Aralin 15 - Ang Apat na Yugto ng Direktang Liwanag
Sa araling ito, matututuhan mo ang tungkol sa Pag-iisip ng Paglikha at ang proseso ng pagbuo ng pagnanais na makatanggap. Ating susuriin ang paano dumadaan ang direktang liwanag sa apat na magkakaibang yugto, na bawat isa ay kumakatawan sa isang bahagi sa pagbuo ng espirituwal na pagnanasa.
Slide #2
Isaac Luria Ashkenazi (ang ARI)
Ang Puno ng Buhay
"Masdan na bago ang mga nilikha ay nalikha at ang mga nilalang ay nalalang,
Ang Mataas Payak na Liwanag ay tinigib ang buong sansinukob.
At walang puwang, tulad ng hanging walang buhay, isang hungkag,
Ngunit lahat ay tigib ng yaong Payak, Walang-hanggang Liwanag na iyon.
At doo'y walang gayong bahagi tulad ng ulo, o katapusan,
Ngunit lahat ay Isang, Simpleng Liwanag, balanse at pantay,
At ito'y tinawag na "ang Liwanag ng Ein Sof (Walang Hanggan).”
Slide #3
At nang sa kanyang simpleng kalooban, dumating ang pagnanais na likhain ang mga mundo at likhain ang mga paglikha,
Upang dalahin sa liwanag ang kaganapan ng Kanyang mga gawa, Kanyang mga pangalan, Kanyang mga apelasyon,
Na naging sanhi ng paglikha ng mga mundo,
Pagkatapos ay nilimitahan ng Ein Sof ang Kanyang Sarili, sa Kanyang gitnang punto, eksakto sa gitna,
At nilimitahan Niya ang Liwanag na iyon, at umalis palayo sa mga bahagi sa paligid ng gitnang punto na iyon.
At nanatili ang isang bakanteng espasyo, isang walang laman na hangin, isang hungkag
Eksakto mula sa gitnang punto.
Slide #4
At ang limitasyong iyon ay pantay sa paligid ng walang laman, sa gitnang punto,
Upang ang espasyo ay pantay na paikot sa paligid nito.
At pagkatapos ng limitasyon, nang ang bakanteng espasyo ay nanatiling walang laman
Eksakto sa gitna ng Liwanag ng Ein Sof,
Isang lugar ang nabuo, kung saan ang Paglalang, mga Nilikha, Pagbubuo, at Aksyon ay maaaring manirahan.
Pagkatapos mula sa Liwanag ng Ein Sof, isang nag-iisang linya ang bumaba mula sa Itaas, ibinaba sa espasyo na iyon.
Slide #5
At sa pamamagitan ng linya na iyon, Kanyang nalalang, nilikha, nabuo, at nagawa ang lahat ng mga mundo.
Bago ang mga apat na mundong ito, mayroong isang Liwanag ng Ein Sof, na ang Pangalan ay Isa, sa kamaha-manghang, nakatagong pagkakaisa,
At kahit na sa mga anghel na pinakamalapit sa Kanya
Walang kakayahan at wala ring pagtatamo sa Ein Sof,
Dahil wala ni isang isipan ng isang nilikha na maaaring unawain Siya,
Dahil wala Siyang lugar, walang hangganan, walang pangalan."
– Ang Ari, Ang Puno ng Buhay, Unang Bahagi, Unang Tarangkahan
Slide #6
Ang Layunin sa Pag-aaral
"Kaya, dapat nating itanong, Bakit kaya inobliga ng mga Kabalista ang bawat tao na pag-aralan ang karunungan ng Kabbalah? Tunay nga, mayroong isang dakilang bagay tungkol dito, na dapat ipalatanyag: Mayroong isang kahanga-hanga, hindi matatawarang Segulah (gamot/remedyo) para sa mga nakikisali sa karunungan ng Kabbalah. Kahit na hindi nila nauunawaan kung ano ang kanilang pinag-aaralan, sa pamamagitan ng paghahangad at dakilang nais na maunawaan kung ano ang kanilang pinag-aaralan, binubuhay nila sa kanilang mga sarili ang mga liwanag na nakapaligid sa kanilang mga kaluluwa.
– Baal HaSulam "Panimula sa Pag-aaral ng Sampung Sefirot", p.155
Slide #7
Ngunit, ang iluminasyon na natatanggap ng isa paminsan-minsan sa panahon ng pagsasagawa ay nagdadala sa kanya ng biyaya mula sa itaas, at nagkakaloob sa kanya ng kasaganaan ng kabanalan at kadalisayan, na nagdadala sa kanya sa mas malapit na pagkamit ng kanyang kaganapan."
– Baal HaSulam "Panimula sa Pag-aaral ng Sampung Sefirot", p.155
Slide #8
Paunang Salita sa Karunungan ng Kabbalah
5) Kaya, ang apat na yugto sa pangalang HaVaYaH, na tinatawag na Hochma, Bina, Tifferet, Malchut, ay kinakailangan. Ang unang yugto, na tinatawag na Hochma, ay tunay na kabuuan ng pinagmulan ng nilalang, liwanag at daluyan. Sa loob nito ay may dakilang kagustuhan na tumanggap sa lahat ng liwanag na kasama nito, na tinatawag na "liwanag ng Hochma" o "liwanag ng Haya," habang ito ay lahat ng liwanag ng Hayim [buhay] sa pinagmulan na nilalang, nakadamit sa kanyang daluyan. Gayunpaman, ang unang yugto ay itinuturing na lahat liwanag, at ang daluyan sa loob nito ay halos hindi mapapansin habang ito ay nahahaluan ng liwanag at napawalang bisa dito gaya ng isang kandila sa isang sulo.
Slide #9
Kasunod nito ay dumating ang ikalawang yugto, dahil sa dulo nito, ang daluyan ng Hochma ay pinaiigting sa pagkakapantay ng anyo sa liwanag na nakapaloob dito. Ibig sabihin nito ay nagising ang kagustuhan na magbigay sa Pinagmulan sa loob nito, ayon sa katangian ng liwanag sa loob nito, na ganap na pagbibigay.
Pagkatapos, gamit ang kagustuhang ito na nagising sa loob nito, isang bagong liwanag ay pinahaba sa kanya mula sa Pinagmulan, na tinatawag na "liwanag ng Hassadim." Bilang resulta, ito ay halos ganap na nahiwalay mula sa liwanag ng Hochma na ang Pinagmulan ay na imprenta sa loob nito, dahil ang liwanag ng Hochma ay maaari lamang matanggap sa sariling daluyan nito—isang kagustuhan na tumanggap na lumago sa kanyang pinakamataas na sukat.
Slide #10
Kaya ang liwanag at sisidlan sa ikalawang yugto ay lubos na naiiba sa mga nasa unang yugto, dahil ang daluyan sa loob nito ay ang kagustuhan na magbigay. Ang liwanag sa loob nito ay itinuturing na liwanag ng Hassadim, isang liwanag na nagmumula sa pagkadikit ng nagmulang nilalang sa Pinagmulang Lumalang, dahil ang kagustuhan na magbigay ay nagdudulot ng pagkakapantay ng anyo sa Pinagmulan, at sa kabanalan, ang pagkakapantay ng anyo ay pagkadikit.
Slide #11
Sunod na sumunod ang ikatlong yugto, dahil kapag ang liwanag sa nilalang ay nabawasan tungo sa liwanag ng Hassadim nang walang anumang Hochma, at nalalaman na ang liwanag ng Hochma ay ang esensya ng pinagmulang nilalang, kaya, sa dulo ng ikalawang yugto, nagising ito at hinila papunta sa kanya ang isang sukat ng liwanag ng Hochma upang magliwanag sa loob ng liwanag ng Hassadim nito. Ito'ng paggising ay muling nagpalawak ng tiyak na sukatan ng kagustuhan na tumanggap, na bumuo ng isang bagong daluyan na tinatawag na ikatlong yugto, o Tifferet. At ang liwanag sa loob nito ay tinatawag na "liwanag ng Hassadim sa kaliwanagan ng Hochma," dahil ang karamihan ng liwanag na ito ay liwanag ng Hassadim, at ang mas maliit na bahagi nito ay liwanag ng Hochma.
Slide #12
Kasunod ito ay dumating ang ika-apat na yugto, dahil ang daluyan ng ikatlong yugto, gayun din, ay nagising sa dulo nito upang hilahin ang kumpletong liwanag ng Hochma, gaya ng ito ay sa unang yugto. Kaya, ang pagkagising na ito ay itinuturing na "pagnanasa" sa sukat ng kagustuhan na tumanggap sa unang yugto at lumampas dito dahil ngayon ito ay hiwalay na mula sa liwanag na iyon, dahil ang liwanag ng Hochma ay hindi na nakadamit dito kundi hinahangad ito. Kaya, ang anyo ng kagustuhan na tumanggap ay ganap na natukoy, dahil ang daluyan ay natutukoy kasunod ng pagpapalawak ng liwanag at ang pag-alis nito mula roon. Sa huli, kapag ito ay bumalik, muling matatanggap nito ang liwanag. Kaya lumalabas na ang daluyan ay nauuna sa liwanag, at ito ang dahilan kung bakit ang ika-apat na yugto ay itinuturing na pagkumpleto ng daluyan, at ito'y tinatawag na Malchut [Pagkahari]."
– Baal HaSulam "Paunang Salita sa Karunungan ng Kabbalah", p.5
Slide #13

Slide #14
Slide #15

Slide #16

Slide #17

Slide #18

Slide #19

Slide #20
Paunang Salita sa Karunungan ng Kabbalah (p.15)
"15)...Ipapaliwanag ko ito sa pamamagitan ng isang alegorya mula sa buhay. Ang likas na katangian ng tao ay mahalin at paboran ang kalidad ng pagbibigay, at kamuhian at laitin ang pagtanggap mula sa isang kaibigan. Kaya, kapag ang isa ay pumunta sa bahay ng isang kaibigan at siya [ang host] ay aanyayahan siya para sa pagkain, tatanggihan niya ito kahit na siya'y napaka gutom, dahil sa kanyang mga mata ito ay nakapanghahamak na tumanggap ng regalo mula sa kanyang kaibigan.
Slide #21
Paunang Salita sa Karunungan ng Kabbalah (p.15)
Ngunit, kapag ang kanyang kaibigan ay mapilit na nagmakaawa sa kanya hanggang sa maging malinaw na gagawa siya ng isang malaking pabor sa kanyang kaibigan sa pamamagitan ng pagkain, siya'y papayag kumain dahil hindi na niya mararamdaman na siya'y tumatanggap ng regalo at na ang kanyang kaibigan ang nagbibigay. Sa kabaligtaran, siya [ang bisita] ang nagbibigay, gumagawa ng isang pabor sa kanyang kaibigan sa pamamagitan ng pagtanggap ng magandang ito mula sa kanya.
Slide #22
Paunang Salita sa Karunungan ng Kabbalah (p.15)
Kaya, matutuklasan mo na kahit na ang gutom at gana ay mga sisidlan ng pagtanggap na itinalaga para sa pagkain, at ang taong iyon ay sapat na gutom at may gana upang tanggapin ang pagkain ng kanyang kaibigan, hindi pa rin niya matitikman ang anuman dahil sa kahihiyan. Gayunpaman, habang ang kanyang kaibigan ay nagmakaawa sa kanya at siya'y tumanggi, bagong mga sisidlan para sa pagkain ang nagsimulang mabuo sa kanya, habang ang kapangyarihan ng pagsusumamo ng kanyang kaibigan at ang kapangyarihan ng kanyang sariling pagtanggi, habang sila'y naiipon, sa wakas ay nagdagdag ng hanggang sapat na bilang na nagbagong ang sukatan ng pagtanggap ay naging sukatan ng pagbibigay.
Slide #23
Paunang Salita sa Karunungan ng Kabbalah (p.15)
Sa bandang huli, nakita niya na sa pamamagitan ng pagkain, makakagawa siya ng malaking pabor at magdadala ng malaking kasiyahan sa kanyang kaibigan. Sa kalagayang iyon, bagong mga sisidlan ng pagtanggap upang matanggap ang pagkain ng kanyang kaibigan ay isinilang sa kanya. Ngayon ito'y itinuturing na ang kanyang kapangyarihan ng pagtanggi ay naging pangunahing sisidlan kung saan matanggap ang pagkain, at hindi ang gutom at gana, kahit na sila ay aktuwal na karaniwang mga sisidlan ng pagtanggap."
Paunang Salita sa Karunungan ng Kabbalah
– Baal HaSulam "Paunang Salita sa Karunungan ng Kabbalah", p.15
Slide #24

Slide #25
APENDISE: MGA DIAGRAM NG MGA PANGSPIRITWAL NA MUNDO
Slides #26-34 - Mga Diagram








