Aralin 4. Pagtingin sa Katotohanan

Aralin 4. Pagtingin sa Katotohanan

Ang paksang lilinawin natin sa araling ito ay, walang duda, isa sa mga pinakakawili-wili at hamong paksa sa pag-aaral ng karunungan ng Kabbalah: ang persepsyon ng realidad. Ngunit huwag mag-alala — hindi ito isang pilosopikal na pagsusuri. Sa kabaligtaran, sa pag-unawa kung paano natin naiintindihan ang realidad, maaari nating simulang lapitan ang ilan sa pinakamahahalagang tanong sa buhay nang may kaliwanagan, makahanap ng tunay na mga solusyon, at magamit ang mga ito sa praktikal at makabuluhang paraan.

Nilalaman ng aralin
Mga Materyales

Buod ng Aralin:

  • Ayon sa karunungan ng Kabbalah, ang realidad sa labas natin ay walang sariling anyo.
  • Ang tao na tumatanggap ng realidad ang siyang nagbibigay dito ng anyo. Sa ibang salita, ang tao mismo ang lumilikha ng kanyang sariling larawan ng realidad.
  • Ang kagustuhang tumanggap ay ang panloob na programa na nagpapatakbo ng mekanismo ng ating persepsyon ng realidad.
  • Nakikita natin ang gusto nating makita.
  • Upang matanggap ang espiritwal na realidad, kailangan nating baguhin ang panloob na programang ito — ang ating kagustuhang tumanggap.
  • Ayon sa Law of Equivalence of Form, upang mapansin o matanggap ang espiritwal na realidad, kailangang mapaunlad sa loob ng kagustuhang tumanggap ang pagiging sensitibo sa espiritwalidad — sa madaling salita, bigyan ito ng katangian ng pagbibigay.

Aralin 4. Pagtingin sa Realidad


Sa araling ito ay matututuhan natin:

  • Ano ang realidad?
  • Paano natin nakikita o nararanasan ang realidad?
  • Ano ang espiritwal na realidad?
  • Sa anong mga pandama natin nararanasan ang espiritwal na realidad?

  • Nakikita natin ang kung saan tayo nakatutok.
  • At ang mga hindi natin pinagtutuunan… hindi natin nakikita.
  • Pinipili lamang natin ang ating pananaw sa realidad.
  • Maraming bagay na nangyayari sa paligid natin na hindi natin namamalayan.

  • Mayroon bang mga bagay na namimiss natin sa buhay?
    Ano ang tinututukan natin kaya natin ito namimiss?
    Ano ang pumipigil sa atin para makita ang “malawak na larawan”?
    Paano natin mapapalawak ang ating pagtingin sa realidad?

Ayon sa agham:

  • Ang utak ng tao ay naaabot bawat sandali ng 4 bilyong bits ng impormasyon, ngunit halos 2,000 lamang dito ang ating napapansin.
  • Ang tao ay may humigit-kumulang 30,000 na genes, at 5% lamang dito ang alam natin ang gamit.
  • Gamit lamang natin ang 3–5% ng kapasidad ng memorya ng ating utak.
  • Ang saklaw ng ating pandinig ay limitado sa humigit-kumulang 16 Hz–20,000 Hz.

Mga iba’t ibang pananaw tungkol sa pagtingin sa realidad:

  • Newton — ang realidad ay nakapirmi at hindi nagbabago.

  • Einstein — ang realidad ay relatibo at nakadepende sa posisyon at bilis ng tagamasid.
  • Quantum physics — ang larawan ng realidad ay nag-iiba-iba depende sa tagamasid.
  • The wisdom of Kabbalah…?

Ang pagtingin sa realidad ayon sa karunungan ng Kabbalah:

  • Ang ating pagtingin sa realidad ay subhetibo.
  • Ayon sa karunungan ng Kabbalah, ang tao mismo ang lumilikha ng realidad.

"Kahit na parang nakikita natin ang lahat sa harap natin, alam ng bawat matinong tao na ang lahat ng nakikita natin ay nasa ating mga utak lamang."

- Baal HaSulam Panimula sa The Book of Zohar, p.34



"Halimbawa, ang ating pandama ng paningin: Nakikita natin ang isang malawak na mundo sa ating harapan, napuno ng iba't ibang bagay. Ngunit sa totoo lang, lahat ng ito ay nakikita lang natin sa ating loob. Sa ibang salita, may isang uri ng ‘makina ng pagkuha ng larawan’ sa ating utak, sa likod ng ulo, na naglalantad ng lahat ng lumilitaw sa ating isipan at walang kahit ano sa labas nito.

Ginawa Niya para sa atin diyan, sa ating utak, ang isang uri ng pinakintab na salamin na nagpapabaligtad ng lahat ng nakikita roon, para makita natin ito sa labas ng ating utak, sa harap ng ating mga mukha."

- Baal HaSulam Panimula sa The Book of Zohar, p.34


"Ang pagnanasa ang “sarili” ng tao."

- Baal HaSulam “Shamati”, artikulo blg. 153


"Tulad ng uod na ipinanganak sa loob ng isang labanos. Namumuhay ito roon at iniisip na ang mundo ng Maylalang ay kasing pait, dilim, at liit ng labanos na kanyang kinalakhan.” …

Ngunit sa sandaling mabasag nito ang balat ng labanos at sumilip sa labas, nagtatakang sasabihin nito: ‘Akala ko ang buong mundo ay kahalintulad ng labanos na aking pinagmulan, ngunit ngayon ay nakikita ko ang isang malawak, maganda, at kahanga-hangang mundo sa aking harapan!’”

Ganon din ang mga taong lubos na nakabalot sa balat ng kagustuhang tumanggap na kanilang ikinakapanganak […] kung pagsisikapan nilang basagin ang shell ng kagustuhang tumanggap na kanilang pinagmulan, at tatanggapin ang pagnanais na magbigay, agad na mabubuksan ang kanilang mga mata upang makita at matamo para sa kanilang sarili ang lahat ng antas ng karunungan, talino, at malinaw na isipan na inihanda para sa kanila sa mga espiritwal na mundo."

- Baal Haslam. "Panimula sa Aklat ng Zohar, p.40


"Ang lahat ng mga mundo, mataas at mababa, ay napapaloob sa tao. At gayundin, ang kabuuan ng realidad sa loob ng mga mundong ito ay para lamang sa tao."

- Baal HaSulam “Panimula sa Paunang Salita ng Karunungan ng Kabbalah”, p.1