Aralin 5. Ang espirituwal na kapangyarihang likas sa mga tunay na aklat ng Kabbalah
Tinutukoy ng aralin ang natatanging wika ng Kabbalah, na kilala bilang wika ng mga sanga at ugat. Tuklasin ang lihim na lakas sa loob ng mga tekstong Kabbalistic at kung paano nakakatulong ang pag-aaral sa ating espirituwal na paglago. Natutuklasan natin ang apat na wika na ginagamit upang ilarawan ang mga espirituwal na mundo, nauunawaan ang kanilang pagkakaiba at kahulugan.
- Ang wika ng Kabbalah - ang wika ng mga sanga at ugat
- Ano ang lihim ng “mahika” o kapangyarihan na nasa mga aklat ng Kabbalah?
- Paano nakakatulong ang pagbasa at pag-aaral ng mga sinulat ng Kabbalah sa tao upang umunlad sa espirituwal at maunawaan ang layunin ng kanyang buhay?
- Ang apat na wika na ginagamit upang ilarawan ang espirituwal na mundo sa mga pangunahing pinagkukunan, ang pagkakaiba sa pagitan ng mga ito, at ang kanilang kahulugan.
Batas ng Ugat at Sanga
Ayon sa batas ng ugat at sanga --
- bawat "sanga" sa mundong ito ay may sariling natatangi at espesyal na "ugat" na pinagmumulan nito pababa sa mundong ito.
- ugat = sanhi; sanga = bunga.
- Ang mundo ng mga ugat = ang espirituwal na mundo
- Ang mundo ng mga sanga = ang pisikal na mundo.
Ang wika ng mga sanga na makikita sa mga aklat ng Kabbalah ay naglalarawan sa mga espirituwal na ugat habang gumagamit ng mga pangalan ng “mga sanga” sa ating mundo.
Kapag nakatagpo tayo ng mga salitang pamilyar sa atin mula sa araw-araw na buhay sa mga aklat ng Kabbalah, kailangan nating tandaan na ang mga ito ay tumutukoy sa espirituwal na mga ugat at hindi sa kung ano ang nangyayari sa ating mundo.
Aralin 5. Ang espirituwal na kapangyarihan na nasa mga tunay na aklat ng Kabbalah
Slide 2
"Ang kaligayahan ay ang pagkakatulad ng anyo sa Maylalang. Kapag napantayan natin sa bawat kilos ang ating Ugat, nadarama natin ang ligaya."
- Baal HaSulam, Matan Torah [Ang Pagbibigay ng Torah]
Slide 3
"Ang Karunungan ng Kabbalah ay hindi nagbabanggit ng anuman tungkol sa ating pisikal na mundo."
- Baal HaSulam, The Freedom
Slides 4-6
"Walang anumang elemento ng realidad o pangyayari ng realidad sa mas mababang mundo na hindi mo matatagpuan ang kanyang katulad sa mundo sa itaas nito, na kasingtulad ng dalawang patak sa lawa. At ang mga ito ay tinatawag na “ugat at sanga.” Ibig sabihin, ang bagay sa mas mababang mundo ay itinuturing na sanga ng hulma na matatagpuan sa nakatataas na mundo, na siyang ugat ng mas mababang elemento, sapagkat dito naihulma at nilikha ang bagay na iyon sa mababang mundo. Ito ang layunin ng ating mga pantas nang kanilang sabihin, “Wala kang talahib sa ibaba na walang kapalaran at tagapangalaga sa itaas na siyang tumatama rito at nagsasabi, ‘Tumubo ka’!”"
- Baal HaSulam, The Essence of the Wisdom of Kabbalah
Slide 7
Kung tayo ay nabubuhay sa mundo ng mga resulta, paano natin mababago ang isang bagay dito?
Slide 8
Ano-anong aklat ng Kabbalah ang alam natin?
Pakisulat ang mga halimbawa sa chat.
Slide 9
"Ang karunungang ito ay hindi higit at hindi rin kulang kundi isang sunod-sunod na ugat na bumababa sa pamamagitan ng sanhi at bunga, ayon sa mga tiyak at nakalaang batas na nagsasama-sama sa isang napakataas na layunin na inilalarawan bilang “ang paghahayag ng Kanyang Pagka-Diyos sa Kanyang mga nilikha sa mundong ito.”
- Baal HaSulam, The Essence of the Wisdom of Kabbalah
Slide 10
Apat na Wika sa Karunungan ng Kabbalah
-
Ang wika ng Bibliya — ang mga pangalan at katawagan nito.
-
Ang wika ng Halakha (mga batas) — napakalapit sa estruktura at istilo ng wika ng Bibliya.
-
Ang wika ng mga alamat (Aggadah) — malayo sa istilong biblikal; hindi ito tumutukoy sa nasasalat na realidad. Gumagamit ito ng di-pangkaraniwang pangalan at simbolo at hindi tinatalakay ang mga konsepto sa pamamagitan ng sistema ng ugat at sanga.
-
Ang wika ng Sefirot at Partzufim — ang pinaka-eksakto at teknikal na wikang ginagamit para ilarawan ang mga espiritwal na estruktura.
Slide 11
"Ang Torah, na karunungan ng Diyos, ay walang pisikal na bagay dito."
- The Maharal of Prague, "Derech Haim", paunang salita ng may-akda
"Ang Torah ay espiritwalidad."
- Rabbi Nachman of Breslov, Likutei Moharan, I
Slide 12
"Ang mga sikreto ng Torah ay nagkukubli sa mga talinghaga at bugtong sa Torah dahil sa paglawak ng Torah at pagdaloy nito mula sa pinakamataas na antas pababa sa mundong makalupa."
- The Ramak, Know the God of your Father, 14
Slide 13
"Sinabi ni Rabbi Shimon, kaawa-awa ang nagsasabing ang Torah ay naglalaman lamang ng literal na mga kuwento. Gayunpaman, ang lahat ng salita ng Torah ay may nakatataas na bagay at pinakamataas na kahulugan."
- Book of Zohar
Slide 14
"Ang Wika ng Bibliya"
“Ang wika ng Bibliya ay ang pangunahing, payak na wika, na perpektong angkop para sa layunin nito, dahil kadalasan, naglalaman ito ng kaugnayan ng ugat at sanga at ito ang pinakamadaling wika upang maunawaan. Ang wikang ito rin ang pinakamatanda at iniuugnay kay Adam haRishon.”
- Baal HaSulam “Ang Pagtuturo ng Kabbalah at ang Kanyang Diwa"
Slide 15
"Ang Wika ng Bibliya"
Ang wikang ito ay may dalawang kalamangan at isang kahinaan. Ang una nitong kalamangan.
Unang kalamangan: Madaling maunawaan, at kahit ang mga nagsisimula pa lamang sa pag-unawa ay agad na nauunawaan ang lahat ng kanilang kailangan.
Pangalawang kalamangan: Mas naipapaliwanag nito nang mas malawak at mas malalim kaysa sa ibang mga wika.
Isang kahinaan: Hindi ito maaaring gamitin sa pagtalakay ng mga partikular na isyu o kaugnayan ng sanhi at bunga dahil ang bawat bagay ay kailangang ipaliwanag nang ganap...
Gayundin, ang wika ng mga panalangin at bendisyon ay hinango mula sa wika ng Bibliya."
- Baal HaSulam “Ang Pagtuturo ng Kabbalah at ang Kanyang Diwa"
Slide 16
Ang Wika ng Bibliya
“Sa pasimula nilikha ng Diyos ang langit at lupa.”
Ito ay naglalarawan ng dalawang puwersa na gumagalaw:
-
ang kagustuhang magbigay, at
-
ang kagustuhang tumanggap (ang ego).
Ginagamit ng nilikha ang parehong puwersa nang sabay, hindi lamang isa, upang marating ang antas ng Maylalang.
Slide 17
"Ang Wika ng Halakha (Mga Batas)"
Ang wika na ito ay ganap na hinango mula sa wika ng Bibliya ayon sa mga ugat ng mga batas na inilahad doon. Isa itong kalamangan kumpara sa Bibliya—lubos nitong nilalawakan ang bawat bagay kaya't mas tiyak nitong tinutukoy ang mga nakatataas na ugat.
Ngunit ang malaking kahinaan nito kung ihahambing sa wika ng Bibliya ay napakahirap nitong maunawaan."
- Baal HaSulam “Ang Pagtuturo ng Kabbalah at ang Kanyang Diwa"
Slide 18
"Ang Wika ng Aggadah (Mga Alamat)"
Ang wika ng mga alamat ay madaling maunawaan sa pamamagitan ng mga talinghaga na sadyang nababagay sa ibig ipahatid. Sa mababaw na pagtingin, mas madali pa itong unawain kaysa sa wika ng Bibliya. Subalit, para sa ganap na pag-unawa, ito ay isang napakahirap na wika dahil hindi ito sumusunod sa pagkakasunud-sunod ng ugat at sanga, kundi sa pamamagitan lamang ng mga talinghaga at pambihirang katalinuhan. Gayunpaman, ito ay napakayaman sa paglutas ng mga malabong at kakaibang konsepto na tungkol sa diwa ng antas sa kanyang kalagayan, para sa kanyang sarili, na hindi maaaring ipaliwanag sa wika ng Bibliya at ng mga batas."
Slides 19-20
Ang wika ng aklat ng Zohar
“Si Rabbi Elazar ay pumunta upang dalawin si Rabbi Yosi, anak ni Rabbi Shimon, anak ni Lakunia, kanyang biyenan, at kasama niya si Rabbi Aba. Isang tao ang nagdadala ng kanilang mga asno, ibig sabihin, pinangungunahan ang kanilang mga asno…
…Ang “pagpapasulong” ay nangangahulugang pagtusok, dahil ito ay palayaw para sa tagapagpalakad ng asno dahil sa kanyang kaugalian na tusukin ng karayom ang mga asno upang maglakad nang mas mabilis. Sinabi ni Rabbi Aba, “Buksan natin ang mga pintuan ng Torah, sapagkat ngayon ang panahon at oras para maituwid ang ating mga lakad.””
- The Book of Zohar with the Sulam [Ladder] Commentary, Introduction of the Book of Zohar, "The Donkey Driver," Item 74
Slides 21-22
Ang Wika ng Karunungan ng Kabbalah
"Ang wika ng mga Kabbalist ay isang wika sa buong kahulugan ng salita—napaka-ekskto, sa usapin ng ugat at sanga, at tungkol sa sanhi at bunga. May natatangi itong kagalingan na naipapahayag ang pinakamarurupok na detalye sa wikang ito nang walang hangganan. Gayundin, sa pamamagitan nito, posible na lapitan agad ang nais na paksa, nang hindi kailangang ikonekta ito sa nauna o kasunod nito.
...Gayunpaman, halos imposibleng makamit ito, maliban mula sa isang pantas na Kabbalist, at mula sa isang pantas na nauunawaan gamit ang sarili niyang isipan. Ibig sabihin, kahit ang nakakaunawa ng lahat ng iba pang mga antas mula sa ibaba paitaas at mula sa itaas paibaba gamit ang kanyang sariling isip, hindi pa rin niya mauunawaan ang anuman sa wikang ito hanggang hindi niya ito natutunan mula sa isang pantas na tumanggap nito mula sa kanyang guro ng personal."
- Baal HaSulam “Ang Pagtuturo ng Kabbalah at ang Kanyang Diwa”
Slides 23-25
Ang Wika ng Karunungan ng Kabbalah
“Dapat nating tandaan na ang buong karunungan ng Kabbalah ay nakabatay sa mga espiritual na bagay na hindi nasasakop ng oras o espasyo. Hindi sila nasasakop sa pagbabago o pagpanaw at ang lahat ng pagbabago na binabanggit sa karunungan na ito ay hindi nangangahulugan na ang unang anyo ay nawawala at napapalitang ng ibang anyo. Ang nabanggit na pagbabago ay nangangahulugang karagdagang anyo, habang ang una ay hindi umaalis sa kanyang kinalalagyan, sapagkat ang pagpanaw at pagbabago ay pisikal na pag-uugali…
…Mahirap ito para sa mga baguhan, dahil nakikita nila ang mga bagay batay sa pisikal na hangganan ng panahon, espasyo, pagbabago at pagpapalitan. Gayunpaman, ginamit lamang ng mga may-akda ang mga ito bilang palatandaan para ituro ang kanilang nakatataas na ugat.
Kaya, magsisikap akong bigyan ang bawat salita ng espiritual na pagkakakilanlan, hiwalay sa espasyo, panahon, at pagbabago.
Nasa mga mambabasa ang tungkulin na kabisaduhin ang kahulugan ng mga salitang ito nang lubusan, sapagkat hindi posibleng ulitin ito sa bawat pagkakataon.”
- Baal HaSulam, The Study of the Ten Sefirot, Part 1, Ch. 1, Inner Light
Slides 26-27
“Kaya, nakahanap ang mga Kabbalist ng isang tiyak at may anotasyon na bokabularyo na sapat upang makalikha ng pambihirang wikang pasalita. Pinapayagan nito silang mag-usap tungkol sa usaping may kaugnayan sa mga espiritual na ugat sa mataas na mga mundo, sa pamamagitan lamang ng pagbanggit sa mababa, nasasalat na sanga dito sa mundo, na malinaw ang kaugnayan sa ating pisikal na pandama. Naiintindihan ng nakikinig ang nakatataas na ugat na tinutukoy ng makalupang sanga dahil ito ay kaakibat nito, bilang imprint nito.
- Baal HaSulam, The Essence of the Wisdom of Kabbalah
Slide 28
Ang Wika ng Karunungan ng Kabbalah
Ang Sampung Sefirot:
- Keter
- Hochma
- Bina
- Hesed
- Gevura
- Tiferet
- Netzach
- Hod
- Yesod
- Malchut
Slides 29-31
Ang Wika ng Karunungan ng Kabbalah
"The Study of the Ten Sefirot, Inner Observation, chapter 2:
Ang lumilitaw sa coupling by striking (Zivug de-akaa) sa Rosh ay nakikilala lamang sa Guf. Ang paglawak sa Malchut ay tinitingnan bilang mula Peh hanggang Tabur, at ang pagtulak mula sa Malchut ay itinuturing na mula Tabur pababa.
Item 16. Dapat mong maintindihan dito na wala tayong persepsyon sa sampung Sefirot ng Rosh. Ito ay sapagkat sila ay estado ng Ein Sof, at lahat ng ating nakikilala sa sampung Sefirot ng Rosh ay ang kanilang paglawak lamang sa Guf, at ang nakatataas ay pinag-aaralan mula sa nakabababa.
Sinasabi natin na ang nakatataas na liwanag ay lumawak hanggang Malchut at ang screen sa sisidlan ng Malchut ay tinulak ang liwanag at hindi hinayaang makapasok ang liwanag sa sisidlan ng Malchut at ibinalik ito, at ang reflected light na ito ay tumakip sa sampung Sefirot ng direktang liwanag.“
- Baal HaSulam, The Study of the Ten Sefirot, Part 4, Inner Observation, Chapter 2, Item 16
Slide 32
“Natutuwa ako na ako’y isinilang sa ganitong henerasyon kung kailan pinapahintulutang ihayag ang karunungan ng katotohanan. At kung tatanungin mo kung paano ko nalaman na pinahihintulutan, sasagot ako na dahil ipinagkaloob sa akin ang pahintulot upang ihayag ito.[...]
Itinuturing naming ito na hindi nakadepende sa kadakilaan ng pantas, kundi sa kalagayan ng henerasyon.”
- Baal HaSulam "Ang Pagtuturo ng Kabbalah at ang Kanyang Diwa"
Slide 33
Pag-abot sa mga Daigdig na Higit Pa: Isang Gabay sa Espiritwal na Pagkatuklas
Gabi-gabing Setyembre 1991, may ipinasang kwaderno kay Michael Laitman na naglalaman ng mga transcript mula sa isa sa pinakadakilang Kabbalist sa lahat ng panahon. Sa loob ng libu-libong taon, ang mga sikreto ng Kabbalah ay iningatan mula sa mga banyagang mata at ipinapahayag lamang sa tiyak na mga pagkakataon. Dumating na ang panahon upang ihayag ang mga sikreto na nagbibigay ng sagot sa tanong na itinatanong ng lahat ng tao sa lahat ng panahon: Ano ang kahulugan ng aking buhay?
Slide 34
Ang Kabbalah ay Nahayag: Gabay sa Isang Mas Mapayapang Buhay
Kabbalah Revealed: Gabay sa Isang Mas Mapayapang Buhay ay isang malinaw na isinulat, madaling sundan na gabay upang maintindihan ang mundo sa paligid kasabay ng pagbubuo ng panloob na kapayapaan.
Bawat isa sa anim na kabanata ng aklat na ito ay nakatuon sa magkakaibang aspeto ng sinaunang karunungan ng Kabbalah, nagdadala ng bagong liwanag sa aral na madalas ay nabalutan ng hiwaga at maling pagkaunawa.