Pagkakaunawa sa realidad
Kung saan natin tinatanong kung ang ating persepsyon lamang ba ang tanging realidad. Tinutuklasan ng aralin kung bakit kilala ang Kabbalah bilang 'nakatagong karunungan' at inilalantad ang karagdagang mga antas ng realidad. Alamin ang mga pagkakaiba sa persepsyon ng mga hayop, karaniwang tao, at mga Kabbalist. Suriin kung paano binago ng mga siyentipikong tuklas ang ating pag-unawa sa realidad. Tuklasin ang nakatagong batas ng 'intensyon' sa Kabbalah at unawain ang 'batas ng pagkakatulad ng anyo.'
- Ang realidad ba na ating nararanasan sa pamamagitan ng ating limang pandama ay ang tanging realidad na umiiral? Bakit tinawag na 'nakatagong karunungan' ang Kabbalah? Mayroon bang karagdagang mga antas ng realidad?
- Ano ang pagkakaiba ng persepsyon sa realidad ng mga hayop, ng ordinaryong tao, at ng Kabbalist?
- Pagrepaso ng pag-unlad: Paano nagbago ang pananaw ng tao tungkol sa persepsyon ng realidad sa liwanag ng pag-unlad ng agham?
- Ang nakatagong batas sa karunungan ng Kabbalah—ang “intensyon”.
- Ano ang “batas ng pagkakapareho ng anyo”?
Ang pagnanais na tumanggap ay ang panloob na software na kumokontrol sa ating “mekanismo ng persepsyon ng realidad”. Nakikita natin ang nais nating makita. Upang maunawaan ang espirituwal na realidad, kailangan nating baguhin ang software na batayan ng ating pagkaunawa sa realidad, ibig sabihin, ang pagnanais na tumanggap.
Ayon sa batas ng “pagkakapareho ng anyo,” upang maranasan ang espirituwal na realidad, kailangan nating paunlarin sa loob ng pagnanais na tumanggap ang pagiging sensitibo sa espirituwalidad, isang layunin na magbigay, na magbigay.
🖼️ Tingnan ang slides online
Mga Sipi:
"Alam na alam ng mga mananaliksik ng kalikasan na hindi magagawa ng tao kahit ang pinakamaliit na galaw nang walang taglay na puwersa, nang hindi nabebenepisyuhan ang sarili sa anumang paraan.
Halimbawa, kapag inilipat ng isang tao ang kanyang kamay mula sa upuan papunta sa mesa, ginagawa niya ito dahil iniisip niyang mas mag-eenjoy siya kapag ang kamay niya ay nasa mesa. Kung hindi niya ito iniisip, pababayaan lang niya ang kamay niya sa upuan habambuhay, nang hindi ito ginagalaw kailanman."
(Baal HaSulam, Artikulo: Ang Kapayapaan)
"Kunwari'y ang ating pandama ng paningin: Nakikita natin ang isang malawak na mundo sa ating harapan, namamangha tayo sa pagkakabuo nito. Ngunit sa totoo lang, lahat ng ito ay nakikita lamang natin sa ating sariling kalooban. Sa madaling salita, mayroong uri ng makinang para bang kamera sa ating utak sa likod, na iginuguhit ang lahat ng lumilitaw sa atin at walang anuman sa labas ng atin.
(Baal HaSulam, Paunang salita sa Aklat ng Zohar, Liham 34)
Ginawa Niya para sa atin doon, sa ating utak, ang isang uri ng makinis na salamin na nagbabaliktad ng lahat ng nakikita doon, upang makita natin iyon sa labas ng ating utak, sa harap ng ating mga mukha."
(Baal HaSulam, Paunang salita sa Aklat ng Zohar, Liham 34)
"Lahat ay Pagka-Diyos, lampas sa panahon, lugar, at pagbabago. Lahat ng antas at mga pagwawasto na ating natutuklasan sa Pagka-Diyos ay mga uri lamang ng pagtatago at pagtakip para sa mga mababa [...] Gayundin, lahat ng mga imahinatibong larawan ng panahon at lugar at mga kilos ay pawang sari-saring takip lamang ng Kanyang Pagka-Diyos na lumilitaw bilang ganoon sa mga mababa. Tulad ng tao na hindi naaapektuhan ni nagbabago dahil lamang sa mga takip na kanyang isinusuot, at tanging ang kanyang mga kaibigan ang naapektuhan sa kanyang pagkawala at paglitaw, ganoon din, ang Kanyang Pagka-Diyos ay hindi nagbabago ni naaapektuhan kailanman ng mga antas at mga pagwawasto at mga pangalan ng panahon, lugar, at pagbabago ng mga kilos na nakikita ng mga mababa sa Kanyang mga takip.”
(Zohar for All, Nasso, “The Holy Idra Rabah,” Item 299)
"Gaya ng uod na isinilang sa loob ng labanos. Doon siya naninirahan at iniisip niyang ang mundo ng Maylalang ay kasing pait, dilim, at liit ng labanos na kanyang kinasilangan. Ngunit sa oras na mabutas niya ang balat ng labanos at sumilip palabas, masindak niyang sinasabi: ‘Akala ko ang buong mundo ay gaya ng labanos na kinasilangan ko, at ngayo'y nakikita kong isang magarang, maganda, at kahanga-hangang mundo ang nasa aking harapan! Ganiyan din ang mga nakalubog sa shell (Klipa) ng kagustuhang tumanggap na kinasilangan nila […]
[kanilang] susubuking basagin ang Klipa (shell) ng kagustuhang tumanggap na kinasilangan nila, at kapag inako nila ang hangaring magbigay, agad na mabubuksan ang kanilang mata upang makita at maabot nila ang lahat ng antas ng karunungan, katalinuhan, at malinaw na pag-iisip na inihanda para sa kanila sa mga espirituwal na mundo."
(Baal Haslam. "Panimula sa Aklat ng Zohar)