Aralin 2: Ang Diwa ng Karunungan ng Kabbalah
Pag-unawa kung ano ang diwa ng Karunungan ng Kabbalah batay sa mga tunay na mapagkukunan
“Wala kaming nililikha na bago, ang aming gawain ay ilawan lamang ang natatago sa loob ng isang tao.”
- Rav Menachem Mendel ng Kotzk
Kalikasán
- Sa kalikasan ay may kamangha-manghang pagkakaisa - bawat elemento ay nagpapakumpleto sa isa’t isa at mahalaga para sa wastong pag-andar.
- Ang kalikasan ay isang integral na sistema at lahat ng bahagi nito ay magkakaugnay
- Ito ay isang sistema na umuunlad tayo tungo sa koneksyon at kooperasyon sa dalawang direksyon:
- Sa isang banda, may pagkakaisa ng lahat ng bahagi;
- At sa kabilang banda - may pagkakaiba-iba at paghahati-hati, na humahantong sa paglikha ng maraming iba’t ibang natural na elemento.
- Ang tao ay hindi nakahihigit sa kalikasan, kundi bahagi ng isang napakalaki at komplikadong sistema, at konektado dito sa napakaraming di-nakikitang ugnayan.
- Ang kawalan ng balanse sa pagitan ng pagtanggap at pagbibigay sa ugnayan ng tao ay sanhi ng kawalan ng balanse sa buong kalikasan.
- Bilang resulta, ang sangkatauhan ay nakararanas ng paghihirap, depresyon at iba’t-ibang krisis sa isang banda, at sa kabilang banda, likas na kalamidad, krisis sa ekonomiya at kapaligiran, epidemya at iba pa.
Sa Pagitan ng Agham at Karunungan ng Kabbalah
Sinusuri ng agham ang pisikal na realidad, bumubuo at nag-aayos ng kaalaman, at sinusubukang ipaliwanag ang mga phenomena sa ating mundo sa pamamagitan ng empirikal na pamamaraan:
- Prinsipyo ng hindi pagkiling
- Prinsipyo ng falsifiability
- Abstraksyon
- Pagkakapare-pareho
“Ang ating esensiya ay katulad ng esensiya ng lahat ng detalye sa realidad, na hindi higit o mababa kundi ang kagustuhang tumanggap.”
- Baal HaSulam. Item 20. “Panimula sa Aklat ng Zohar”
“Ang kasaganaan ay parang karagatan. Mayroong kukuha gamit ang panusok, at mayroon namang gumagamit ng balde, at iba pa.”
- RABASH, Iba’t-ibang Tala. Artikulo Blg. 798, "Ang Merito ng Pinakabata"
“Ang buong karunungan ng Kabbalah ay upang malaman lamang ang paggabay ng nakatataas na kagustuhan, kung bakit Niya nilikha ang lahat ng nilalang, ano ang nais Niya sa kanila, at anong magiging wakas ng lahat ng mga pagliko ng mundo.”
- RAMCHAL, Daat Tevunot
Mga Katangian ng kagustuhang tumanggap
- Ang ating mga pagnanasa ay lumalago sa lahat ng oras
- Ang mga pagpupuno, na nakakamtan sa pamamagitan ng malaking pagsisikap, ay nararamdaman nang panandalian at nawawala.
- Kapag nawala na ang pagpupuno - iniiwan tayo nito ng mas malaking kakulangan
- Habang tumataas ang kalidad ng kaligayahan, mas matagal ang pagpupuno
- Ang mga pagnanasa ay hindi kontrolado ng tao
- Ang mga pagnanasa ay malakas na naiimpluwensyahan/kontrolado ng kapaligiran.
- Ang mga pagnanasa ay hindi maaaring kanselahin - maaari lamang itong mabawasan sa pamamagitan ng mga paghihirap
- Egoismo = mga kaligayahan ng tao na nakukuha sa kapinsalaan ng iba
- Ang pagnanasa bilang sangkap ay neutral
- Ang ego = likas na pagkamuhi (walang dahilan) sa kapwa, laging uunahin ang sariling katuparan kaysa sa katuparan para sa iba, at kadalasan ito ay mangyayari sa kapinsalaan ng iba.
Depinisyon ng Karunungan ng Kabbalah
“Ang karunungang ito ay hindi higit o mababa kaysa isang sunod-sunod na ugat na bumababa sa paraang sanhi at epekto, na sumusunod sa mga tiyak at nakatakdang batas na nag-uugnay patungo sa iisang mataas na layunin na inilalarawan bilang “ang pagpapahayag ng Kanyang Pagka-Diyos sa Kanyang mga nilalang sa mundong ito.”"
- Baal HaSulam, Ang Esensiya ng Karunungan ng Kabbalah