Aralin 16. Ang Kabalintunaan sa Providence – Isang Pag-aaral ng “Ang Kapayapaan” ni Baal HaSulam

Aralin 16. Ang Kabalintunaan sa Providence – Isang Pag-aaral ng “Ang Kapayapaan” ni Baal HaSulam

Nilalaman ng aralin
Mga Materyales

Aralin 16. Ang Kabalintunaan sa Providensya – Isang Pag-aaral sa “Ang Kapayapaan” ni Baal HaSulam

Mga Napiling Bahagi mula sa “Ang Kapayapaan” ni Baal HaSulam


Slide 1

Bnei Baruch Kabbalah Academy - Pandaigdigang Kurso 2025/2026
Ang Kapayapaan
Ni Rav Yehuda Ashlag (Baal Hasulam)


Slide 2

Orihinal na Pagkakalathala ng “Ang Kapayapaan” – Booklet Blg. 3 ni Baal HaSulam


Slide 3

(Isang empirikal, siyentipikong pagsasaliksik tungkol sa pangangailangan ng paggawa para sa Maylalang)
“Ang lobo ay tatahan kasama ang tupa at ang leopardo ay hihiga kasama ang batang kambing, at ang guya at ang batang leon at ang pinatabang baka ay magkakasama, at isang munting bata ang mamumuno sa kanila.”
“At mangyayari sa araw na iyon, na ang Panginoon ay iuunat muli ang Kanyang kamay, sa pangalawang pagkakataon, upang tipunin ang natira sa Kanyang bayan, yaong mga naiwan mula sa Ashur at mula sa Egypt, mula sa Patros at mula sa Kush, at mula sa Elam at mula sa Shin’ar, at mula sa Hamat, at mula sa mga isla sa dagat” (Isaias 11). 


Slide 4

“Sinabi ni Rabbi Shimon Ben Halafta, ‘Ang Panginoon ay hindi nakatagpo ng sisidlan para humawak ng pagpapala para sa Israel maliban sa kapayapaan, gaya ng nasusulat. ‘Ang Panginoon ay magbibigay ng lakas sa Kanyang bayan; pagpapalain ng Panginoon ang Kanyang bayan ng kapayapaan’’” (dulo ng Masechet Okatzin). 


Slide 5

Matapos maipakita sa mga naunang artikulo ang pangkalahatang anyo ng Kanyang gawain, na ang esensya ay walang iba kundi ang pagmamahal sa kapwa, na tinutukoy bilang “pagbibigay sa iba,” ibig sabihin, ang mismong pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa ay ang pagbibigay ng kabutihan sa iba, samakatuwid ay dapat tukuyin ang pagmamahal sa kapwa bilang pagbibigay sa kapwa, na pinakamainam para sa nilalaman nito, na may layuning huwag nating malimutan ang layunin.


Slide 6

Ngayon na alam na natin nang tiyak ang pamamalakad ng Kanyang gawain, nananatili pa rin ang tanong kung tinatanggap ba natin ang gawaing ito sa pamamagitan lamang ng pananampalataya, nang walang anumang siyentipikong, empirikal na basehan, o mayroon din ba tayong empirikal na basehan para rito. Ito ang nais kong patunayan sa sanaysay na nasa harapan natin. 


Slide 7

Ngunit una, kailangan ko munang lubos na patunayan ang mismong paksa, ibig sabihin, kung sino ang tumatanggap ng ating gawain.
Ngunit hindi ako tagahanga ng dogmatikong pilosopiya, dahil hindi ko gusto ang mga araling batay lamang sa teorya, at kilala na karamihan sa aking mga kapanahon ay sumasang-ayon sa akin, sapagkat masyado na tayong pamilyar sa mga ganoong pundasyon, na mga marurupok na pundasyon, at kapag ang pundasyon ay umuuga, ang buong gusali ay bumabagsak.


Slide 8

Kaya, dumito ako upang magsalita lamang sa pamamagitan ng pagsusuri gamit ang empirikal na katuwiran, nagsisimula mula sa payak na pagkilala na walang hindi sumasang-ayon, hanggang sa pagpapakitang-analitiko [paghiwa-hiwalay ng iba’t ibang bahagi ng isang usapin], hanggang makarating tayo sa pagtukoy sa pinakamataas na paksa. 


Slide 9

At ito ay susubukan nang sintetiko [ang koneksyon at pagkakaisa sa pagitan ng mga bagay, tulad ng pagbubuo at “lalo na”], kung paano ang Kanyang gawain ay kinukumpirma at pinatitibay ng simple at praktikal na pagkilala.


Slide 10

Kabalintunaan sa Providensya

Bawat matalinong nilalang na titingin sa realidad na nasa harapan natin ay makakakita ng dalawang ganap na magkasalungat dito. Sa pagsusuri sa nilikha, sa realidad at pamamalakad nito, maliwanag at pinatutunayan ang pamumuno ng dakilang karunungan at husay, 1) sa paglikha mismo ng realidad at 2) sa pagpapagtaguyod ng pagpapatuloy ng pag-iral nito sa kabuuan. 


Slide 11

Gamitin nating halimbawa ang paglikha ng isang tao: Ang pagmamahal at kaligayahan ng mga magulang ay siyang unang dahilan, sinigurado upang magampanan ang tungkulin nito. Kapag ang mahalagang patak ay nakuha mula sa utak ng ama, ang Providensya ay napakatalinong naghanda ng ligtas na lugar para rito, na angkop upang tumanggap ng buhay. 


Slide 12

Ang Providensya ay nagbibigay din dito ng pang-araw-araw na pangangailangan sa tamang dami. Naghanda rin ang Providensya ng isang kahanga-hangang pundasyon para dito sa sinapupunan ng ina upang walang estrangherong makapanakit dito.
Inaalagaan nito ang bawat pangangailangan nito tulad ng isang bihasang yaya na hindi ito nalilimutan kahit saglit hanggang matamo nito ang sapat na lakas upang lumabas sa ating mundo. Sa oras na iyon, ang Providensya ay pansamantalang nagpahiram dito ng sapat na lakas upang basagin ang mga pader na nakapaligid dito, at gaya ng bihasa at armadong mandirigma, ito ay bumubutas ng daan at lumalabas sa mundo.


Slide 13

Kahit doon, ang Providensya ay hindi ito iniiwan. Gaya ng mapagmahal na ina, dinadala ito sa mapagmahal at tapat na mga tao na mapagkakatiwalaan nito, na tinatawag na “Ama” at “Ina,” upang tulungan ito sa mga araw ng kahinaan hanggang sa ito’y lumaki at kaya nang bumuhay ng sarili. Gaya ng tao, ganoon din ang lahat ng hayop, halaman, at bagay na walang buhay; lahat ay maalab at maawain na inalagaan upang masiguro ang Kanilang pag-iral at pagpapatuloy ng kanilang lahi. 


Slide 14

Ngunit ang tumitingin sa realidad mula sa pananaw ng probisyon at pagpapatuloy ng pag-iral ay kitang-kitang makakakita ng matinding kaguluhan at kalituhan, na para bang walang tagapamuno at walang paggabay. Bawat isa ay gumagawa ayon sa sariling kagustuhan, binubuo ang sarili sa pagkasira ng iba, nagtatagumpay ang masasama at ang matuwid ay walang awang niyuyurakan.


Slide 15

Isaisip na ang magkasalungat na ito, na nasa harapan ng mata ng bawat matinong at edukadong tao, ay naging palaisipan ng sangkatauhan maging noong unang panahon pa. At maraming pamamaraan upang ipaliwanag ang dalawang malinaw na magkasalungat na ito sa Providensya, na kapwa namamayani sa iisang mundo.


Slide 16

Unang Paraan: Kalikasan

Matagal na ang paraang ito. Sapagkat hindi sila makahanap ng paraan at outlet upang mapalapit ang dalawang malinaw na magkasalungat na ito, inisip nilang ang Maylalang, Na lumikha ng lahat ng ito, Na nagbabantay ng mahigpit sa Kanyang nilikha upang walang makansela nito, ay walang isip at walang damdamin.
Kaya, bagama’t Siya ay nagbabantay sa pag-iral ng nilikha nang may kamangha-manghang karunungan, Siya mismo ay walang isip at gumagawa ng lahat nang wala sa lugar. Kung Siya ay may dahilan at pakiramdam, tiyak na hindi Niya hahayaan ang mga kapinsalaang ito sa probisyon ng realidad nang walang awa o habag para sa mga nagdurusa. Dahil dito, tinawag Siyang “Kalikasan,” na tumutukoy sa isang tagapangasiwa na walang isip at puso. Dahil dito, naniniwala silang walang dapat galitin, idalangin, o bigyang katuwiran sa Kanya.


Slide 17

Pangalawang Paraan: Dalawang Awtoridad

Ang iba ay mas masalimuot. Nahihirapan silang tanggapin ang pamamahala ng kalikasan, dahil nakita nilang ang pamamahala sa pag-iral, upang masiguro ang pagpapatuloy nito, ay may lalim ng karunungan na lampas sa abot ng tao. Hindi sila makapaniwalang ang tagapangasiwa sa lahat ng ito ay walang isip, sapagkat paano ka makakapagbigay ng bagay na wala ka? Paano ka magtuturo sa kapwa mo kung ikaw mismo ay mangmang?


Slide 18

Paano mo masasabi tungkol sa Gumagawa ng ganuong matatalino at marurunong na gawa sa ating harapan na hindi Niya alam ang Kanyang ginagawa, na ginagawa Niya ito dala lang ng pagkakataon, gayong maliwanag na walang anumang kaayusan ang ting mangyari ng tsamba, lalong hindi nito kayang siguraduhing magpapatuloy magpakailanman? Kaya, dumating sila sa pangalawang palagay na may dalawang tagapangasiwa dito: isa ang lumikha at nagpapanatili ng mabuti, at isa ang lumikha at nagpapanatili ng masama. Sila ay malawig na naglatag ng ebidensya at patunay para sa pamamaraang ito.


Slide 19

Ikatlong Paraan: Maraming mga Diyos

Lumabas mula mismo sa dibdib ng dalawang awtoridad ang paraang ito. Ibig sabihin, hinati-hati nila at pinaghiwa-hiwalay ang bawat pangkalahatang gawaing may kanya-kanyang supervisor, tulad ng lakas, kayamanan, kapangyarihan, kagandahan, taggutom, kamatayan, kaguluhan, at iba pa. Itinalaga nila ang bawat isa ng sarili nitong tagapangasiwa, at inunlad nila ang usapin ayon sa kanilang gusto.


Slide 20

Ikaapat na Paraan: Iniwan ang Kanyang Pagpapatakbo

Kamakailan, nang dumami ang kaalaman at nakita nila ang mahigpit na ugnayan ng lahat ng bahagi ng nilikha, kinilala nilang imposible ang konsepto ng maraming diyos. Kaya, muling bumalik ang tanong ng magkasalungat na damdamin sa nilikha.

Dito, nagbunga ito ng bagong palagay — na ang Tagapamahala ng realidad ay tunay ngang marunong at mapagmalasakit, ngunit dahil sa Kanyang kadakilaan na hindi kayang abutin ng isip, ang ating mundo ay katulad lamang ng isang butil ng buhangin, na walang halaga sa Kanyang paningin. Sa gayon, hindi na Niya pinagtutuunan ng pansin ang ating mga maliit na usapin, kaya’t magulo ang ating kabuhayan at bawat isa ay gumagawa ng naisin niya.


Slide 21

Sa tabi ng mga pamamaraang ito, umiiral ang mga panrelihiyong paraan ng Diyos-isang-kaisa. Ngunit hindi ito ang pook upang isuri ang mga ito, dahil nais ko lamang tingnan ang mga pinagmulan kung saan hinugot ang masasamang paraan at mga nakalilitong akala na malawakan at malawakang naghari sa iba’t ibang panahon at lugar.


Slide 22

Makikita natin na ang batayan kung saan nabuo at lumitaw ang lahat ng nabanggit na paraan ay ang kabalintunaan ng dalawang uri ng Providensya na matutunton sa ating mundo, at lahat ng paraang ito ay isinilang upang iwasto ang malaking pagkakahiwalay na iyon.


Slide 23

Subalit, walang bago sa ilalim ng araw, at hindi lang hindi naayos ang malaking pagkakahiwalay na ito, kundi mas lalo pa itong lumaki at lumawak sa harapan natin bilang isang nakakatakot na bangin na walang nakikitang lunas o pag-asa na malalagpasan.


Slide 24

Kapag tinitingnan ko ang lahat ng pagsubok na ginawa ng sangkatauhan sa libu-libong taon na walang naging bunga, ako ay napapaisip kung hindi ba natin dapat hanapin ang pag-aayos ng malaking pagkakahiwalay na ito sa pananaw ng Tagapamahala, kundi tanggapin na ang malaking pagwawasto ay nasa ating sariling mga kamay?


Slide 25

Kailangang Mag-ingat sa mga Batas ng Kalikasan

Malinaw na nakikita nating lahat na ang sangkatauhan ay kailangang mamuhay sa lipunan, ibig sabihin ay hindi tayo mabubuhay at mananatili nang walang tulong ng lipunan.


Slide 26

Kaya, isipin ang isang pangyayari kung saan tatalikuran ng isang tao ang lipunan at maninirahan sa isang liblib na lugar, at doon ay mamumuhay nang malungkot at mahirap dahil sa kawalan ng kakayahang tugunan ang mga pangangailangan niya. Ang taong iyon ay walang karapatang magreklamo tungkol sa Providensya o kaniyang kapalaran. At kung gagawin niya iyon, ibig sabihin ay magrereklamo at mumurahin ang mapait niyang kapalaran, ipinapakita lamang niya ang sarili niyang kahangalan, sapagkat habang inihanda ng Providensya para sa kanya ang isang maginhawa at kanais-nais na lugar sa lipunan, wala siyang sapat na dahilan upang talikuran ito at tumira sa liblib. Ang ganitong tao ay hindi dapat kaawaan, sapagkat sinasalungat niya ang likas ng pagkakalikha. Sapagkat nasa kaniya ang opsyon na mamuhay gaya ng itinakda ng Providensya, hindi siya dapat kaawaan.


Slide 27

Ang pangungusap na iyan ay sinasang-ayunan ng buong sangkatauhan nang walang pagtatalo. At maaari kong idagdag at pagtibayin ito sa relihiyosong batayan at bigyan ng ganitong anyo: Sapagkat ang Providensya ay pinalawig mula sa Maylalang, na tiyak na may layunin sa Kanyang mga gawa, dahil walang tao ang gumagawa nang walang dahilan, nalalaman nating sinumang lumabag sa isang batas sa mga batas ng kalikasan na inukit Niya sa atin, ay sumisira sa layuning itinalaga.


Slide 28

Dahil ang layunin ay hindi maaaring itayo maliban sa lahat ng batas ng kalikasan, wala ni isa ang hindi kasama, tulad ng tusong manggagawa na hindi magdadagdag o magbabawas kahit isang buhok na halaga ng kailangang gawa upang matamo ang layunin, siya na sisira ng kahit isang batas ay nangangahulugang sinisira at tinatangkilik ang layunin ng Maylalang at mapaparusahan ng kalikasan. Kaya, tayong mga nilalang ng Maylalang ay hindi rin dapat kaawaan sapagkat nilalabag niya ang mga batas ng kalikasan at sinisira ang layunin ng Maylalang. Iyan, sa aking palagay, ang anyo ng pangungusap.


Slide 29

At naniniwala ako na hindi magandang ideya na taliwasan ang anyong ito ng pangungusap na aking ibinigay, dahil iisa ang diwa nito. Ano nga ba ang pinagkaiba kung sasabihin nating ang tagapamahala ay tinatawag na “kalikasan,” ibig sabihin ay walang isip at layunin, o kaya ang tagapamahala ay kamangha-manghang marunong, nakakaalam, nakakaramdam at may layunin sa kaniyang mga gawa?


Slide 30

Sa huli, umamin at sumasang-ayon tayo na tayo ay obligado na sundin ang mga utos ng Providensya, ibig sabihin, ang mga batas ng kalikasan. At tayong lahat ay umaamin na ang sinumang lumalabag sa mga utos ng Providensya, ibig sabihin, ang mga batas ng kalikasan, ay dapat parusahan ng kalikasan, at hindi dapat kaawaan ng sinuman. Kaya, iisa ang diwa ng pangungusap, at ang pinagkaiba lang ay ang dahilan: Pinaniniwalaan nila na ito ay kinakailangan, at pinaniniwalaan ko na ito ay may layunin.


Slide 31

Upang hindi na natin kailanganin pang gamitin ang dalawang pananalita, 1) kalikasan, 2) tagapamahala, na gaya ng napatunayan ko, ay walang kaibahan pagdating sa pagpapatupad ng mga batas, mas mabuting sumang-ayon tayo at tanggapin ang sinabi ng mga Kabbalistang ang HaTeva [ang kalikasan] ay may kaparehong numerikal na halaga [sa Hebrew] gaya ng Elokim [Diyos] — walumpu’t anim. Kaya, maaari kong tawagin ang mga batas ng Diyos na “mga utos ng kalikasan,” o vice-versa (ang mga utos ng Diyos ay tawaging “mga batas ng kalikasan”), sapagkat iisa at pareho iyon, at hindi na kailangang talakayin pa.


Slide 32

Ngayon, mahalaga para sa atin na suriin ang mga utos ng kalikasan, upang malaman kung ano ang inaasahan sa atin, baka sakaling tayo ay parusahan nitong walang awa. Nasabi natin na obligado ng kalikasan ang sangkatauhan na mamuhay sa lipunan, at ito ay payak. Ngunit kailangan nating suriin ang mga utos na kinakailangan nating sundin tungkol dito, ibig sabihin, tungkol sa buhay panlipunan.


Slide 33

Sa pangkalahatang pagsusuri, makikita natin na may dalawang utos lamang na dapat sundin sa lipunan. Ito ay maaaring tawaging 1) “pagtanggap” at 2) “pagbibigay.” Nangangahulugan ito na bawat kasapi ay dapat, ayon sa kalikasan, tumanggap ng kaniyang pangangailangan mula sa lipunan at dapat na magbigay ng kapakinabangan sa lipunan sa pamamagitan ng kaniyang paggawa tungo sa kabutihan nito. At kung ang isa ay lalabag sa isa sa dalawang utos na ito, siya ay parurusahan ng walang awa.


Slide 34

Hindi na natin kailangang masusing pag-aralan ang utos ng pagtanggap, sapagkat ang kaparusahan ay agad ding ibinibigay, na pumipigil sa anumang pagpapabaya. Ngunit ang isa pang utos, ang pagbibigay sa lipunan, hindi agad ang parusa, kundi binibigay ito nang di-tuwiran. Kaya, ang utos na ito ay hindi maayos na naisasagawa.
Dahil dito, ang sangkatauhan ay tila piniprito sa matinding kaguluhan, at ang alitan at taggutom at ang mga bunga nito ay di pa rin natatapos magpahanggang ngayon.


Slide 35

Ang nakapagtataka rito ay ang kalikasan, na gaya ng isang bihasang hukom, ay nagpaparusa sa atin ayon sa ating pag-unlad. Sapagkat makikita natin na habang umuunlad ang sangkatauhan, dumarami rin ang sakit at hirap sa pagtatamo ng ating ikabubuhay at pag-iral.


Slide 36

Kaya mayroon kang siyentipiko at empirikal na batayan na ang Kanyang Providensya ay iniuutos sa atin na gawin nang buong lakas ang utos ng pagbibigay sa kapwa sa sukdulang katumpakan, sa paraang wala ni isang kasapi ang magtatrabaho nang kulang pa sa dami na kailangan upang matiyak ang kasiyahan ng lipunan at ang tagumpay nito. Hangga’t tayo ay nagpapabaya na isagawa ito nang lubusan, ang kalikasan ay hindi titigil sa pagpaparusa sa atin at pagpaghiganti.

At bukod sa mga paghihirap na tinitiis natin ngayon, dapat din nating isaalang-alang ang matalim na tabak ng hinaharap. Kailangang mailatag ang tamang konklusyon—na sa huli ay mapagtatagumpayan tayo ng kalikasan at mapipilitan tayong magkaisa upang sundin ang mga utos nito sa lahat ng hinihingi nito sa atin.