparin, malibang mapagtagumpayan niya ang sarili lampas sa katuwiran. Ngunit hindi niya laging magagawa ito, kaya ano na ang kahihinatnan?Pagkatapos ay napagpapasiyahan niya na wala nang ibang makatutulong kundi ang Taga-Likha mismo. Dahil dito, siya ay nagkakaroon ng taimtim na paghingi na buksan ng Taga-Likha ang kanyang mga mata at puso at tunay na mapalapit siya sa walang hanggang Dvekut [pagdikit o pagkapit] sa Taga-Likha. Kaya't lumalabas na ang lahat ng mga pagtanggi na kanyang naranasan ay mula rin sa Taga-Likha.
At pagkatapos ay ipinagpatuloy ni Baal HaSulam
Ibig sabihin, hindi dahil siya ay may pagkukulang kaya hindi niya kayang mapagtagumpayan. Bagkus, para doon sa mga taong tunay na gustong mapalapit sa Taga-Likha, na hindi kuntento sa kaunti, ibig sabihin ay mananatiling parang walang muwang na bata, kaya binibigyan siya ng tulong mula sa itaas upang hindi niya masambit, “Salamat sa Diyos, may Torah at Mitzvot at mabubuting gawa na ako, ano pa ba ang kailangan ko?”
Ibig sabihin kahit pa nag-aaral ako mula sa mga autentikong aklat, at may kapaligiran at tila lahat ng bagay, dahil nga taglay ko ang lahat kaya ko nang tanggapin ang mga bagong estado, bagong sitwasyon upang lalo kong mapakinabangan ang aking paligid at hindi lang basta nagpapahinga na parang tapos na ang lahat.
Tanging kung ang tao ay may tunay na pagnais ay magkakaroon siya ng tulong mula sa itaas, at palagi siyang ipapakita na siya ngayon ay may pagkukulang. Ibig sabihin, siya ay pinadadalhan ng mga iniisip at pananaw na laban sa gawain. Ito ay upang makita niya na hindi siya ganap na konektado sa Taga-Likha. Kahit anong pagsusumikap ang gawin niya, nakikita niya palaging mas malayo siya sa kabanalan kaysa sa iba, na parang nararamdaman nila na sila ay ganap na konektado sa Taga-Likha.
Ngunit siya, sa kabilang banda, ay laging may reklamo at hinaing, at hindi niya ma-justify ang paraan ng pagtrato sa kanya ng Taga-Likha. Ito ay nagpapahirap sa kanya: Bakit hindi siya ganap na konektado sa Taga-Likha? Sa huli, mararamdaman niyang wala siyang bahagi sa kabanalan.
Kahit pa paminsan-minsan ay nakatatanggap siya ng paggising mula sa itaas, na panandaliang bumubuhay sa kanya, kaagad din ay bumabagsak siya pabalik sa mababang kalagayan. Ngunit itong bagay na ito ang nagdadala sa kanya sa pagkaunawa na tanging ang Taga-Likha lamang ang tunay na makatutulong at makakapagpalapit sa kanya.
Dapat laging sikapin ng isa na dumikit sa Taga-Likha, ibig sabihin, na lahat ng kanyang pag-iisip ay tungkol sa Kanya. Ibig sabihin, kahit nasa pinakasamang kalagayan siya, na wala nang mas bababa pa, hindi siya dapat lumabas sa Kanya, na para bang may ibang kapangyarihan na humahadlang sa kanya na pumasok sa Kedusha [kabanalan], na maaaring magdala ng pakinabang o pinsala.
Ibig sabihin, hindi niya dapat isipin na may puwersa ng Sitra Achra [ibang panig] na pumipigil sa tao na gumawa ng mabuti at lumakad sa daan ng Taga-Likha. Sa halip, lahat ng nangyayari ay mula sa Taga-Likha.
Ngayong alam na natin ito, anong dapat ang ating gawin?
Itinuloy at ipinaliwanag ni Baal HaSulam na kailangan nating matutong magalak sa mga estadong ito dahil mula ito sa itaas - ibig sabihin, ngayong nawala ang lasa ko sa gawain, hindi dahil ako ang masama - kundi binibigyan ako ng Taga-Likha ng mas maraming pagkakataon na lumago, kaya't dapat tayong masiyahan na sinusubukan tayong lapitin ng itaas na puwersa.
Sa ibang artikulo ay sumulat siya:
"nakikita niya na maraming tao sa mundo ang hindi binigyan ng lakas upang maisagawa ang banal na gawain kahit sa pinakasimpleng paraan, kahit walang layunin at sa Lo Lishma [hindi alang-alang sa Kanya], kahit sa Lo Lishma ng Lo Lishma, at kahit sa paghahanda pa lamang para sa kasuutan ng Kedusha [kabanalan], ngunit siya ay pinagkalooban ng pagnanasa at pag-iisip upang paminsan-minsan ay magsagawa ng panloob na gawain, kahit sa pinakasimpleng paraan, kung mapahahalagahan lamang ang importansya nito, ayon sa pagpapahalaga niya sa banal na gawain, hanggang anong antas ay dapat siyang magbigay papuri at pasasalamat para dito."
Ibig sabihin, ang lahat ng kalagayang ito ay mga regalong ibinigay sa atin at maaari nating matutunan kung paano gamitin ang mga ito ng lubos.
Tanong at Sagot
Workshop
Paano natin mapapanatili ang paghahanap sa pagkilos ng itaas na puwersang ito - upang maabot ang "Wala Nang Iba Bukod sa Kanya"?