Aralin 5: Ang espirituwal na puwersa sa mga tunay na aklat ng Kabbalah
Ang aralin ay sumusuri sa natatanging wika ng Kabbalah, kilala bilang wika ng mga sanga at ugat. Tuklasin ang lihim na lakas na nasa loob ng mga tekstong Kabbalistic at kung paano ang pag-aaral ay tumutulong sa ating espirituwal na paglago. Natutuklasan natin ang apat na wika na ginagamit upang ilarawan ang mga espirituwal na mundo, at nauunawaan ang kanilang mga pagkakaiba at kahulugan.
- Ang wika ng Kabbalah - ang wika ng mga sanga at ugat
- Ano ang sikreto ng “mahika” o kapangyarihan na taglay ng mga aklat ng Kabbalah?
- Paano nakakatulong ang pagbabasa at pag-aaral ng mga sinulat ng Kabbalah sa isang tao upang umunlad sa espiritwal at matanto ang layunin niya sa buhay?
- Ang apat na wika na ginagamit upang ilarawan ang espiritwal na mundo sa mga pangunahing sanggunian, ang mga pagkakaiba ng mga ito, at ang kanilang kahulugan.
Batas ng Ugat at Sanga
- Ayon sa batas ng ugat at sanga,
- bawat “sanga” sa mundong ito ay may sarili at natatanging “ugat” kung saan ito nakakabit pababa sa mundong ito.
- ugat = sanhi; sanga = bunga.
- Ang mundo ng mga ugat = espiritwal na mundo
- Ang mundo ng mga sanga = pisikal na mundo.
Ang wika ng mga sanga na lumilitaw sa mga aklat ng Kabbalah ay naglalarawan ng mga espiritwal na ugat gamit ang mga pangalan ng mga “sanga” sa ating mundo.
Kapag nakatagpo tayo ng mga salitang pamilyar sa atin mula sa araw-araw na buhay sa mga aklat ng Kabbalah, dapat nating tandaan na ang mga ito ay tumutukoy sa mga espiritwal na ugat at hindi sa kung ano ang nangyayari sa ating mundo.
Ang kaligayahan ay ang pagkakapantay ng anyo sa Maylikha. Kapag ginagawa natin ang pagkakapantay-pantay sa bawat kilos ayon sa ating Ugat, nararamdaman natin ang galak.
(Baal HaSulam, Matan Torah [Ang Pagbibigay ng Torah])
Walang isang elemento ng realidad o pangyayari sa mas mababang mundo na hindi mo matatagpuan ang katulad nito sa mundo sa itaas, na kasingtulad na parang dalawang patak ng tubig sa lawa. At tinatawag silang “ugat at sanga.” Ibig sabihin, ang bagay sa mas mababang mundo ay itinuturing na sanga ng huwaran nitong matatagpuan sa mas mataas na mundo, na siyang ugat ng mas mababang elemento, sapagkat doon naitala at nilikha ang bagay na iyon sa mas mababang mundo. Ito ang layunin ng ating mga pantas nang kanilang sabihin, “Walang isang damo sa ibaba na walang kapalaran at tagapangalaga sa itaas na pumapalo dito at nagsasabi, ‘Tumubo ka’!”
(Baal HaSulam, Ang Kakanyahan ng Karunungan ng Kabbalah)
Ang karunungang ito ay walang higit at walang kulang kundi isang sunud-sunod na mga ugat na pababang nakakabit ayon sa sanhi at bunga, na sumusunod sa mga nakatakdang batas na nag-uugnay-ugnay tungo sa isang matayog na layunin na inilalarawan bilang “ang paghahayag ng Kanyang Pagka-Diyos sa Kanyang mga nilalang sa mundong ito.”
(Baal HaSulam, Ang Kakanyahan ng Karunungan ng Kabbalah)
"Ang Torah, na siyang banal na karunungan, ay walang anumang pisikal sa loob nito."
(Ang Maharal ng Prague, "Derech Haim", paunang salita ng may-akda)
"Ang Torah ay ispiritwalidad"
(Rabbi Nachman ng Breslov, Likutei Moharan, I)
Ang mga lihim ng Torah ay nagkukubli sa mga talinghaga at bugtong sa Torah dahil sa pag-extend ng Torah at pagbaba nito mula sa pinakamataas na antas pababa dito sa makalupang mundo.
(Ang Ramak, Kilalanin ang Diyos ng Iyong Ama, 14)
Sinabi ni Rabbi Shimon, aba ang nagsasabing ang Torah ay dumarating upang magkuwento lamang ng literal na mga kwento. Gayunpaman, lahat ng salita ng Torah ay naglalaman ng mga nakatataas na bagay at pinakamatataas na kahulugan.
(Aklat ng Zohar)
“Kaya, natuklasan ng mga Kabbalist na may isang tiyak at napahunang bokabularyo na sapat upang lumikha ng isang mahusay na wikang pasalita. Pinapahintulutan nitong magusap sila tungkol sa mga pangyayari sa mga ispiritwal na ugat sa mga mataas na mundo, kahit banggitin lamang ang mas mababa at nahahawakang sangay sa mundong ito, na malinaw sa ating mga pisikal na pandama. Nauunawaan ng mga nakikinig ang nakatataas na ugat na itinuturo ng pisikal na sangang ito dahil ito ay kaugnay nito, bilang bakas nito.“
(Baal HaSulam, Ang Kakanyahan ng Karunungan ng Kabbalah)