"Hevruta" - pagkatapos ng Aralin 14. Ang Aklat ng Zohar

"Hevruta" - pagkatapos ng Aralin 14. Ang Aklat ng Zohar

Nilalaman ng aralin
Mga Materyales

Ang Aklat ng Zohar


Isang natatanging aklat na pinuri ng lahat ng mga kabbalist sa paglipas ng panahon tungkol sa kahalagahan nito. Bago tayo magsimula, basahin muna natin ang ilan sa mga isinulat ng pinakadakilang mga kabbalist tungkol dito.


Walang ibang kaluguran ang Maylalang sa Kanyang mundo maliban kung tayo ay nag-aaral ng Karunungan na ito. Higit pa rito, ang tao ay nilikha lamang upang pag-aralan ang Karunungan ng Kabbalah.  

Chaim Vital, Panimula sa Shaar HaHakdamot


 

Ang ipinasiya sa Itaas na huwag pag-aralan nang lantaran ang karunungan ng katotohanan ay para lamang sa isang takdang panahon, hanggang sa matapos ang taon 1490.  At mula noon, ito ay tatawaging Huling Henerasyon, at binawi ang utos, at pinayagang pag-aralan ang  Aklat ng Zohar.  At mula sa taong 1540 naging opsyonal ang pagtalakay dito nang hayagan, bata man o matanda. At ...  hindi nararapat ang pagpapabaya.

(Rabbi Avraham ben Mordechai Azulai,  panimula ng aklat na “Ohr HaChama”)


Sa panahong ito, kinakailangan ang mas pinabilis na pag-angkin ng panloob na Torah. Ang Aklat ng Zohar ay nagbubukas ng mga bagong landas, gumagawa ng daan sa disyerto, ang Zohar at lahat ng bunga nito ay handang buksan ang mga pintuan ng pagtubos.

The Rav Raiah Kook, Orot 


Kung pinakinggan lang ng aking mga tao sa henerasyong ito, pinag-aralan sana nila ang Zohar at ang Tikunim kasama ng isang batang siyam na taong gulang, upang pagbulay-bulayan ang mga ito, at ang takot sa kasalanan nito ay sana nauna pa kaysa sa karunungan nito at nanaig.

Rabbi Isaac Sefarin, Notzer Chesed, Kabanata 4, Mishna 20


Kapag pinag-aaralan ang aklat na ito, ang kapangyarihan ng mga kaluluwa at ng mga matuwid ay ginising kasama ng kapangyarihan ni Moises…. Sapagkat kapag kanilang pinag-aaralan ito, pinanunumbalik nila ang Liwanag na nabuhay noong panahon na isinulat ito, at ang Banal ay nagliliwanag at nagpapasinag ng Liwanag na iyon gaya noong simula ng Kanyang panibagong pagbuo noon. At lahat ng nag-aaral nito ay nagsisibalik at ginigising ang parehong pakinabang at ang dating Liwanag na inihayag ni Rabbi Shimon bar Yochai at ng kanyang mga kaibigan noong panahong sinusulat ito.  
(Rabbi Moshe Cordovero, the Ramak, “Ohr Yakar”, Gate 1, section 5)


Pakinggan ninyo ako, mga kapatid at mga kaibigan, ang mga kasamang nananabik at naghahanap ng tunay na katotohanan ng paglilingkod ng puso, upang masdan ang kagandahan ng Maylalang at dumalaw sa Kanyang Palasyo, ang kaluluwa ko ay yuyuko at dumikit sa Aklat ng Zohar, gaya ng nalathala mula sa bibig ng ating mga ninuno, ang lunas ng pag-aaral sa banal na aklat.

(Rabbi Tzvi Hirschof Zidichov)


Ngayon, pag-usapan natin ang tungkol sa mismong aklat.


 


Isinulat ito ni Rabbi Shimon Bar Yochai noong ika-2 siglo - ngunit itinago ito at muling nakuha sa Espanya, sa pamamagitan ni Rabbi Moshe de Leon.

 

Ang aklat na kilala natin ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi:


1. Hakdamat Sefer HaZohar (Panimula ng Aklat ng Zohar)—naglalaman ng
ilang mga artikulo na ganap na nagpapakita ng panloob na kahulugan ng Torah.

2. Sefer HaZohar (Ang Aklat ng Zohar)—hinati sa mga bahagi at kabanata na
sumusunod sa mga lingguhang bahagi ng Torah:


- Ang Aklat ng Beresheet (Genesis): Beresheet, Noach, Lech Lecha, Vayera, Chaiey
Sarah, Toldot, Vayetze, Vayishlach, Vayeshev, Miketz, Vayigash, Vayichi.

- Ang Aklat ng Shemot (Exodus): Shemot, Vayera, Bo, Beshalach, Yitro, Mishpatim,
Terumah (Safra de Tzniuta), Tetzaveh, Ki Tissa, Veyikahel, Pekudey. 

- Ang Aklat ng Vayikra (Leviticus): Vayikra, Tzav, Shmini, Tazria, Metzura,
Acharey, Kedushim, Emor, BaHar, Vechukotay.

- Ang Aklat ng Bamidbar (Numbers): Bamidbar, Naso (Idra Raba), Baalotcha,
Shlach Lecha, Korach, Chukat, Balak, Pinchas, Matot.

- Ang Aklat ng Devarim (Deuteronomy): VeEtchanen, Ekev, Shoftim, Titze,
Vayelech, Haazinu (Idra Zuta).

3. Zohar Hadash (Ang Bagong Zohar): mga dagdag sa mga lingguhang kabanata

4. Karagdagang mga aklat sa Aklat ng Zohar na hindi direktang komentaryo
sa Torah:
- Idra Raba

- Idra Zuta,

- Safra de Tzniuta

- Raza de Razin,

- Tosefta,

- Raya Mi’emna,

- at iba pa: Ashmatot, Sitrey Torah, Sitrey Otiot, at Tikuney Zohar.

5. Midrash HaNe’elam (Ang Komentaryo sa mga Sulat): Awit ni Solomon, Ruth,
Eicha (Lamentations)—at tungkol sa Torah (Pentateuch).


Ngayon basahin natin ang ilan kasama ang paliwanag ni Rav Dr. Michael Laitman


Ang rosas


 Sinimulan ni Rabbi Hizkiyah: “Nasusulat, gaya ng isang rosas sa gitna ng mga tinik” (Shir
HaShirim, 2:2). Nagtanong siya, "Ano ang kinakatawan ng rosas?" Sumasagot siya, “Ito ay ang
Kapulungan ng Israel, ibig sabihin ay Malchut. Sapagkat mayroong rosas, at mayroong rosas.
Gaya ng isang rosas sa gitna ng mga tinik na may halong pula at puti, gayundin ang Kapulungan
ng Israel (Malchut) ay binubuo ng paghuhukom at awa. Tulad ng isang rosas na may labintatlong
talulot, gayundin ang Kapulungan ng Israel ay binubuo ng labintatlong katangian ng awa,
na nakapalibot dito sa lahat ng panig. Pagkatapos, ang Elokim (ang pangalan ng Maylalang na
tumutukoy sa Kanyang pag-uugali matapos ang mga mababa sa pamamagitan ng pwersa ng paghuhukom), gaya ng nasusulat, ‘Sa pasimula, nilikha ng Elokim’ (ang unang pangungusap sa Torah),
Sa pasimula (nang una Niyang naisip ito), nilikha Niya ang labintatlong salita para palibutan
ang Kapulungan ng Israel at protektahan ito, at narito ang mga ito: ANG,
LANGIT, AT-ANG, LUPA, AT-ANG LUPA, AY, WALANG LAMAN, AT-
MAGULO, AT-ANG DILIM, SA, MUKHA, NG LALIM,
AT-ANG ESPIRITU, hanggang sa salitang Elokim” (Sa Hebrew, ang “at” ay isinusulat na kasama ng susunod na salita. Kaya, ito ay itinuturing bilang isang salita).


Paliwanag ni Rav Laitman:

Bilang paksa ng pag-aaral nito, tinatalakay ng Kabbalah ang nag-iisang nilikha, ang tanging bagay na
umiiral maliban sa Maylalang—ang sarili ng tao, o “ako,” at sinasaliksik ito. Hinahati ng agham na ito
ang sarili sa mga bahagi, ipinaliwanag ang estruktura at mga katangian ng bawat bahagi, at
ang layunin ng pagkakalikha nito. Ipinapaliwanag ng Kabbalah kung paano pagbabago ang bawat bahagi ng sarili ng tao, na tinatawag
na “ang kaluluwa,” upang maabot ng isa ang layunin ng paglikha, ang estadong ninanais ng Maylalang at ng tao mismo, basta ito ay naisasakatuparan.
Walang ibang agham sa mundo na kayang ilarawan, maging grapikal o
analitikal, sa pamamagitan ng mga pormula, ang ating mga sensasyon at hangarin, at kung paano ito kaiba-iba
at napaka-maraming anyo. Ganito sila pabago-bago, hindi mahulaan, at lubos na
magkakaiba sa bawat isa. Ito ay dahil ang ating mga hangarin ay lumilitaw sa ating isipan
at pakiramdam nang paunti-unti, sa tiyak na pagkakasunod-sunod, upang ating makilala
at maituwid ang mga ito

 

Sa kabuuan, may sampung antas na tinatawag na “sampung Sefirot”: Keter, Hochma, Bina, Hesed,

Gevura, Tifferet, Netzah, Hod, Yesod, at Malchut. Gaya ng sampung tabing o kurtina,
ang sampung Sefirot na ito ay nagtatakip ng Liwanag ng Maylalang mula sa atin o ang Maylalang Mismo
(na siyang pareho). Ang sampung tabing na ito ay bumubuo ng sampung antas ng ating
pagkalayo sa Maylalang.
Kaya, upang mapalapit sa Maylalang ng isang antas, ang pinakamababa
na mas mataas sa ating sariling katangian, dapat nating taglayin ang mga katangian ng antas na iyon. Ibig sabihin nito ay nagiging katulad ng ating mga katangian sa mga katangian ng antas na iyon, sa halip na manatiling mas mababa rito. Ang pagkakaroon ng katulad na mga katangian ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng parehong mga hangarin. Sa sandaling ang ating mga hangarin ay nagkakatugma sa mga hangarin ng antas na iyon, nawawala ang pagtatakip nito, at tila sumasailalim tayo rito, at siyam na antas na lamang ang naglalayo sa atin sa Maylalang.
Gayunpaman, ang huling, pinakamababang antas ay naiiba sa lahat ng iba: sa oras na ang isang tao
ay tumaas mula sa ating mundo at makarating sa unang antas, siya ay nagsisimula nang makakita
(makaramdam) sa Maylalang. At ang lahat ng kasunod na antas ay mga antas ng paglapit
sa Maylalang. Tanging ang pinakaunang antas, kung saan tayo kasalukuyan ay namumuhay, ang ganap na nagtatakip sa Maylalang, samantalang ang lahat ng Mataas na Antas ay naglalayo lamang sa Kanya.
Bagaman binibilang natin ay sampung antas, sa katunayan ay lima lamang ito. Ito ay dahil
ang anim na antas: Hesed, Gevura, Tifferet, Netzah, Hod, at Yesod ay nagiging isang Sefira, tinatawag na Zeir Anpin (ZA). Ang ZA ay tinutukoy minsan bilang Tifferet, dahil ang Sefira na ito ay sumasalamin sa mga pangunahing katangian ng anim na Sefirot nito.
Kaya, may limang antas ng pagtatakip mula sa Maylalang pababa sa ating
mundo: Keter, Hochma, Bina, ZA, at Malchut. Bawat antas ay tinatawag ding Olam (daigdig), mula sa salitang Haalamah (pagtatago o pagtatakip). Bawat antas ay may iba’t ibang mababang antas, na tinatawag na Partzufim (maramihang Partzuf), at bawat mababang antas ay may sarili nitong mga antas, tinatawag na Sefirot (maramihan ng Sefira). Kaya sa kabuuan, 5 x 5 x 5 = 125 na antas-Sefirot ang umiiral sa pagitan natin at ng Maylalang

 


 

Schema

 

 


Mga Daigdig

Pinag-aaralan ng Kabbalah ang estruktura ng mga espiritwal na mundo. Ang layunin ng mga
mundong ito ay pahinain ang mga senyales (hangarin) ng Maylalang upang ating maunawaan
ito sa pamamagitan ng ating egoismo at maisakatuparan ito gamit ang ating isipan. Sa Hebreo, ang salitang
para sa “mundo” ay Olam (mula sa salitang Haalamah—ibig sabihin ay pagtatago), dahil
ang mga mundong ito ay nagtatago at nagpapahina sa Liwanag ng Maylalang hanggang sa saklaw
na maramdaman natin ito.
Depende sa espiritwal na katangian ng bawat isa, sa antas ng natamo
(ganap na egoismo = ating mundo, bahagyang altruismo = espiritwal na mga mundo),
iba ang ating pagtanaw sa Maylalang o sa Kanyang Liwanag sa bawat isa sa 125 na antas. Ang
125 na antas na ito ay bumubuo lamang ng sampu, tinatawag na “sampung Sefirot sa pagitan ng Maylalang at
atin,” kung saan ang bawat mababang Sefira ay nagpapasa ng mas kaunti sa Liwanag ng Maylalang, ayon
sa nararanasan ng mga naroroon sa antas na iyon. Habang mas mababa ang Sefira, mas kaunti sa Liwanag ng Maylalang ang pinapadaan nito
para sa mga nasa ibaba nito.
 


SEFIROT


Ito ang mga pangalan ng mga Sefirot: Keter, Hochma, Bina, Hesed, Gevura, Tifferet,
Netzah, Hod, Yesod, at Malchut. Subalit, anim sa kanila ay pinagsama sa isang
Sefira, na tinatawag na Zeir Anpin, kaya limang Sefirot lamang ang lahat: Keter, Hochma, Bina,
ZA, at Malchut. Gayundin, si ZA mismo (karaniwan ay tinuturing na lalaking Sefira) ay
minsan tinatawag na Tifferet, sapagkat Tifferet ang pangunahing Sefira niya, sumasaklaw sa sarili
ng mga katangian ng anim na Sefirot ng ZA. Kaya, nilikha ng Maylalang ang limang Sefirot lamang:

Keter—ang hangarin ng Maylalang na magbigay ng ligaya sa atin, Malchut;

Hochma—ang kasiyahan mismo, na ninanais ng Maylalang na ipagkaloob sa atin;

Bina—nagpapasa ng kasiyahan mula Hochma sa ZA;

ZA—tumatanggap ng kasiyahan mula Bina at ipinapasa ito sa Malchut;

Malchut—tumatanggap ng kasiyahan.


Si Malchut mismo ang nilalang—ang makasariling hangaring tumanggap ng kasiyahan, upang tamasahin
ang Liwanag ng Maylalang. Ang hangaring ito na tamasahin ang Liwanag ng Maylalang o ang Maylalang
(na siyang pareho) ang pinakapinakalaman ni Malchut. Tayo ay mga bahagi ni Malchut.
Gayunpaman, kung ang ating mga hangarin ay puro makasarili, nararamdaman natin ang Liwanag ng Maylalang bilang mga kasiyahan
sa ating mundo. Ito ay isang maliit na bahagi ng Kanyang Liwanag. Sa pamamagitan ng pagwawasto ng ating mga hangarin
(mga katangian), maaari tayong umangat sa espiritwal na mga antas ng Mataas na mga Mundo, at doon
maranasan ang tunay na kasiyahan ng Maylalang.

Ayon sa Kaisipan ng Paglikha, dapat tumanggap si Malchut ng Liwanag mula sa
apat na naunang Sefirot, at magalak dito. Kaya, si Malchut mismo ay binubuo ng limang
bahagi: tumatanggap siya ng Liwanag mula sa mga naunang Sefirot sa apat na bahagi, at nararamdaman
ito sa ikalima.

Lahat ng Sefirot na nauna kay Malchut (maliban kay Malchut) ay katulad ng ating mga
organo ng pandama, at si Malchut ay gaya ng puso na tumatanggap mula sa lahat ng organo: isipan,
paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa, at pandama. Ang puso ay si Malchut, at ang mga pandama
ay ang unang siyam na Sefirot na nauna kay Malchut. Lahat ng mga bahaging ito ni Malchut
ay makasarili—nais nilang tanggapin ang Liwanag (kasiyahan) upang matamasa ito. Sa mga ganitong
katangian, hindi kayang tanggapin ni Malchut ang higit pa sa isang mikro-dosis ng Liwanag sa ating
mundo, nararamdaman ang Maylalang sa isang kundisyon na tinatawag na “ang mundong ito.”


Gayunpaman, kung si Malchut, ibig sabihin, bawat isa sa atin, ay magkaroon ng hangaring (mga aspirasyon)
mula sa Itaas na makapagbigay ng kaluguran sa Maylalang sa lawak na ating nararamdaman
ang Maylalang na nagbibigay sa atin, sa ganitong katangian (hangarin), ang tao ay aakyat
espiritwal sa antas na lampas sa ating mundo. Mararamdaman niya ang Maylalang bilang espiritwal
na Liwanag, walang pag-iimbot na kasiyahan at dakilang kaalaman, pag-abot ng napakataas na kaisipan
at pinakapinakapayak ng pag-iral

Si Malchut ay maaaring tumanggap ng Liwanag tanging sa mga hangaring kontra-egoistiko. Kung ganyang mga hangarin
ay lumitaw kay Malchut bilang resulta ng pag-unawa na ang egoismo ay kanyang kaaway (sa tulong ng Kabbalah), sa sukat ng kanyang galit dito, kayang itaboy ni Malchut
ang mga makasariling kasiyahan alang-alang sa espiritwal na pagpapakaperpekto, ibig sabihin, pagkakatulad sa
Maylalang sa kanyang hangaring bigyan Siya ng kaluguran at kumilos alang-alang sa Kanya.

Ang kakayahang ito na itaboy ang makasariling pagtanggap ng kasiyahan ay tinatawag na “tabing,” at
ang itinaboy na kasiyahan ay tinatawag na “Bumabalik na Liwanag,” at ang kasiyahan na dumadating kay
Malchut ay tinatawag na “Direktang Liwanag.” Eksaktong sa itinaboy na kasiyahan, ibig sabihin,
sa pagnanasang magbigay ng buong puso, walang kapalit, doon kayang madama ng tao ang
Liwanag at Kataas-taasang Kaalaman ng Maylalang.

Dahil si Malchut (ang egoismo ng tao) ay kailangang itaboy ang kasiyahan mula sa limang bahagi ng kanyang
egoismo, ang tabing na tumataboy ay dapat ding binubuo ng limang bahagi. Kaya, lumilikha ito ng limang
bahagi ng Bumabalik na Liwanag. Ang limang bahagi kay Malchut ay tinatawag sa mga pangalan
ng Sefirot na pinagmumulan. Ang limang uri ng Direktang Liwanag ay tinatawag na NRNHY: Nefesh, Ruach, Neshama, Haya at Yechida. 


Pagkatapos itaboy ni Malchut ang Liwanag (kasiyahan), siya ay nagpapasya na tanggapin ito upang
bigyang lugod ang Maylalang, dahil gusto ng Maylalang na makatanggap si Malchut ng kasiyahan at maramdaman Siya.
Ang pagtaboy sa lahat ng pumapasok na kasiyahan ay tinatawag na Rosh (ulo). Ang bahagyang
pagtanggap ng Liwanag ayon sa lakas ng pagitan-egoismo ng tao ay tinatawag na Toch


Ngayon tiyakin natin ang sinasabi ng Zohar: May sampung Sefirot: Keter
(K), Hochma (H), Bina (B), Hesed (H), Gevura (G), Tifferet (T), Netzah (N), Hod
(H), Yesod (Y), at Malchut (M). Subalit, limang lang talaga ito:
Keter (K), Hochma (H), Bina (B), Tifferet (T), at Malchut (M). Dahil
ang Tifferet (na tinatawag ding Zeir Anpin—ZA) ay binubuo ng anim na Sefirot, mula Hesed hanggang
Yesod. Limang Sefirot KHB-ZA-M ang lumikha ng limang Partzufim sa bawat mundo. Sa mundo
ng Atzilut, ang mga Partzufim na ito ay Arich Anpin (AA), Aba ve Ima (AVI), at Zeir Anpin
at Nukva (ZON). Si Keter ay tinatawag na AA; kaugnay nito, si Hochma at Bina ay
tinatawag na AVI; at si ZA (Tifferet) at Malchut ay tinatawag na ZON.
Ang diwa ng pitong araw ng paglikha ay nasa Partzufim ZA at Nukva ng
mundo ng Atzilut, na binubuo ng pitong Sefirot: HGT-NHYM. At mula sa

paglalarawan ng paglikha, lumalabas kung paanong si AVI (Hochma at Bina) ay nagpapanganak sa ZON (lahat
ng nilikha, kasama tayo) at itataas sila sa kanilang huling estado sa loob ng 6,000
taon. Ito ang sinasabi ng Aklat ng Zohar.
Sinimulan ni Rabbi Hizkiyah ang kanyang paliwanag sa Nukva ng mundo ng Atzilut
sa pamamagitan ng pagpaliwanag kung paano ipinanganak ang ZON mula kay Ima (Bina), na tinatawag na Elokim. Iyon ang dahilan kung bakit niya
sinimulan ang kanyang paliwanag sa isang rosas, Nukva ng ZA. Sa lubos na pagkakumpleto ng
kanyang pag-unlad, ang Nukva ng ZA ay tinatawag na Knesset Israel, ang Kapulungan ng Israel.
Sapagkat ang Nukva ay binubuo ng lahat ng kaluluwang tinatawag na Israel; kaya, nasabi na ang rosas ay
Knesset Israel.
May dalawang estado ang isang rosas (Malchut). Ang pinakamababa, unang, maliit na estado
(Katnut) ay kapag si Malchut ay binubuo lamang ng Sefira Keter na pinupuno ng Liwanag ng
Nefesh, habang ang siyam pang Sefirot niya ay yaong mga nahulog mula sa mundo ng Atzilut
patungong mundo ng Beria. Ang kabilang estado ng Nukva ay ang ganap na malaki,
kumpleto (Gadlut), kapag ang siyam niyang Sefirot ay tumataas mula mundo ng Beria pabalik sa
mundo ng Atzilut, at binubuo ang buong sampung Sefirot ng kanyang Partzuf. Pagkatapos, na kapantay ng kanyang asawa, si Malchut ay umangat kasabay niya sa AVI at sinusuotan sila, ibig sabihin, tumatanggap ng kanilang Liwanag.
Ang pagsusuot ng mababang, panlabas na Partzuf sa Itaas, Panloob ay nangangahulugan
na ang mababang Partzuf ay nakakaabot ng bahagi ng Itaas, umaangat sa Mas Mataas
na antas espiritwal, at nagiging isang paraan ay kahalintulad ng Itaas na Partzuf.
Sa estado na iyan, si ZA ay tinatawag na Israel, mula sa mga titik na LI (akin) at ROSH
(ulo), na sumasagisag sa estadong Gadlut, habang si Nukva ay tinatawag na “Kapulungan ng Israel,” dahil siya ang nag-iipon ng Liwanag ng kanyang asawa, si ZA, at ipinapasa ito
sa mga mababa—ang mga kaluluwa sa mga mundo ng BYA.
Ang estado ng Katnut ni Nukva ay tinatawag na “rosas sa gitna ng mga tinik,” dahil siyam niyang mas mababang
Sefirot sa estadong Katnut ay nahulog sa ilalim ng Parsa ng mundo ng Atzilut, kaya
nawala ang Liwanag ng mundo ng Atzilut, at naging tuyo na parang mga tinik. At sa
kanyang estadong Gadlut, si Nukva ay tinatawag lang na “rosas” o “Kapulungan ng Israel.” Ito
ang dahilan kung bakit sinasabi, “may rosas, at may rosas.”
Ang kulay pula ay sumasalamin sa koneksiyon ng rosas sa panlabas, di-mabubuting pwersa,
na, dahil sa pagkakakonekta, ay maaaring humigop ng lakas (Liwanag) mula rito. Ito ay
dahil siyam niyang Sefirot ay nakababa sa pagka-exile sa ilalim ng mundo ng Atzilut, sa mundo
ng Beria, na maaaring naglalaman ng di-mabubuting pwersa. At ang rosas ay may kulay na
puti sa kanyang Sefira Keter, sapagkat ang kanyang Sefira Keter ay nasa mundo ng Atzilut, sa ibabaw ng
Parsa, kung saan walang kontak sa mababang, di-mabubuting pwersa. Sa ibang salita,
may dalawang magkasalungat na estado: kasakdalan at kawalan nito, Liwanag at kadiliman.
 


 

Kaya nasusulat na gaya ng isang rosas sa gitna ng mga tinik na may halong pula
at puti, gayundin ang Kapulungan ng Israel ay binubuo ng paghuhukom at awa. Ipinapakita nito
na sa Gadlut, kapag si Malchut ay tinatawag na Knesset Israel, kahit na tumaas siya sa Bina at sinusuotan ito, nananatili pa rin siyang may katangian ng paghuhukom, ng
pamigil—isang ugali na matigas at makatarungan, sa halip na mahabagin. Ganito ito dahil kailangan niya ng tabing (isang lakas ng paglaban sa kanyang makasariling hangarin),
na, kung meron, nagpapahintulot kay Malchut na tumanggap ng Liwanag Mula Itaas.


Ang batas, paghuhukom, o pamigil ay hindi nagpapahintulot sa pagtanggap ng Liwanag
sa mga makasariling hangarin. Ang tabing, ang hangaring labanan ang makasariling hangarin,
itinataboy ang Liwanag Mula Itaas (kasiyahan) pabalik sa pinagmulan nito, ang Maylalang. Ang Liwanag na ito na ibinabalik ng tao ay tinatawag na “Bumabalik na Liwanag” o “Liwanag ng Paghuhukom.”

 

Sa sukat ng lakas ng pagtaboy (ibig sabihin, ng lakas ng paglaban sa
sariling pagnanasa), pinapahintulutan ang tao na tumanggap ng sampung Sefirot ng Liwanag Mula Itaas
(na tinatawag na Direktang Liwanag, o Liwanag ng Awa) alang-alang sa Maylalang, sa ganitong
mga makabubuting hangarin mismo. At iyon ang dahilan, kahit sa kanyang ganap na estado, ang Kapulungan
ng Israel ay binubuo ng paghuhukom at awa, na umaayon sa pula at
puting kulay ng isang rosas sa gitna ng mga tinik


Sige, dito muna tayo titigil, ngunit dalawang bagay:

- Makikita natin na ang wika ng Zohar ay napakanipis at tumutukoy sa tiyak na espiritwal na estado (na nasilip lang natin ngayong araw) – at sa wika ng Kabbalah, kailangan natin ng mas maraming mga salita at paglalarawan – at ito ang ginawa ni Baal HaSulam sa kanyang komentaryo sa Zohar, binigyan niya tayo ng pinalawak na bersyon upang maisalin natin ang mga estadong ito bilang mga kilos ng ating kaluluwa, at upang higit na maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng Zohar isinulat rin niya ang 4 na panimula sa aklat ng Zohar, kaya huwag kayong malungkot kung hindi ninyo naiintindihan ang lahat, babalik tayo rito ngunit sa mas mahusay na paghahanda at sa paglipas ng panahon at pagpupursige, ito ay magiging malinaw na mararamdaman ninyo na ang aklat ay karapat-dapat sa kanyang pangalan—ang aklat ng Zohar—liwanag—nagniningning sa ating mundo.

- Samantala, kailangan nating tandaan ang isinulat ni Baal HaSulam sa panimula ng Pag-aaral ng Sampung Sefirot:

Kahit na hindi nila nauunawaan ang kanilang pinag-aaralan, sa pamamagitan ng pananabik at malaking hangaring maunawaan ang kanilang pinag-aaralan, hinahatak nila sa kanilang sarili ang mga Liwanag na pumapaligid sa kanilang mga kaluluwa.

Baal HaSulam, Panimula sa Pag-aaral ng Sampung Sefirot

 

Kaya depende ito sa layunin habang nag-aaral at sa susunod na linggo, ang paksa ay aktuwal na magiging “Layunin”