Aralin Bilang 14 - Ang Kadakilaan ng Guro sa Karunungan ng Kabbalah

Aralin Bilang 14 - Ang Kadakilaan ng Guro sa Karunungan ng Kabbalah

Ang Kadakilaan ng Guro sa Karunungan ng Kabbalah

Nilalaman ng aralin
Mga Materyales

Kadakilaan ng Guro sa Karunungan ng Kabbalah  

Aralin Blg. 14


Kung ang isang hanay ng isang libong bulag ay naglalakad sa daan at may isa sa kanila na maaaring makakita na siyang namumuno, tiyak na sila ay lalakad sa tamang landas at hindi mahuhulog sa mga hukay at balakid dahil sinusundan nila ang nakakakita na namumuno sa kanila. Ngunit kung wala ang taong iyon, tiyak silang matitisod sa bawat hadlang sa daan at lahat sila ay mahuhulog sa hukay.

(Baal HaSulam,  Panimula sa Aklat ng Zohar,  pt. 57)


…Yaong mga ang mga mata ay hindi nabuksan sa mga tanawin ng langit, at hindi natamo ang kasanayan sa mga kaugnayan ng mga sanga ng mundong ito sa kanilang mga ugat sa mga mataas na mundo ay parang mga bulag na kinakapkap ang mga pader. Hindi nila mauunawaan ang tunay na kahulugan kahit ng isang salita, sapagkat bawat salita ay pangalan ng isang sanga na may kaugnayan sa ugat nito.
Tanging kung sila ay makatatanggap ng paliwanag mula sa isang tunay na pantas na inilalapit ang sarili upang ipaliwanag ang bagay sa wikang sinasalita, na parang nagsasalin mula sa isang wika patungo sa isa pa, ibig sabihin mula sa wika ng mga sanga tungo sa wikang binibigkas, doon lamang niya maipapaliwanag ang espiritwal na termino ayon sa pagkakaugnay nito.

(Baal HaSulam “Pag-aaral ng Sampung Sefirot”. Vol. 1. Bahagi 1. Panloob na Pagsusuri)


…Ang isang tao ay may pagpipilian na pumunta sa lugar kung saan may mga matuwid. Maaari niyang tanggapin ang kanilang pamumuno, at siya ay makatatanggap ng lahat ng kapangyarihang wala siya batay sa likas ng kaniyang sariling mga katangian. Tinatanggap niya ito mula sa matuwid. Ito ang pakinabang sa “itinanim sila sa bawat henerasyon,” upang ang bawat henerasyon ay magkaroon ng mapupuntahan, mapagdidikitan, at kung saan makatatanggap ng lakas na kailangan upang umangat sa antas ng isang matuwid. Sa gayon, sila rin naman ay nagiging matuwid.

Baal HaSulam. Shamati Artikulo Blg.99.

…Kapag narinig ng isang tao ang mga salita ng Torah mula sa kanyang guro, agad siyang sumasang-ayon sa guro at nagpasiyang tuparin ang mga salita ng kanyang guro ng buong puso at kaluluwa. Ngunit, pagkaraan, kapag lumabas siya sa mundo, nakikita niya, hinahangad, at nahahawa sa maraming pagnanasa na gumagala sa mundo. [...] Siya ay napapasunod, nahahalo sa kanilang mga hangarin [...]. Wala siyang magagawa; napipilitan siyang mag-isip, magnasa, maghangad, at humiling ng lahat ng hinihiling ng nakararami. Pagkatapos pinipili niya ang kanilang dayuhang mga kaisipan at kanilang kasuklam-suklam na mga pita at pagnanasa [...].


Sa halip, iisa lamang ang payo noon: dumikit sa kanyang guro at sa mga aklat. [...] Sa pagdikit lamang sa kanila posible niyang mabago ang kanyang isipan at hangarin para sa ikabubuti. Gayunman, walang matalinong argumento ang makakatulong upang mabago niya ang isip, kundi tanging ang lunas ng Dvekut [pagkadikit]...

-- Baal HaSulam, Shamati, Artikulo Blg. 25, "Mga Bagay na Nagmumula sa Puso"


Dapat magtiwala ang isa sa opinyon ng kanyang rav at maniwala sa sinasabi sa kanya ng kanyang rav. Ibig sabihin, dapat niyang gawin ang sinasabi sa kanya ng kanyang rav.
At kahit na makita niya ang maraming argumento at maraming katuruan na hindi sang-ayon sa opinyon ng kanyang rav, dapat pa rin siyang magtiwala sa opinyon ng kanyang rav.

-- Baal HaSulam, Shamati, Artikulo Blg. 40, "Ano ang Sukatan ng Pananampalataya sa Rav?"


Ang matuwid, sa pamamagitan ng kanyang katuwiran, ay naglalaan ng kanyang mabubuting hangarin at kaisipan sa iba, upang sila rin ay magkaroon ng mabuting hangarin na kumapit sa Maylikha ng buong puso. Sa paglalagay ng hangaring iyon sa iba, ito ay itinuturing nang isang gawa na, sapagkat isang gawa sa iba ang nagawa mula sa hangaring mayroon siya. Ito ang kahulugan ng talata, “Binubuksan Mo ang Iyong kamay at pinupuno ng hangarin ang bawat may buhay,” sapagkat ang matuwid ay nagdadala ng kasaganaan sa mga mundo at sa bawat tao. At paano niya ginagawa iyon? Sa paglalagay ng kanyang hangarin sa iba. Sa gayon naging mga matuwid silang lahat dahil sa kanya. Sa ganitong paraan maaari niyang idulot sa kanila ang malaking kasaganaan sapagkat ang matuwid ay siya mismong parang nagbubukas ng kanyang bisig sa Maylikha upang ipagkaloob sa mundo. At sa ano siya nagbubukas? Binibigyang-kahulugan ng talata, “at pinupuno ng hangarin ang bawat may buhay,” sa pamamagitan ng pagpuno sa lahat ng hangaring mahalin ang Maylikha.

-- Rabbi Elimelech ng Lizhensk, Noam Elimelech [Ang Kaaya-ayaan ni Elimelech]


Nasusulat, “Ang Sanhedrin ay parang kalahating bilog upang magkitang isa’t isa,” sapagkat ang pag-ibig ay higit sa lahat ay yaong nakita nila ang isa’t isa. Hindi nila matiis ang hindi makitang isa’t isa, sapagkat kapag nakita nila ang isa’t isa, tumatanggap sila mula sa isa’t isa. Ito ang kahulugan ng sinabi ng ating mga pantas, “Samahan o kamatayan.”

-- Rabbi Nachman ng Breslov, Likutey Halachot