Aralin 28. Ang Papel ng isang "Guro" sa Karunungan ng Kabbalah

Aralin 28. Ang Papel ng isang "Guro" sa Karunungan ng Kabbalah

Sino ang isang tunay na guro ng Kabbalah? | Ano ang ibig sabihin ng maging estudyante ng isang Kabbalist? | Paano naipapasa ang espiritwal na kaalaman?

Nilalaman ng aralin
Mga Materyales

Aralin 28

Ang Papel ng isang "Guro" sa Karunungan ng Kabbalah

Mga Piling Sipì mula sa mga Pinagmulan


Slide 2

Mula sa: Baal HaSulam, “Panimula sa Aklat ng Zohar”, Liham Blg. 57.

“Kung ang isang hanay ng isang libong bulag ay naglalakad sa daan at may kahit isang pinuno sa kanila na nakakakita, siguradong sila ay maglalakad sa tamang landas at hindi mahuhulog sa mga hukay at sagabal dahil sumusunod sila sa nakakita na siyang umaakay sa kanila. Ngunit kung wala ang taong iyon, tiyak na sila ay matitisod sa bawat hadlang at lahat ay mahuhulog sa hukay.”


Mga Slide 3-4

Mula sa: Baal HaSulam “Panahon ng Pagkilos”

“Ngunit mula nang naging laganap ang paglilimbag ng mga aklat, at hindi na kailangan ng mga manunulat sa mga tagakopya, bumaba ang halaga ng mga aklat. Ito ay nagbigay-daan para sa mga hindi mapagkakatiwalaang manunulat na magpalimbag ng anumang aklat na kanilang gusto, para sa pera o dahil sa kaluwalhatian. Ngunit hindi nila isinasaalang-alang ang sarili nilang mga gawa at hindi sinusuri ang magiging bunga ng kanilang trabaho. [...]

Dahil dito, labis na napinsala ang pagkakaunawa ng publiko tungkol sa mga bagay na ito. Bukod dito, may namumuong espiritu ng pagkamapagsaya, at iniisip ng mga tao na sapat na ang isang tingin kapag may oras upang pag-aralan ang mga ganitong napakatas na bagay, [...] at gumagawa ng mga konklusyon batay sa sarili nilang kalagayan ng kaisipan.

Ito ang mga dahilan kung bakit ako napilitan at nagpasyang panahon na upang 'kumilos para sa Panginoon' at sagipin kung ano ang maaari pang sagipin. Kaya, tinanggap ko sa aking sarili na ihayag ang isang bahagi ng tunay na diwa, na may kinalaman sa nabanggit, at ito ay ipakalat sa bayan.”


Slide 5

Mula sa: Baal HaSulam “Pag-aaral ng Sampung Sefirot”. Tomo 1. Bahagi 1. Panloob na Pagmamasid

“…Ang mga ang mga mata ay hindi nabuksan sa mga pangitain ng langit, at hindi nakamit ang kasanayan sa ugnayan ng mga sanga ng mundong ito sa kanilang mga ugat sa mga matataas na mundo ay tulad ng mga bulag na hinahaplos ang mga pader. Hindi nila mauunawaan ang tunay na kahulugan kahit ng isang salita, dahil bawat salita ay pangalan ng isang sangang may kaugnayan sa kanyang ugat.
Tanging kung makatanggap sila ng paliwanag mula sa tunay na pantas na naglalaan ng sarili upang ipaliwanag ang bagay sa wikang sinasalita, na para bang isinasalin mula sa isang wika patungo sa iba pa, ibig sabihin mula sa wika ng mga sanga patungo sa wikang sinasalita, tanging noon niya maipapaliwanag ang espirituwal na termino bilang ito mismo.”


Slide 6

Mula sa: Baal HaSulam “Ang Kalayaan”

Maaaring ihambing ito sa isang taong may sakit na ayaw sumunod sa utos ng doktor bago pa siya makaunawang mag-isa kung paano siya mapagagaling ng naturang payo, at nagsisimulang mag-aral ng medisina sa sarili niyang paraan. Maaaring mamatay siya sa kanyang sakit bago pa niya matutunan ang medisina.


Slide 7

Mula sa: Baal HaSulam. Shamati Artikulo Blg.99.

…May kapangyarihan ang isang tao na magpunta sa lugar kung saan may mga matuwid. Maaaring tanggapin ng isa ang kanilang pamumuno, at sa gayon matatanggap niya ang lahat ng lakas na wala siya ayon sa likas niyang mga katangian. Tatanggapin niya ito mula sa mga matuwid. Ito ang benepisyo ng “itinanim sila sa bawat henerasyon,” upang sa bawat henerasyon ay mayroong malalapitan, mahahawakan, at mapagkukunan ng lakas na kailangan upang tumaas sa antas ng pagiging matuwid. Kaya, sila rin, sa bandang huli ay nagiging matuwid.


Slide 8

Mula sa: Baal HaSulam, Liham Blg. 47

“Nais kong ipaalala sa inyo ang kahalagahan ng pagmamahalan ng mga kaibigan sa kabila ng lahat sa panahong ito, sapagkat dito nakasalalay ang ating karapatang mabuhay, at dito sinusukat ang ating malapit-lapit na tagumpay… 

Kaya, talikuran n’yo ang lahat ng mga kathang-isip na abala at ituon ang inyong mga puso sa pag-iisip at paglikha ng tamang mga paraan upang tunay n’yong mapag-isa ang inyong mga puso, upang maging literal na totoo sa inyo ang mga salitang “Ibigin mo ang iyong kaibigan gaya ng iyong sarili.”

[...] at lilinisin kayo ng kaisipang puno ng pag-ibig na magtatakip sa lahat ng pagkakasala. Subukan ninyo ako diyan, at magsimulang tunay na magkaisa sa pag-ibig, at makikita n’yo, “malalasahan ng panlasa”...”


Slide 9

Mula sa: RABASH, Artikulo Blg. 14, “Ang Kailangan para sa Pagmamahalan ng mga Kaibigan”

“Mayroong natatanging kapangyarihan sa pagkakadikit-dikit ng mga kaibigan. Dahil dumadaloy ang mga pananaw at kaisipan mula sa isa patungo sa iba sa pamamagitan ng kanilang pagkakadikit, napapaloob ang bawat isa sa mga lakas ng iba, at dahil dito, taglay ng bawat isa ang lakas ng buong lipunan. Kaya, bagaman ang bawat isa ay indibidwal, taglay niya ang lakas ng buong lipunan.”


Mga Slide 10-11

Mula sa: Baal HaSulam, Shamati, Artikulo Blg. 25, “Mga Bagay na Nagmumula sa Puso”

“…Kapag narinig ng isa ang mga salita ng Torah mula sa kanyang guro, agad siyang sumasang-ayon sa kanyang guro at nagdedesisyon na sundin ang mga salita ng kanyang guro nang buo ang puso at kaluluwa. Ngunit pagkatapos, kapag lumabas siya sa mundo, nakakakita, nahahangad at nahahawa siya sa napakaraming pagnanasa na gumagala sa mundo. [...] Sila ay umiibabaw sa kanya, at siya'y sumasabay sa kanilang mga pagnanasa [...]. Wala na siyang magawa; napipilitan siyang mag-isip, magnasa, maghangad, at maghanap ng lahat ng isinusulong ng nakararami. At pinipili niya ang kanilang mga banyagang kaisipan at karima-rimarim na pagnanasa at hangarin [...].

Sa halip, iisa lang ang payo ngayon: kumapit sa kanyang guro at sa mga aklat. [...] Tanging sa pagkakapit sa kanila niya mababago ang kanyang isipan at hangarin sa kabutihan. Ngunit ang matatalinong argumento ay hindi makakatulong na baguhin ang kanyang isipan, kundi tanging ang lunas ng Dvekut [pagkakadikit]...”


Mga Slide 12-15

Mula sa: Baal HaSulam “Talumpati para sa Pagkumpleto ng Zohar”

“…Ipinayo ng ating mga pantas: “Maghanap ka para sa iyong sarili ng isang rav [guro/dakilang tao] at bumili ka ng kaibigan.” Ibig sabihin, kailangang pumili ng isang mahalaga at kilalang tao upang maging rav niya, at mula rito ay makakamit niya ang pag-aaral sa Torah at Mitzvot upang bigyang kagalakan ang Maylalang niya.

Ito ay dahil may dalawang pagpapagaan tungkol sa kanyang rav:

  1. Dahil siya ay mahalagang tao, maaring bigyang-kasiyahan ng estudyante ang kanyang rav, batay sa kadakilaan ng kanyang rav, sapagkat ang pagbibigay ay nagiging pagtanggap para sa kanya. Ito ay likas na gasolina, kaya palaging maaaring paramihin ang kanyang mga kilos ng pagbibigay. Kapag nasanay nang magbigay sa rav ang isang tao, maaari niya itong ilipat sa pagganap ng Torah at Mitzvot Lishma para rin sa Maylalang, dahil ang ugali ay nagiging pangalawang kalikasan.
  2. […] Pagkakapareho ng anyo ng kanyang rav. Dahil ang rav ay naririto sa mundong ito, nasa loob ng panahon, nakakatulong ang pagkakapareho ng anyo kahit pansamantala lamang at siya ay bumalik muli sa dating antas.

Kaya, sa bawat pagkakataon na nagkakapareho ng anyo sa rav ang isa, nakakapit siya dito nang ilang sandali. Bilang resulta, nakukuha niya ang kaalaman at kaisipan ng rav, ayon sa antas ng kanyang Dvekut…[...]. Dahil dito, maaaring magamit ng estudyante ang tagumpay ng kanyang rav sa kadakilaan ng Maylalang, na siyang bumabaligtad sa pagbibigay at nagiging pagtanggap at sapat na gasolina upang ibigay ang kanyang puso at kaluluwa. Sa sandaling iyon, magagawa ring gampanan ng estudyante ang Torah at Mitzvot Lishma ng buong puso’t kaluluwa, na siyang gamot na nagbubunga ng walang hanggang Dvekut sa Maylalang.”


Mga Slide 16-17

Mula sa: Baal HaSulam, Shamati, Artikulo Blg. 40, “Ano ang Sukatan ng Pananampalataya sa Rav?”

“Tanging yaong nasa iisang awtoridad na ang may kakayahang makilala at malaman ang katotohanan. Kaya, kinakailangang magtiwala ang isa sa opinyon ng kanyang rav at paniwalaan ang sinasabi ng kanyang rav. Nangangahulugan ito na dapat sumunod ang isa gaya ng ipinayo ng kanyang rav.

At kahit marami siyang nakikitang argumentong at aral na hindi kaayon ng opinyon ng kanyang rav, dapat pa rin niyang pagkatiwalaan ang opinyon ng kanyang rav at sabihing anuman ang kanyang nauunawaan at nakikita sa ibang aklat na hindi umaayon sa opinyon ng kanyang rav, dapat niyang sabihing hangga’t siya ay nasa maraming awtoridad, hindi niya nauunawaan ang katotohanan, at hindi niya nakikita sa ibang aklat, ang katotohanang kanilang sinasabi.

Alam na kapag hindi pa naghahagis, ang kanyang Torah ay nagiging kamandag ng kamatayan sa kanya.”


Mga Slide 18-19

Mula sa: Rabbi Elimelech ng Lizhensk, Noam Elimelech [Ang Kabanalan ni Elimelech]

“Ang matuwid, sa pamamagitan ng kanyang katuwiran, ay ipinupunla ang kanyang mabuting hangarin at isipan sa iba, kaya't taglay din nila ang mabuting hangaring dumikit sa Maylalang ng buong puso. Sa pamamagitan ng pagpupunla ng hangarin sa iba, itinuturing na itong isang gawain, sapagkat ang gawa sa iba ay nagmula sa hangarin na taglay niya. Ito ang ibig sabihin ng talata, “Binubuksan Mo ang Iyong kamay at binubusog ang bawat nilalang ayon sa hangarin,” sapagkat ang matuwid ang siyang nagpapalaganap ng kasaganaan sa mga mundo at sa bawat tao. At paano niya ginagawa iyon? 

Sa pamamagitan ng pagpupunla ng kanyang hangarin sa iba. Kaya, silang lahat ay naging matuwid sa pamamagitan niya. Dahil dito, maari niyang ipagkaloob sa kanila ang dakilang kasaganaan sapagkat ang matuwid ang tila nagbubukas ng kanyang mga bisig sa Maylalang upang magbigay sa mundo. At sa ano niya ito binubuksan? Ipinaliliwanag ng talata, “at binubusog ang bawat nilalang ayon sa hangarin,” sa pagbibigay kasiyahan sa bawat isa ng hangaring mahalin ang Maylalang.”